KILLIAN 04

1585 Words
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na noong kumakain kami ni Michael kanin, sobrang dilim ng titig ni Killian sa amin kanina. Kung hindi ko lang talaga alam na hindi niya ako gusto ay isipin kung nagseselos siya. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at maingat na pumasok, sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti ako dahil mukhang hindi pa siya nakakauwi, lalakad na sana ako ng biglang— The lights suddenly on at alam ko kung sino ang nagbukas non, “Lalaki mo ba yon?“ ang kanyang boses ay mabigat, nasa likuran ko siya hindi ko man lang naramdaman kanina. Huminga ako ng malalim bago siya tinignan ngunit ang kanyang madilim na mukha agad ang napansin ko, “Hindi ko siya lalaki—” Mas lalo siyang galit dahil sa sinabi ko, “Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong niya habang gumagalaw ang kanyang panga, “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.“ Gusto kong humalakhak dahil sa sinabi niya, ang kapal naman na tawagin niya akong traydor kung siya lang naman ang may kabit sa aming dalawa. “Hindi ako nagtaksil, Killian. At higit sa lahat hindi ko siya lalaki.” lakas na loob na sagot ko sa kanya. “Ano ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon Caliraya? Hindi mo ba itinuturing na Isang pagtataksil ang pagkain kasama ang Isang lalaki?” insulto na sabi niya at ngumisi na nakakaloko. Imbes na sagutin ang kanyang paratang ay naglalakad ako patungo sa kwarto ko, walang kabuluhan ang pinuputok ng butsi niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin nguni't hindi ko iyon pinansin. Pagpasok ko sa kwarto ay kaagad tumulo ng kusa ang luha ko. Hindi nga ako umangal ng nagdala siya ng babae sa bahay niya sa Cagayan, wala siyang narinig mula sa akin. Hindi ko siya sinumbatan kung gaano kasakit ang mga araw na yon. Tapos makikita niya lang akong may kasamang lalaki habang kumain ay pagtataksil na ang tawag niya. Ang kapal talaga… Umiiyak ako habang nakadapa sa kama, ang mukha ko ay nakasubsob sa unan at doon sumigaw sa sakit na nararamdaman ngayon. Habang umiiyak ako ay biglang may kumatok. “Caliraya get out!” Galit ang kanyang boses habang kumakatok sa pinto. Mas lalo akong napaiyak dahil sa kanyang sigaw, imbes tumayo at sundin ang kanyang gusto ay tinakpan ko ang dalawang tenga ko. KILLIAN POV: “What did you do, you idiot?!” I whispered to myself while looking in the large mirror. I took a deep breath before leaving the bathroom. I grabbed my black leather jacket and left the room. I wanted to have a drink alone. Before I reached the door, I looked into Caliraya's door. It was closed, and it looked like she was asleep. I drove my black Ferrari to the club I always go to. It's exclusive, no women are allowed in unless you ask. The owner of the club, Jairus, is a friend of mine. Pagdating ko ay kaagad kung nakita ang mga kaibigan ko, napamura ako ng maalala na niyaya pala nila ako kahapon na mag-inuman ngayon. “Yow! Mukhang badtrip ka. Caliraya na naman ba?” Jake said while tapping my shoulder. Hindi ako umimik at dumeretso nalang sa counter at agad na umorder ng matapang na alak. Walang paligoy-ligoy na inubos ko ang sinalin ng bartender. “So, ano na naman ba ang nangyari? O dapat ba'ng sabihin kong, ano ba ang katangahang ginawa mo sa kanya?” tanong ni Jake. Umiling ako, ayaw kong sabihin ang nangyari. Ayokong mandamay ng tao sa malaking problema na pinasok ko. “Sige na pare, anong silbi na kaibigan mo kami? Nakikita ko simula noong kinasal ka kay Caliraya, nag-iba ka—” “Paano nag-iba?” nagtataka kong tanong. “Kapag inimbitahan ka namin na mag-inuman sa club ni Cloud, hindi ka na sumasama. Kahit si Lera ay hinahanap ka dahil huling magkasama raw kayo ay noong sa Cagayan pa. Ano ba'ng nangyari, pare?” Hindi ako nakasagot. Naguguluhan ako. Kapag kasama ko si Lera, palagi akong badtrip, lalo na kapag nakikita ko si Caliraya na hindi man lang nagseselos. Mukhang okay lang sa kanya na mambabae ako. “Wait! Huwag mong sabihin sa akin na…” “Manahimik ka, Jake,” inis kong sabi. Agad kong tinungga ulit ang alak. Hindi na lihim sa akin na may gusto si Caliraya sa akin. Kahit noong mga bata pa kami, kakaiba na ang kanyang kinikilos. “Woah! Tinamaan nga—” Awtomatikong hinablot ko ang kwelyo niya. “Sabi ko, manahimik ka. Huwag ngayon, Jake, wala akong mood makipagbiruan.” Madilim na turan ko at pabalang na binitawan siya. Hindi man lang siya nagalit dahil tinawanan niya lang ako habang naglalakad patungo sa ibang kaibigan namin. Kapag naubos ko ang binigay ng bartender, mabilis niya na naman itong sinalinan. Ngunit napahinto ako sa pag-inom ng maalala ang malaking ngiti ni Caliraya kanina doon sa loob ng restaurant kasama ang pesteng lalaking 'yon. “Ah—mother fûckèr! Shít! Shít! Shít!” galit na sigaw ko, sinisipa ang highchair na katabi ko lang. Hindi ako inawat ng bartender, habang ang mga kaibigan ko ay nakabantay lang, para bang inaabangan ang susunod na mangyayari. Hinihingal akong umupo ulit at inayos ang suot na leather jacket. “Isang bote,” utos ko sa bartender. Agad naman siyang sumunod, may halong takot ang kanyang mga galaw. “Wazzup man! Long time no see?” Migs said, tapping my shoulder. Halatang kakadating lang niya. Masama ko siyang tinignan. “Woahh! Relax man, hindi ako ang kalaban mo,” natatawa na saad niya at agad akong iniwan upang makalapit sa iba. Kumukulo ng sobra ang dugo ko at nanginginig ang mga kalamnan ko. Gusto kong manakit ng tao ngayong gabi. Tahimik kong tinungga ang isang bote ng alak, parang bakal na hindi man lang tinablan sa pangit ng lasa. Lumapit si Cloud sa akin at tahimik na umupo sa tabi ko. Mukhang problemado rin siya. Pareho kami ngayong gabi. CALIRAYA POV: Nagising ako kinaumagahan na sobrang maga ang mata, matamlay akong tumayo at inaayos ang higaan. Pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo upang mag-ayos. Habang nagto-toothbrush ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong dinampot sa ibabaw ng kama at tinignan kung sino ang tumawag. Si Mommy. “Hello Mom, good morning,” pagbati ko. Mabuti na lang at hindi paos ang boses ko dahil sa pag-iyak kagabi. “Iha, where are you?” Nangangamba ang kanyang boses. “Po? Nasa condo po ako. Bakit po?” Kunot-noo kong tanong. “Naaksidente si Killian kaninang madaling araw, Iha—” “P-po?! Saan po siya ngayon?” Natataranta na tanong ko. Ang himbing ng tulog ko tapos na aksidente na pala ang asawa ko. “Nasa Polymedic hospital kami ngayon, Iha,” “Papunta na po ako, Mom,” taranta kong sagot at agad na pinutol ang tawag. Hinila ko ang unang damit na nakita ko, wala na akong pakialam kung ano yon. Basta-basta ko na lang hinila ang mga iyon. Pagkatapos kong maligo ng mabilisan, sinuot ko ang damit at lumabas ng kwarto, nakasabit pa ang suklay sa buhok ko. Hindi na ako nag-abalang mag-make-up o kahit sunscreen, wala na akong pakialam sa mga iyon. Mabilis kong minaneho ang kotse patungo sa Polymedic Hospital. Naiinis ako ng maipit ako sa traffic. “God! Please iligtas niyo po siya,” naiiyak na wika ko sa sarili ko. Iisipin ko pa lang na mawala siya, para na akong mababaliw. Pagka-green ng stop light, mabilis kong pinaandar ang kotse. Mabuti na lang at hindi pa puno ang parking space sa harap ng hospital, kaya doon na ako nag-park. Kaagad akong lumabas ng kotse habang nanginginig ang mga binti ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pagdating ko naman sa nurse station 1, agad akong lumapit. “Good morning, miss. Itatanong ko lang sana kung saan ang room number ni Mr. Santiago?” “Kaano-ano niyo po siya, ma’am?” magalang na tanong sa akin ng nurse, ang mga mata niya ay nakatuon sa screen ng monitor. “I’m his w—best friend,” sagot ko. Ang pait na nararamdaman ko ay para akong nilamon pero wala akong magawa, hindi ko pwedeng sabihin sa ibang tao na asawa niya ako dahil isang lihim na kasal ang nangyari sa amin. “Nasa third floor po, ma’am, room eighteen, left side,” magalang na sagot sa akin ng nurse. Ngumiti ako ng pilit. “T-thank you,” sabi ko at agad akong naglalakad patungo sa elevator. Pero nasa itaas pa ang elevator, ang tagal makababa! Lumipat ako sa hagdan at doon dumaan. Hinihingal ako at pinagpawisan ako ngunit hindi ko iyon pinansin. Naglakad ako kahit nanginginig ang mga binti ko nakakunot naman ang noo ng nurse at ibang tao habang pinagmamasdan akong naglalakad. Nasa labas na ako ng silid kung saan si Killian ngunit agad kumunot ang noo ko ng sobrang ingay ng loob. Tawanan at asaran ang naririnig ko kaya naman ay sinilip ko ito at nakita ang mga magkakaibigan na nagtatawanan. Si Killian ay naka-binda ang kanyang kamay at may babaeng nakaupo sa kanyang tabi. The girl was smiling at him like she already comforted him. Ang mga luha ko ay nag-unahang bumuhos, halos hindi na ako makakita dahil sa luha ko. Ang pagkataranta ko kanina ay parang wala na lang, dahil may ibang babae na palang nag-aalaga sa kanya at kasama ng mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD