Napamulat si Zachiko sa pagkakapikit ng mga mata niya. Ramdam niyang may hindi magandang nangyayari sa taong nag mamay-ari ng puso niya. “ Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Xyriel? “ tanong niya sa kanyang sarili. Namamalagi si Zachiko sa isang bundok kung saan nakatira ang ilang pang bampira na mas piniling manirahan sa bundok kesa sa syudad. Bumalik lamang siya sa pilipinas nang tumawag sa kanya si Xyriel at humingi ng tulong. Ramdam niya sa boses ng dalaga ang sakit kaya napabalik siya agad sa paaralan ng dalaga gamit ang pinakamabilis na sasakyang panghimpapawid. Wala na siyang pake kung may tao pa sa loob ng banyo basta makapasok ito sa loob. Nang madatnan niya ang dalaga ay wala itong malay at tila nalalapnos ang balat nito sa buong braso at hita. Matagal-tagal na rin simula

