" Oy Xy, okay ka lang ba? " napatingin ako kay Barbie.
" Ha? "
" Tapos na yung klase. Tulala ka na naman " tumingin ako sa paligid. Wala na nga yung mga kaklase namin. Kaming dalawa na lang ni Barbie natira.
" Okay ka lang ba Xy? Pansin ko lagi ka ng tulala this past few days " inayos ko yung mga gamit ko, nilagay ko yun sa bag at tumayo.
Palabas na sana ako ng classroom ng pigilan ako ni Barbs. Bakas sa mukha nya ang sobrang pag-aalala sakin. Sa sobrang dami nangyari sakin nung araw na yun para akong natrauma. Lagi na lang ako tulala at wala sa sarili. Pinagaalala ko pa tuloy yung mga kaibigan ko.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya ng pilit.
" Okay lang ako barbs, Pagod lang ako. " hindi sya kumbinsido sa sinabi ko pero hindi na sya nagsalita.
" Saan mo pala gustong pumunta Xy? " naglakad na kami palabas ng department namin.
" Bakit may gala ba ang barkada? " tanong ko.
" Wala naman. Gusto ko kasi na magbonding tayo " sabi nito.
" Next time na lang Barbs, pagod talaga ako. Gusto ko lang magpahinga " tumango na lang sya.
Tahimik lang kami hanggang makalabas kami ng campus.
" Sasabay kaba sakin? " tanong ni Lie. Umiling lang ako. Huminga sya ng malalim at hinarap ako.
" Xy? Sure kabang okay ka lang? " tumango lang ako. " Tawagan mo ko kung kailangan mo ko " tumango na lang ako. Umalis na sya at pumunta sa kotse nya.
Naglakad na rin ako papunta sa kotse ko. Medyo malayo yung pinagparkingan ko dahil puno na yung ibang space na malapit sa main gate ng campus.
Habang naglalakad ako parang may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa paligid. Wala namang ibang tao dito bukod sakin dahil malapit na mag gabi.
Nang masiguro ko na wala naman nakatingin sakin. Napagtuloy ako sa paglalakad. Lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa kotse ko. Para talaga kasing may nakatingin sakin.
Pagdating ko sa kotse ko pumasok kagad ako sa loob.
" Nagiging Paranoid kana Xy " sabi ko sa sarili ko. Inistart ko na yung engine at nagdrive papunta sa condo ko. Simula ng araw na iyon di na ako umuwi sa bahay. It's been one week after that day. Yung sinusumpa kong araw.
" I want to go home " huli kong sabi bago ako lamunin ng kadiliman.
Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya at hindi na rin lumilindol.
Binuksan ko ang mga mata ko. At tumingin sa paligid.
" Teka pano? " nandito ako sa silid ko. Sa bahay ko. Pero paano? K-kanina lang nandun ako sa bahay. D-dun sa kwarto. D-dun sa pasilyo.
" Nanay Tonette !! " lumabas ako ng kwarto at bumaba para hanapin si Nanay Tonette .
" Nanay Tonette !! " sigaw ko ng di ko siya makita sa sala.
" Oh anak? Naaga ata ang uwi mo? Asan na sila Barbs tska yung barkada mo? " tumakbo ako sa kanya at niyakap ng siya nang mahigpit . Diko mapigilan umiyak sa sobrang saya.
Im finally home...
" Oh? Bakit ka naiyak anak? " tanong nito sakin. Umiling iling ako at ngumiti. Kung may makakakita lang sakin panigurado pagtatawanan ako.
" Miss lang po kita nay, akala ko po hindi na kita makikita " akala ko katapusan ko na kanina. Akala ko mamamatay na ko.
" Sus, naglambing naman ang alaga ko. Pang apat na araw pa lang ngayon bago ka umalis" tumingin ako kay manang. Teka? Nakakaisang araw o dalawang araw pa lang ako dun.
" Hah? Kakaalis ko lang po kahapon " nagtataka kong sabi.
" Anong kahapon ka jan. Apat na araw ka na kayang umalis. Akala ko nga isang linggo kayo dun " hindi pwede. Kahapon lang ako umalis.
" Pero nay "
" Nako, kumain na lang tayo. Tamang tama kakatapos ko lang magluto ng adobong manok "
Simula ng araw na iyon, pana'y tanong ng barkada ko kung bakit ako umalis kagad. Hindi ko naman sila kagad natext dahil naiwan sa --- sa impyerno yung cellphone ko. Oo, Impyerno, para sakin impyerno yung bahay na yun. Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Kung paano ako muntik ng mamatay pero sa awa naman ng diyos at ligtas ako' di nga lang alam kung paano. O kung diyos ba talaga ang may gawa nun.
Pagdating ko sa condominium building na tinitirihan ko, binigay ko sa valet yung susi ng kotse ko at dumiretsyo sa elevator.
Ako lang mag-isa ng pumasok ako sa loob ng elevator. I press the 16th floor and the elevator's doors close.
Medyo makintab ang wall ng elavator kaya medyo nakikita ko yung sarili ko.
" I look like a mess " sabi ko. Pano ba naman, may malalim akong eye bag. Medyo pale na yung kulay ko tapos ang gulo-gulo ng buhok ko. Arrrgghhh! This is not me.
Lumabas na ko pagdating ng elevator sa floor kung nasan ang unit ko. I press my passcode at pumasok sa loob.
" Sa wakas at nakauwi na rin ako " binato ko sa coffe table yung bag ko at nagdive ako sa couch.
Wala naman akong ginawang nakakapagod ngayong araw pero pagod na pagod ako. Tulala naman ako simula kaninang umaga, di ko nga matandaan kung nagquiz ba kami o hindi dahil sa sobrang space out ko. I think mapagalitan ako ng ibang prof.namin. Sana lang talaga at may masagutan ako sa darating na exam.
Umikot ako ng higa at tumingin sa ceiling. Sobrang stress ako, I need to unwind kahit saglit lang. Pero ano naman gagawin ko? Gabi na at tinatamad akong pumunta sa mall.
Punta na lang kaya ako sa bar? Pero kailangan ko pumasok bukas, may performance test kami at kailangan ko ipasa yun kundi babagsak ako sa course ko. Dalawang taon na lang at graduate na ko, ayoko pang dagdagan ng isang taon yun.
Ayoko din naman kasi mag-mall, wala akong kasama. Sana pala pumayag ako sa nag magbonding kami ni Barbie. Pisti kasi yung mga iniisip ko, kundi sa babae na yun hindi ko sana kukunin yung kwintas.
And speaking of kwintas. Hinawakan ko yung kwintas na nakatago sa loob ng damit ko. Simula ng sinuot ko tong kwintas na to ayaw na nito maalis. Nagtataka nga ako nun kasi diba naalis ko to dun sa gwapong lalaki tapos sakin ayaw. Kahit anong gawin ko ayaw, wala nga tong lock at sobrang kapal ng bakal dahil kasi plies hindi gumana. Yung garden cutter nga namin sinubok ko na pero ayaw matanggal. Kaya pala sabi nung babae na wag ko tong susuotin kasi di natatanggal.
Pero..... Ano ba talaga meron dito? At bakit gustong-gusto nya tong kunin. At bakit ako? Pwede naman sya diba? Hays
Sana lang talaga at hindi ako balikan nung babae na yun. Dahil ewan ko na lang kung ano ang magagawa ko sa kanya. Kahit may magic sya o kahit anong mahika na yan, di ako papatalo. Pisti sya, dahil sa kanya muntik na ko mamatay aba! Hindi lang mag-asawang sampal ang ibibigay ko sa kanya, mag-anak at tribo pa. May kasama pang sipa at sabunot yun.
Umupo ako at tumingin sa wall-clock. Malapit na mag eight. Kailangan ko na kumain at gagala ako mamaya.
Magpapakasaya ako.
•••••••••••••••