Hindi ko alam kung bakit ako nasunod sa babaeng to. Hindi naman sya nakakatakot actually ang ganda nya nga eh para syang manika kaso napakaputla nya. Pero sa twing titignan ko sya sa mata parang may kakaiba eh kasi kanina nakita kong pula yung mata niya tas ngayon normal na ulit. Baka namamalikmata lang ako tska para syang si Madame Auring. Manghuhula. Oo nga baka manghuhula to.
" Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad " tanong ko, simula ng pumayag ako sa gusto nya eh naglakad na kami dito sa bahay na mala museum sa sobrang laki.
Napairap na lang ako dahil di nya ko sinagot. Yung totoo? Naiinis na ko ha. Ang sakit na kaya ng paa ko dahil nakayapak lang ako tapos nangangati na rin ako sa suot ko.
Muntik na ko mauntog sa likod nya ng tumigil sya. Mumurahin ko sana siya nang bigla siyang magsalita.
" Andito na tayo " sabi nya kaya tumingin ako sa paligid. Wala naman kakaiba dito. Pader lang naman ang nakikita ko at may painting na nakasabit sa pader.
" Anong gagawin ko? " tanong ko.
" When I say go in papasok ka. " malamang kaya nga IN eh, alangan naman out. Nagawa ko pa talagang mag joke.
" Edi sureis quaer di openo isi doro " ano yun alien language? Ang weird talaga ng babae na to pasalamat siya maganda siya.
Yung pader na may painting biglang itong gumalaw at nagbukas. Nagulat ako dun kaya pumunta ako sa likod niya.
" Wait! Pano mo nagawa yun! " tanong ko sa kanya pero di siya sumagot at pinagpatuloy yung pagbanggit nang mga salitang di ko maintindihan.
" Pumasok kana" sabi nito ng matapos na siya.
" Dyan ba ko papasok? " tanong ko. Namangha naman ako sa ginawa nya. Baka naman wizard to katulad ng mga story na nababasa ko.
" Kunin mo ang kwintas na puso at bumalik ka dito "
" Teka teka, gagawin mo ba kong magnanakaw? " di makapaniwala kong tanong. " Ba't hindi ikaw na lang ang kumuha " grabe to inutusan pa ko.
" Look if you want to get out of here alive, do what I say " nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa tono ng boses nya. Nakakatakot.
" Fine! " suko ko. Lumabas ako sa pagkakatago ko sa likod niya at pumunta sa tapat nun
" At wag mo rin ito susuotin " tumango na lang ako at pumasok.
" Ano ba yan, bakit ang dilim naman dito " kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung flashlight nun. May silbi din pala tong cellphone na to pero wala pa ring signal.
Isang mahabang pasilyo lang ang nakikita ko. Walang kahit ano.
" Cool ka lang Xy, kaya mo yan! " pagchecheer ko sa sarili ko dahil baka himatayin ako sa sobrang takot.
Naglakad lang ako ng naglakad pero parang wala naman patutunguhan tong nilalakad ko.
" Nakakainis naman! Wala bang pinto dito? O kahit bintana man lang? " huminto muna ako dahil nahihirapan na din kasi akong huminga. Tuwing palayo kasi ako ng palayo feeling ko nauubusan ako ng oxygen sa katawan.
" Wag kang sumuko Xy! Kunin mo lang yung kwintas at makakaalis kana dito " huminga ako ng malalim at nagsimula uling maglakad.
Habang patagal ng patagal kinakapos na talaga ako ng hininga. Ayoko na....
Nabitawan ko yung cellphone ko dahilan para mawalan ng liwanag. Great! Humawak ako sa pader para masuportahan ako kung sakaling matumba ako dahil hindi ko na kaya.
Ganto na lang ba magwawakas ang buhay ko? Kung kelan okay na ko at nakamove-on kay Ivan ganto pa mangyayari. Peste!
Sa sobrang panghihina ko at feeling ko talaga any second mawawalan na ko ng malay, kinapa ko yung pader. Ewan ko ba kung bakit ko ba kinapa, kusa na lang kasing gumalaw yung kamay ko. Naghahanap lang ata ako ng bintana.
Tumitirik na ata ang mata ko sa kakapusan ng hininga at onti-onti na rin akong nanghihina. Dito na lang talaga magtatapos ang buhay ko.
Papikit na sana ako ng may mahawakan ako bakal. Buong lakas akong tumayo at pinihit yun. Pagtapak ko pa lang sa loob hagdanan kagad ang bumungad sakin. Pero pababa ang punta nito at hindi pataas, buti na lang this time may mga torch ng nakalagay sa may pader kaya nakampante ako ng very slight.
May mga painting na rin. Nakahinga na rin ako ng maayos. Tumingin ako sa likod ko at nawala dun yung pintuan. Ang weird talaga ng lugar na to.
" Sana matapos ko na to " dasal ko. Kumuha ako ng torch para magsilbing liwanag ko pababa. " Inhale Xy " naginhale ako " Exhale " nagsimula na kong bumaba. Paikot ang hagdanan na ito. Hindi ko alam kung hanggang san ba to patungo. May baba pa ba to?
Sa bawat pagbaba ko ay may mga larawan na nakasabit sa pader. Painting kung tatawagin. May mga tanawin, tao, bagay, at kung ano-ano pa. Pero ang ipinagtataka ko bakit gabi lagi ang background. Ang weird. Maganda kayang magpainting kapag maliwanag.
Nalibang ako sa pagtingin sa mga painting kaya hindi ko napansin na hindi na pala hagdan ang tatahakin ko kundi isang pasilyo. Pasilyo na naman?
May mga painting pa rin pero kapansin pansin ang mga larawan ng mga tao na naka kulay itim. Mapupula ang mata nito. Justcolored! Bahay ata ng drug lord ang pinasukan ko. Huhuhuhu! Tatakbo na sana ako paalis pero parang hinihila ako ng kung sino para magpatuloy.
Huminga na lang ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad.
Napatigil lang ako ng makakita ako ng malaking portrait ng isang lalaki. Omogo! Ang gwapo! Singit ang mata nito at kulay itim. Maliit din ang ilong nito at manipis ang labi. Di man sya nakangiti pero ang gwapo nya sa itchura nito lalo na at naka eyeliner ito. Medyo mahaba din ang buhok nito pero gwapo pa rin.
Kukunin ko sana cellphone ko para picturan ng maalala ko ng nahulog nga pala yun.
" s**t lang Xy! Ang tanga mo " binatukan ko yung sarili ko. Ang dami kasing pwedeng maiwala yung cellphone pa.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang tumigil ako sa isang pinto.
" Teka tama ba tong dinadaan ko? " baka kasi naligaw na ko. Huhuhuhu pano na ko lalabas?
Binuksan ko yung pinto at pumikit dahil natatakot ako sa kung ano o sino ang nasa loob.
Kayo na bahala sakin Lord, kung ito na ang last day ko sa earth, okay lang po.
Nang maramdaman ko na parang wala naman, dumilat ako.
Isang malaking kwarto ang nandito. May malaking bintana na nasagilid at bukas ang kurtina nito. Teka? Pababa yung dinaanan ko ha. Bakit kita ang buwan dito? Nagkalokoloko na.
Sinundan ko ng tingin yung liwanag ng buwan at ang dulo nito ay kama na may nakahiga. Omogod! May tao dito! Hindi ko alam kung papasok ba ko o hindi. Dahil di ko naman sure kung nandito ba yung kwintas. Tska baka mamaya magising yun at barilin ako. Trespassing pa naman ako.
Kasalanan talaga to nung babae.
Bahala na nga, dahan dahan ako pumasok sa loob, di ko na sinara yung pinto incase na may mangyari makakalabas ako kagad. Pumunta ako sa mga cabinet para hanapin dun yung kwintas. Pigil hininga ko tong ginagawa. Feeling ko talaga magnanakaw ako at any minute mahuhuli ako.
Nang wala akong makita sa mga cabinet pumunta ako sa may bedside table para dun hanapin.
" Asan na ba yun?" mahina kong bulong. Wala akong makitang kwintas dito, puro papel lang. Lumipat ako sa may kabilang bedside table malapit sa bintana. Buti na lang at maliwanag ang buwan kaya di ako nahihirapang mangapa.
Hinalungkat ko yung mga laman ng table pero wala pa rin. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo. Lumingon ako sa paligid nagbabakasakali na makita ko yun.
" baka naman nakalagay yun sa safe" ganun naman talaga yun diba? Kapag mga mamahalin na gamit nakalagay sa safe.
Tumingin ako sa kama nung may parang kumislap dun.
" OMOGOD! Sya yung nasa painting! " napatakip ako sa bibig at mabilis na nagtago. " s**t ka Xy. Ang ingay mo " binatukan ko yung sarili ko.
Sumilip ako para tignan kung nagising sya. Nakahinga lang ako ng maluwag dahil di sya nagising.
Lumapit uli ako para pagmasdan ang gwapo nyang mukha. Akala ko gwapo lang sya sa picture yun pala mas gwapo sya sa personal. Sayang lang talaga at hindi ko dala yung cellphone ko. Chance ko na sana to.
Pinagmasdan ko ng maigi yung mukha nya from his eyelashes. s**t! Pangbabae yung pilikmata nya. Tapos yung ilong nya na napakatangos. Tapos.... Tapos... Yung yummy nyang lips. Ang pink kahit walang lipstick. Ang landi landi mo Xy. Parang gusto ko syang gasahain pero joke lang yun di ako ganun na babae.
Tapos sa sexy nyang leeg at yung kwintas nyang may ruby sa loob at shape nito ay heart.
" Wow, siguro mahal yung kwintas nya " hindi naman tong mukhang peke. Dahil sa liwanag ng buwan parang nailaw yung kwintas. Mas lalo tong naging red.
" Kunin mo ang kwintas na puso at bumalik ka dito "
" Kunin mo ang kwintas na puso at bumalik ka dito "
" Kunin mo ang kwintas na puso at bumalik ka dito "
Teka? Eto ba yung kwintas na sinasabi nung babae? Sabi nya puso. Puso ang shape nito! Teka? Pano ko to kukunin?
" Faster Xy, your time is ruining out " sabi nung babae. San nanggaling yun?
" Aish, mamaya ko na nga iisipin yun "
Mabilis kung kinuha yung kwintas kasabay nang pagkuha ko ay ang pagyanig ng lupa.
" s**t! Bakit ngayon pa lumindol? " kahit naalog yung sahig ay pinilit kung makaalis dito.
Dahil sa sobrang pagyanig tumilapon ako at yung kwintas.
" Ouch. " daing ko. Nahihilo na rin ako pero pinilit kong gumapang para makuha yung kwintas.
Mas lalong lumalakas yung lindol kaya pasuray-suray ako.
Pagkakuha ko ng kwintas isusuot ko sana to kaso sabi nung babae wag ko tong susuotin.
" Wala na kong choice " sinuot ko ito.
Nagsisimula na rin gumuho yung kisame at nagsisilaglagan na rin yung mga picture frame.
Naiiyak na ko sa sobrang takot. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.
" Gusto ko ng umalis dito. Ayoko na dito. Ayoko na talaga dito " pumikit ako at niyakap yung tuhod ko, tinago ko yung mukha ko.
" Ayoko na talaga dito... " umiiyak kung sabi. Sana di na lang ako nagpauto sa babae na yun. Nagsisisi na talaga ako. Gusto ko lang naman makalimot kaya ginawa ko yun pero mukhang ako na ang kakalimutan nila kapag namatay ako.
" Gusto ko ng umalis dito " tumingin ako sa taas dahil parang may babagsak. At hindi nga ako nagkamali, pabagsak na yung mga bato sa taas. Gusto kong gumalaw pero ayaw kumilos ng katawan ko. Nagpapanic na rin ko.
OMG! This is the end. :(
Pumikit ako ng mariin.
" I want to go home " huli kong sabi bago ako mabalot ng kadiliman.
••••••••••••
A/N: The end na po.