KILLIAN 02

1767 Words
CHAPTER 2 It has been two days but Killian didn't call me, kahit si Florida ay hindi ako tinawagan. Mukhang nag enjoy silang lahat sa bisita nila, agad kong nalalasahan ang pait sa lalamunan ko. Habang nakahiga ako sa kama ko ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Taranta kong kinuha ito at agad na ngumiti, ngunit ang ngiting yon ay biglang naglaho. Hindi naman sa ayaw kong makausap ang papa ko, pero umaasa kasi akong tatawagan ako ni Killian. “Pa,” matamlay na tawag ko sa kabilang linya. “Anak how are you? Kumusta kayo ni Killian?” mahinang tanong niya sa akin. Ang kanyang boses ay parang nahihirapan, para bang mayroong masakit sa kanya. Umayos akong umupo bago siya sinagot, “Were okay Pa, don't worry Inalagaan naman po ako ni Killian ng m-maayos.” pagsisinungaling ko sa kanya. “That's good, nice to hear that. I love you anak, I’m hoping that you can give a little apo.” natatawa niya pa sa sabi. I smiled, gusto kong umiyak. Gustong-gusto kong sabihin kay Papa na hindi ako okay, hindi maganda ang turing sa akin ni Killian pero ayoko naman i-spoil ang mga sandaling nandito pa siya sa mundong ginagalawan nating lahat. “I love you too, Pa. Magpahinga ka riyan ng maayos, huwag matigas ang ulo. I can't wait to see you soon, Papa.” “I miss you too anak, tandaan mo mahal na mahal ka namin ng Mama mo.” aniya. Kahit ilang ulit ng sinasabi ni Papa sa akin ang mga habilin niya kung sakaling mawala na siya ay hindi pa rin ako sanay. Napatingin ako sa relo at napasinghap ng makitang alas dose na pala ng tanghali, kailangan ko ng bumaba dahil nag reserve ako ng table sa restaurant ng hotel, upang doon kakain ng tanghalian. Agad akong tumayo at nagbihis, I'm wearing a mini skirt and pair it with Korean polo. I have a small figure so it's okay to wear an oversize. It's not bad though. The size of my boobie and my bootie is just right, my hair is wavy. I look at myself in the mirror, and when I'm satisfied with my look, I head outside with my handbag and my favourite stiletto. Pagdating ko sa lobby ay agad akong dumeretso sa restaurant, “Hello ma'am, good afternoon. May I ask? Do you have a reservation?” magalang na tanong ng staff. I immediately nodded and smiled at her, “Yes, under the name of Mrs. Santiago—” “Santiago po? Killian Santiago if I'm not mistaken.” naguguluhan na tanong ng staff sa akin. Kaagad akong umiling sa staff, “No, under the name of Caliraya Santiago.— “I’m really sorry ma'am, pero isang Santiago lang po ang may reservation namin at yon po ay si Mr. Killian Santiago.” magalang niyang sabi. Even here? Hinohotel niya ang babae niya? Umalis na nga ako sa bahay at pumunta pa nga sila rito? Di kuntento sa bahay? I sighed heavily before I spoke, “Do you have another reservation?” I asked her. Hindi kasi sila tumatanggap ng customer na hindi dadaan sa reservation nila. Nag-aalangan na umiiling sa akin ang staff, “I’m sorry ma'am but there is no available table for the meantime—” "You can join our table, Caliraya.” Agad akong bumaling sa likuran ko, and I saw him with the girl. Her lips are red and her clothes are super kinolangan ng tela. Kulang na lang talaga ay maghubad siya. So ito ang mga gusto niya sa babae? Dressing like an escort or something working at the bar? “Babe? Do you know her?” the girl asked him. While looking at me like I'm a beggar. “No thanks, thank you for the offer but I have to go.” agad na sabi ko at naglalakad palayo sa kanila. Naglakad ako patungo sa exit ng maalala kong dala ko pala ang kotse, kaya naman ay agad akong lumiko patungo sa parking area pero bago ako makaliko ay bigla na lang may humila sa akin. "What are you doing here?” His voice as cold like ice,nanlilisik din ang kanyang mata habang nakatingin ng mariin sa akin. “Dito mo ba kikitain ang lalaki mo?” bintang niya sa akin at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ko. Kahit nasasaktan ako sa pagkakahawak niya sa pulsuhan ay nakaya ko pa din siyang sagutin, “What are you talking about? Me meeting another guy?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. “Don't deny it, Caliraya. Alam ko ang mga galawan na yan—” I don't know but I slapped him for the first time, hindi ko gawaing manakit ng ibang tao dahil laging pinapalala nila papa at mama sa akin na hindi magandang manakit ng kapwa tao dahil babalik din sayo ang masamang ginagawa mo. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. “Don’t you ever point a finger at me Killian, first of all I'm not that kind of woman and second between the two of us we know who's cheating and who has another woman.” hinihingal na sabi ko sa kanya. “Correction, she's not my other woman.” aniya sa malamig na tono. “Then she's not your other woman, but don't you ever accuse me of the crime I didn't commit.“ I replied, annoyed. I may talk back to him but my whole body is trembling because I'm scared of him. He has a big body baka bigla niya lang akong ibalibag dahil sa galit niya sa akin. Kaagad kong binawi ang pulsuhan ko ng makita ko ang babae na papalapit sa amin. I even heard him calling my name but I ignored it. Ayokong makakita ng away dahil sa kanya, pagdating ko sa kotse ay agad akong sumakay at sumandal. My heart is beating faster, halos hindi ako makahinga dahil sa nararamdaman ko, ang kalamnan ko ay nanginginig at ang tuhod ko ay nangangatog. I can't hold my tears, at tuluyan nang umiyak habang nakasandal. I'm crying like a baby, I sobbed. Iniisip kong ano ba talaga ang kulang sa akin? Bakit ganito siya ka lupit sa akin. Umalis ako ng bahay dahil dadalhin niya ang kanyang babae doon ay hindi ko yon kayang makita. Jesus Cali, you are twenty-eight and you are still crying like a baby. It's not your fault, it's just that he doesn't have a heart; he only thinks about himself. I'm twenty-eight and Killian is thirty-five his ex-army, I don't know why he retired. Wala din namang binanggit ang pamilya niya kung bakit, actually mas maganda ngang nag retire siya dahil sobrang delikado ang trabaho niya. Nang mahimasmasan ay inayos ko ang itsura ko tsaka pinaandar ang kotse, gagala na lang muna ako sa mall rito sa Cagayan, imbes na bukas ko sana itong plano. Pagkaparada ko sa kotse ay agad kong kinuha ang handbag ko at lumabas, imbes ayokong bumibili ng mga gamit kasi hindi ko naman ginagamit pero wala akong choice ngayon, I will buy anything I want. Pagkatapos kong makabili ng jeans, shirt, dress and jewelry ay agad akong dumeretso sa exit but I saw him, looking at me like he want to eat me alive. What is he doing here? Wala akong pagpipilian dahil kailangan ko talaga siyang daanan dahil yon lang ang exit, patungo sa parking area. Lalampasan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita na naging dahilan ng pagguho ng mundo ko. “We need to go back, your father died.” Parang sirang plaka ang kanyang boses dahil paulit-ulit ko itong naririnig sa utak ko. I can't move, I want to cry but it feels like there's nothing left. It feels like it's all gone, I want to scream, but I feel like I have no voice, and I don't know what to do next. Kung hindi niya pa ako hinila patungo sa dala niyang kotse ay siguro tsaka lang ako aalis doon kung May puting uwak ng dumaan. Habang nasa kotse niya ako ay mayroon naman siyang kausap sa kanyang cellphone. Wala akong pake kung sino man ang kausap niya, siguro kaya hindi ako maiyak dahil siya ang kasama ko. Ayokong makita niya akong umiyak. “Cry if you want, huwag ka lang bumahing dyan at madumihan pa itong kotse.” malamig na sabi niya at sinulyapan ako saglit. I thought, magiging maayos na ang turing niya sa akin dahil sa nangyari ngayon. Pero wala siyang pakialam, I expect to much. Hindi nga niya ako magawang tanungin kung ayos lang ba ako o di kaya'y pwede akong umiyak sa balikat niya. Pero bakit niya naman yan gagawin? Galit siya sa akin at mas lalong galit siya kay Papa dahil sa kasunduan. Pagkakuha ko sa gamit ko sa hotel at pag check-out ay dumeretso kaagad kami sa airport, kahit nasa eroplano na kami ay wala kaming imikan. Paglapag naman ng eroplano ay agad akong sumakay sa taxi at hindi na siya hinintay pa. Dala ko naman ang wallet ko kaya walang problema kung mauuna ako sa kanya. I already called mommy at tinanong siya kung saan si Papa, “Golden heart hospital po manong.” Ani ko sa drayber ng taxi. Laking pasasalamat ko dahil hindi gaano ka traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa hospital, pagkatapos kong maibigay ang bayad sa drayber ay umiiyak na akong pumasok sa loob ng hospital. Una kong pinuntahan ay ang nurse station at tinanong kung saan si Papa. Nasa labas ng morgue si Mommy at Daddy ang mga magulang ni Killian, “Hija, bakit mag-isa ka lang? Where’s Killian?“ nag-alala na tanong ni Mommy sa akin. Ngunit hindi ako sumagot sa halip ay naglakad ako papasok sa loob kung nasaan si Papa. Maraming tinakpan gamit ang puting tela, pero iisang paa lang ang nakakuha ng atensyon ko. My father's feet, my body is trembling while walking slowly towards him. Nanlalabo din ang mata ko dahil sa sunod-sunod ng luha. My Papa… “P-pa… B-bakit mo ako iniwan pa? Bakit ngayon pa?” umiiyak na tanong ko kahit alam ko naman ang magiging sagot niya. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi na malamig na. Malamig na ang kanyang buong katawan, maputla na rin siya. Ang kanyang katawan ay halos hindi na magalaw dahil nanigas na ito. I kissed his forehead, “Sabihin mo kay Mama dayon sa itaas pa, I miss her. I will miss both of you, mahal na mahal ko kayong dalawa.” mahinang bulong ko sa kanya bago mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD