Matapos naming kumain, bumalik kami sa kanya-kanya naming suite para mag-bihis dahil balak na nilang maligo. “ Grabe bes! Ang kapal talaga ng mukha ng Ivan na yun. May gana pa talaga siyang iharap satin yung babae niya “ padabog siya umupo sa kama. Natawa na lang ako kasi kala mo naman siya yung niloko. Mahal na mahal talaga ako ng baklang to. “ At natatawa ka lang talaga hah. Grabe Idol na talaga kita Xy, grabe akala ko magwawalk-out ka kanina kasi may kasama siyang ibang babae pero nginitian mo pa siya. Nakamove-on ka na talaga. I’am so proud of you! “ lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. “ Tama na nga to at bumaba na tayo. For sure kanina pa nandun yung mga yun sa sobrang excited na maligo “ tumango-tango siya at kumuha sa closet ng swim wear at nang malaking tshirt.

