" Ano na ang gagawin natin ngayon? " tanong ni Grim. Tinignan ko si Xyriel na ngayon ay mahimbing na natutulog, bakas parin sa mukha nito ang takot kahit natutulog ito. Sa bahay na kami pumunta dahil alam kong safe siya dito. ' Dapat di ko na lang siya pinayagan ' " Ano ba ang sabi ng half blood na yun kay Xyriel? " tanong ko sa kanya. Mabilis niya kong tinawagan nang maamoy niya ang dugo ni Xyriel at makitang wala ito sa kwarto niya. Dahil malayo si Xyriel sakin, hindi ko magamit ang ability ko para mabilis na makapunta kaya napilitan akong magsasakyan papunta sa lugar na yun. " Wala nang half blood doon nung dumating ako, ang tanging naabutan ko lang ay ang pag-iyak ni Xy habang ginigising ang mga bata " Huminga ako ng malalim at hinawakan ang sintido ng noo ko. Pinapasakit

