CALIRAYA POV:
Nakatingin ako ng mariin kay Lorebel, ang kamay niya ay mahigpit pa ring nakahawak sa pulsuhan ko. Nakangisi siya sa akin, ang mga mata niya ay nagniningning sa panunuya. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging desisyon ko. Gusto niyang makita kung magmakaawa ba ako, kung iiyak ba ako, kung susuko ako.
Hindi ko ibibigay sa kanila ang gusto nila. Hindi ako papayag sa gusto nilang mag divorce kami ni Killian.
Lumawak ang ngiti ko sa kanya, isang ngiti na puno ng paghamon. Marahan akong lumapit sa kanya, ang aking mga mata ay nakatitig sa kanyang mga mata. "Gusto mo bang malaman ang desisyon ko?" tanong ko, ang boses ko ay kalmado.
"Oo," sagot niya. "Sabihin mo na." hindi mapakaling ani niya.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Ayokong makipag-divorce.” simpleng sambit ko at nakataas ang kilay na dumistansya sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?" Gulat na tanong niya. "Bakit?"
"Dahil ayokong ibigay ang hiling ninyo kung masasaktan naman pala ako, mawawala naman pala sa akin ang lahat, mas mabuti pang hindi ninyo makukuha ang gusto ninyo." sagot ko pero sa isipan ko.
“Wala lang,” sagot ko.
"Pero bakit?" tanong niya. "Bakit mo ginagawa ito sa amin? Alam mong mahal namin ang isa't-isa Caliraya, huwag mo namang ipagkait sa amin ang kaligayahan namin—”
"Tapos ako?" sagot ko. “Naisip niyo bang masasaktan ako? Di ba hindi?”
"Caliraya, pakiusap," sabi ni Lorebel, ang boses niya ay nanginginig. "Baguhin mo na ang desisyon mo. Hindi mo ba naiintindihan? Masasaktan ka lang."
"Hindi ako magsisisi," sagot ko, ang mga mata ko ay hindi umiwas sa kanyang mga mata. "Dahil alam kong tama ang ginagawa ko.” Kahit alam ko naman na hindi niya talaga ako magawang mahalin, ayokong ipaubaya siya sa Isang babae na hindi ako sigurado kung ano ang binabalak. Lalo na alam kong mag-ex sila.
"Pero bakit?" tanong niya. "Bakit mo ginawa ito sa amin? Bakit mo ginagawa ito sa sarili mo?"
"Dahil mahal ko si Killian," sagot ko. "At hindi ako susuko sa kanya."
"Pero hindi ka niya mahal," sabi niya. "Hindi ka niya mahal." Pag-uulit niya.
“Alam ko,” simpleng sagot ko. “Pero wala akong pakialam.”
“Mukhang kinakarir muna ang pagiging marupok mo, Caliraya. Ipaalala ko lang sayo, ako ang mahal ni Kill—”
“I don't care, and by the way I already know your plan so better keep it hidden.” I said and smirked at her.
Naestatwa naman siya sa kanyang kinatatayuan kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na yon upang makaalis. Medyo distansya na ako ng mag-sink-in siguro sa kanya na wala na ako sa harapan niya. Nakita ko pa ang masama niyang tingin, pero hindi ko siya pinansin.
Napabuga ako ng hangin, nagmamadali akong lumabas ng pintuan, pero bigla akong natigilan. Nakatayo si Killian sa harap ko, nakasandal sa pader na tila ba naghihintay lang. Walang emosyon ang mukha niya, walang kahit anong pag-aalala o pag-uusisa. Parang hangin lang siya na dumaan sa tabi ko, hindi man lang ako napansin.
Alam kong wala siyang pakialam sa akin, at kahit may pakialam ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba, lalo na may nangyari sa amin at mukhang ako lang ang nakakaalam. Parang may nag-udyok sa akin na makipag-usap sa kanya, pero alam ko naman na wala akong mapapala.
"Killian," tawag ko sa kanya, pero hindi siya lumingon.
"Ano?" sagot niya, ang boses niya ay malamig at walang pakundangan.
"Wala," mabilis kong sagot, nakaramdam ng hiya. Marahan ko pang kinurot ang pulsuhan ko upang mag bigay ng babala sa sarili.
Tumango siya, at tumalikod na, naglalakad palayo sa akin.
Napailing ako. Bakit ko pa ba siya tinawag? Wala naman akong pakialam na sa kanya, at wala rin naman siyang pakialam sa akin. Mas mabuti pang ituloy ko na lang ang lakad ko. Kahit mabigat ang mga hakbang ko ay pinipilit ko pa din ang sarili ko.
Naramdaman ko agad ang malamig na hangin sa mukha ko habang naglalakad ako patungo sa parking lot ng mansion, kahit tirik ang araw ay malamig ang hangin. Ang mga katulong na nakakita sa akin ay nagmamadali sa kanilang mga lakad paalis, aabutan ko silang nag nagkukuwentuhan, nagtatawanan. Pero silang tumahimik at lumayo agad.
Napahinto ako sa harapan ng kotse ko, nagdadalawang isip na aalis ba o hindi. Napabuntong-hininga ako at binuksan ang kotse. Ano pa ba ang ginagawa ko dito? Ano ba ang hinahanap ko?
Pakiramdam ko'y may matang nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung totoo o guni-guni ko lang, pero ramdam ko talaga ang titig.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse, iniisip kong sino ang nagmamasid sa akin. Noon kapag pupunta ako dito sa bahay nila. Halos hindi na ako pauwiin ni Mommy, pero ngayon ramdam ko na hindi niya talaga ako gusto para sa kanyang anak. Ano kaya ang nasaisip ni Daddy ngayon? Tinuring niya kaya akong totoong anak?
Nang malapit na ako sa exit ng subdibisyon ay kaagad akong nagpasya na pupuntahan ko si Khala, ang matalik kong kaibigan. Ang bahay niya ay nasa kabilang baryo, pero alam kong malugod niya akong tatanggapin lalo na't Pasko na.
Nagmaneho ako sa ilalim ng nagniningning na araw, ang hangin ay malamig at sariwa, binaba ko kasi ang bintana ko. Nasa kotse ko na ang maliit na bag na naglalaman ng ilang damit at mga regalo para kay Khala at kay tita.
Pagdating ko sa bahay nila ay kaagad akong pinapasok sa katulong. Pagbaba ko sa kotse ay kaagad kong nakita ang nakasabit sa kanilang pintuan, isang malaking parol at may mga makukulay na palamuti sa paligid.
Narinig kong may nagtawanan sa loob at kilala ko kung sino iyon, ang kaibigan ko si Khala. Pagwala ng tawanan ay bumungad sa akin ang nagbukas ng pinto. Sinalubong niya agad ako ng isang malapad na ngiti. "Ikaw pala, beb! Halika, pasok ka bakit hindi ka tumawag na pupunta pala?”
"Merry Christmas, beb!" bati ko sa kanya at niyakap agad siya.
"Merry Christmas din, beb! Pasensya ka na kung medyo magulo ang bahay, naghahanda pa lang kami para sa Noche Buena.”
"Ayos lang, beb. May kasama kayo—”
Napahinto ako sa pagpasok ng nakita ang loob,
sinalubong ako ng isang mainit na yakap ng mga babaeng pinsan ni Khala. Kilala ko na sila, pero hindi ganon ka closed. Ang mga bata ay nagtatakbuhan at naglalaro, ang mga matatanda ay nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang amoy ng masasarap na pagkain ay naglalaganap sa buong bahay. Ang sarap nilang pagmasdan.
"Halika, beb, ipakilala kita sa ibang mga pinsan ko." aya ni Khala sa akin.
“Huh?” nalilito na tanong ko.
Umupo ako sa sofa at pinagmasdan lang ang ibang babae. Naguusap sila, ang iba ay parang may ibang mundo dahil hindi man lang nila napansin ang pag-upo ko.
Bumalik ulit si Khala sa akin at bumulong, “Mamaya na pala kita ipakilala, busy pa ang iba sa likuran.”
Tumango na lang ako sa kanya at umayos ng upo, “Halika ka, sabay kana sa amin kumain.” pagyaya saakin ni Khala. Aangal na sana ako ng bigla niya akong hinila patungo sa dining area nila.
Napabuntong-hininga ako, tinitigan ang masasarap na pagkaing nakahanda sa mesa. Ang amoy ng lechon, ham, at iba pang masasarap na pagkain ay nagpapasaya sa aking puso. Tama, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong kalimutan ang sakit ng nararamdaman ko at ang mga problemang dumating ngayong taon. K-kailangan ko ng tanggapin na wala na kami ni K-killian.
"Masarap ba?" tanong ni Khala, nakangiti sa akin. Kinagatan ko kasi ang isang fried chicken, pinaglalandakan niya kasi kanina sa akin na siya ang nagluto nito.
"Sobrang sarap, beb!” sagot ko, at ngumiti sa kanya.
Habang kumakain, nakikinig ako sa mga kwentuhan ng pamilya ni Khala. Ang kanilang mga tawanan at pagkukuwentuhan ay nagpapasaya sa akin. Nakakalimutan ko pansamantala ang mga problema ko.
Nang matapos kaming kumain, nagsimula nang maglaro ang mga bata. May mga relatives kasi si Khala na may mga anak na. Ang kanilang mga tawanan ay nagpaparamdam sa akin ng saya at kalayaan.
Gumagabi na ngunit wala akong natanggap na tawag mula sa pamilyang Santiago, mukhang wala talaga silang balak na makasama ako ngayong pasko. Nagsimula nang mag-awitan ang mga tao. Ang mga kanta ng Pasko ay nagpaparamdam sa akin ng pag-asa at kaligayahan. Sa bawa't pasko na nagdaan ay maliban sa bahay namin nina mama at papa ay dito ko lang naramdaman sa bahay ni khala ang tunay na kaligayahan ng pasko.
"Alam mo ba, beb," sabi ni Khala, habang nakatingin sa akin. "Ang Pasko ay panahon ng pag-ibig at pagpapatawad. Kalimutan mo na ang mga problema mo at mag-enjoy ka lang sa araw na ito at sympre kalimutan muna ang gagông yon.”
Napatango ako. Tama siya. Kailangan kong kalimutan ang lahat ng sakit at problema sa aking buhay. Kailangan kong mag-enjoy sa araw gabing to.
Napabuntong-hininga ako, pinipilit kong alisin ang mga negatibong kaisipan sa aking ulo. Tama si Khala, kailangan kong mag-focus sa mga magagandang bagay na nangyari ngayong taon.
Naalala ko ang mga simpleng bagay, tulad ng pagkain ng paborito kong pagkain, ang paglalakad sa parke, ang pagtingin sa magandang tanawin. Lahat ng ito ay mga magagandang bagay na nagpapasaya sa akin lalo na kasama ko ang buong pamilya ko.
"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Khala, nakangiti.
"Iniisip ko lang ang mga magagandang bagay na nangyari sa akin, maliban na nakilala ko siya," sagot ko.
"Ay humuhugot kana din?” sabi ni Khala. "Marami tayong dapat pasalamatan, lalo na ngayong Pasko.”
Napatango ako. Tama siya. Kailangan kong magpasalamat sa lahat ng mga magagandang bagay na nangyari sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa mga taong nagmamahal sa akin.