ATVK #3

889 Words
Nagising si Xyriel sa hinding pamilyar na kwarto, bumangon sya at nilibot ng tingin ang paligid. " Nasan ba ko? " tanong nito. Tinignan nya ang kanyang damit at laking gulat nya ng makita nya na hindi ito ang suot nya. Nakasuot sya ng bistida na kulay pula. Sa mga oras na ito ay dapat nagtititili sya at nagsisisigaw ngunit kalmado lang sya. Naninibago din sya dahil hindi naman syang kalmadong tao, sya pa nga ang matatakutin na sa kanilang magkakaibigan kaya madalas syang sentro ng tuksuhan. Huminga sya ng malalim at lumabas ng silid, binati sya ng kadiliman pagkalabas nya. Madilim na ang buong paligid at tangi ang buwan na lang ang nagsisilbing ilaw sa mga paningin nya. Puro itim ang gamit at ni bakas ng ibang kulay ay wala kang makikita. Nagsimula syang maglakad paalis ng nakakatakot na kwarto na yun. Dahan-dahan syang bumaba ng hagdan. " Para naman akong nasa horror movie nito " sabi nya sa isip, bawat hakbang nya ng hagdan ay may mga nakakatakot na tunong gawa ng marupok na kahoy nito. Mas binilisan nya pa ang pagbaba para makaalis na siya. Pagbaba nya ng hagdan naglakad sya habang tinitignan ang buong paligid. Mataas ang bawat pader ng bahay kung bahay nga ba ito. Sobrang taas nito at dahil dito ay natatakot na sya. May mga malalaking painting at statue na nakalagay sa bawat pader. Binilisan nya ang paglalakad at ng makarating siya sa may pinto ay nakahinga sya ng maluwag. " Makakalabas na rin ako " sabi nito. Hahawak pa lang sya ng doorknob ay nakarinig siya nang tinig. Tulungan mo ko..... Napatigil naman sya at luminga upang hanapin ang boses na iyon. " Sino ka? " tanong nito pero walang sumagot. Tatalikod na sana sya ng may humawak sa balikat nya. " Ahhhh. Sino ka?!!! " sigaw ni Xyriel. Hindi naman nakakatakot ang mukha ng babae na ito pero pula ang mga mata nito. Maputla ang balat nito at sobrang puti. Nakasuot ito ng itim na bistida " Wag kang matakot Xy... " sabi nito " Waaaahhh! Bakit mo ko kilala? Sino ka ba! " sigaw nito, pilit nyang binubuksan ang pinto pero ayaw nito magbukas. " Palabasin mo ko dito! " sigaw ni Xy. " Papalabasin lamang kita kapag nagawa mo ang utos ko. " humarap sya sa likod pero yung babae dun. " Asan ka? Palabasin muna ko dito! " humakbang sya para hanapin ang babae na yun. " Papalabasin lamang kita kapag nagawa mo ang utos ko " ulit nito. " Waaaaahhhhh! " nagulat si Xy ng biglang magsalita yung babae na ngayon ay nasa likod nya na. " Tulungan mo ko at tutulungan din kita " " hindi ako papayag " matapang na sagot ni Xy. " Kahit sabihin ko na ibabalik ko ang dating Ivan " napatulala na lang si Xy at tinignan ang babae. " Aber! Pano mo magagawa yun? Hindi mo mababago ang nakaraan " " I can do it " " No you can't " naglakad pabalik sa pinto si Xy at pilit itong binubuksan. " Ivan will call you any minute from now, saying that he is sorry for what he did to you " tumigil si Xy at tumingin sa babae. Di sana ito maniniwala pero biglang nagring yung cellphone nya na nasa ilalim ng kanyang dress. Tinignan nya kung sino ito at laking gulat nya ng makita nya ang pangalan ni Ivan sa kanyang screen. Tinignan nya muna yung babae bago nya ito sagutin. " H-hello " nauutal na sabi ni Xy. [Xy... I miss you so much..] Hindi inaasahan na si Xy na tatawag ito. Umiyak sya di malamang dahilan. [Xy... I'm so sorry for what I had done to you. Please forgive me... Let's start again.... I promise I'll make it up to you] may mga naririnig si Xy na musika. Hindi makapagsalita si Xy dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman nya. Gusto nya maniwala na nagbago na ito pero ng tignan nya yung babae ay ayaw nya maniwala. " Ano Xy... Do you believe me? " itinago ni Xy ang kanyang cellphone at tinignan ang babae. " Gagawin ko ang iuutos mo pero dalawa lang ang ihihiling ko " sabi ni Xy... " Ano yun Xy? At gagawin ko " huminga ng malalim si Xy, Sigurado sya sa ihihiling nya. " Gusto kong mawala yung natitirang nararamdaman ko para kay Ivan." pagod na pagod na si Xy, sa ilang taon nyang pagpapakatanga tama na ang isang beses. " Sure " may binanggit na mga salita yung babae at may lumabas na rosas sa kanyang mga palad. Ibinigay nya ito kay Xy na ngayon ay nagtataka. " Anong gagawin ko dito? " tanong ni Xy. " Amuyin mo at mawawala ang lahat ng nararamdaman mo kay Ivan " ginawa na lamang ni Xy ang sinabi ng babae. Inamoy nya ito at nakaramdaman sya ng ibang pakiramdam na bago lamang sa kanya. naging magaan na rin ang kanyang pakiramdam nya. " Ang pangalawa Xy? Ano ito? " tinignan ni Xy ang babae. " Pagtapos ng iuutos mo ay pwede na kong umalis dito? " tumango ang babae at ngumiti. " Maasahan mo Xy, ngayon ang utos ko naman ang susundin mo " tumango si Xy. " Ngayon sundan mo ko " sabi nang babae. Sumunod si Xy sa kadiliman
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD