Weekend Nakapagpaalam na ko kay Zachiko na sa condo muna ako matutulog ngayon. Nung una ayaw niyang pumayag dahil hindi daw safe para sakin kaya pinasama niya sakin si Grim na ngayon ay nasa kaanyuan ng pusa ang itchura niya. " Ang cute mo talaga Grim, halika nga dito " yayakapin ko sana siya kaso ang bilis niyang makalayo sakin. " Grim! Payakap lang ako! " hinabol ko siya kung san man siya pumupunta. " Ayoko mortal! Layuan mo ko! " Napatigil ako sa paghabol sa kanya ng biglang may nagdoorbell. " Damot " inayos ko yung damit ko pati na rin buhok ko na mukhang nagulo. Pumunta ako sa may pinto at binuksan iyon. " Xy!!!!!!!! " dinambahan ako ng yakap ni barbs kaya napaatras ako. " Ang O.A barbs hah, parang di nagkita samantalang nagkita naman tayo nung nakaraang araw " tumingin a

