CALIRAYA POV:
“Beb, dito ka na lang sa bahay magbagong taon. Baka hindi ka na naman nila pansinin kung doon ka sa kanila,” wika ni Khala sa kabilang linya ng telepono. Nasa parlor ako ngayon para magpalinis ng kuko at magpa-hair treatment.
“Hindi pwede, Beb. Tinawagan ako ni Daddy kanina kung pwedeng doon ako magbagong taon. Si Daddy na kasi ang nag-request. Hindi ko naman siya matatanggihan,” rason ko. Wala akong balita na natanggap mula sa kanila. Matapos ang away namin ni Killian, parang bula ulit siyang nawala.
Habang nakahiga ako sa upuan at nakatingin sa kisame habang ginagawa ang aking mga kuko. Ang ingay ng blower at ang usapan ng mga tao sa paligid ay tila ba nagiging malabo sa pandinig ko. Ang isip ko ay nasa ibang lugar, iniisip si Killian. Saan na naman kaya yon pumunta, kapag talaga nag-aaway kami bigla na lang yon nawawala at biglang lilitaw.
Pero bigla na lang akong napatingin sa labas ng parlor. Marahan akong napabangon dahil nakita ko si Lorebel, nakasandal sa isang lalaki na hindi ko kilala. Kaagad nangunot ang noo ko, ang sweet din nila sa isa't isa, nakangiti silang dalawa at nagtatawanan.
Tuluyan na akong napabalikwas sa kinauupuan ko, ang puso ko ay biglang bumilis. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
"Sandali lang po," sabi ko sa babaeng gumagawa ng aking mga kuko. "Lalabas lang po ako saglit."
Tumayo ako at mabilis na lumabas ng parlor. Sinundan ko sila ng tingin, pinapanood ang kanilang bawat galaw.
Sino ba 'yang lalaking 'yan? Bulong ko pa sa sarili. Napapansin kong mas lalong nagiging sweet sila sa isa't isa. Bigla silang nagsimulang Naglakad at magkahawak-kamay pa habang nagtatawanan.
Mabilis akong sumunod sa kanila, pinipilit kong hindi mahalata. Ang puso ko ay naglalaro sa kaba, hindi ko alam kung bakit ako ganito ka-curious sa kanila. Sumunod ako sa kanila habang naglalakad sila sa mall. Nakita kong pumasok sila sa isang restaurant, at nag-order ng pagkain.
Umupo ako sa isang table malapit sa kanila, Ano kaya ang relasyon nila—
“Good afternoon ma'am, here's the menu po.” magalang na sabi sa akin ng Isang waitress. Dahil seryoso akong nakatingin sa dalawa ay halos mapasigaw ako sa gulat sa waitress. Hilaw akong yumuko at nagpasalamat sa waitress, mabuti na lang at hindi na nag-usisa ito, naghanap ako ng order at pinapabalot ito.
Nang umalis ang waitress ay pinakinggan ko ulit ang kanilang usapan, pero hindi ko ito masyadong marinig dahil malayo ako sa kanila atsaka medyo maingay din ang habang kumakain.
"Lorebel," sabi ng lalaki, "Napakaganda mo talaga." Ani ng lalaki na tunog nanggigigil.
"Naku naman," sagot din ni Lorebel at tumatawa. "Ang sweet mo naman, kinikilig tuloy ako.”
"Totoo naman," sabi ng lalaki. "Ikaw lang ang babaeng nagustuhan ko ng ganito."
"Talaga?" Tanong ni Lorebel, ang mga mata niya ay kumikislap.
"Oo," sagot ng lalaki. "Ikaw lang."
Napabuntong-hininga ako. Parang may kung anong sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib, manloloko naman pala ang isang to. Tama lang na hindi ako pumayag sa diborsiyo. Napailing ako. Ang puso ko ay naglalaro sa kaba, pero pinilit kong manatiling kalmado. Hindi ko pa rin mawari kung bakit ako nag-aalala.
Pinanood ko silang kumain, napapansin kong ang mga order nila ay puro mamahaling pagkain. Ang lalaki ay tila ba walang pakialam sa gastos, naglalagay ng maraming pera sa mesa.
Napabuntong-hininga ulit ako, pinipilit kong itago ang aking kuryosidad. Ang puso ko ay dumagundong pa rin sa kaba, pero determinado akong malaman ang totoo.
Ilang sandali ay pinanood ko silang lumabas ng restaurant, at naglakad papunta sa parking lot.
Saan kaya sila pupunta?
Sumunod ako sa kanila ng palihim, pinapanood ang bawat galaw nila. Nakita kong sumakay sila sa kotse mabuti na lang ay kaagad kong nakuhaan sila ng litrato. Nang hindi ko na sila matanaw ay binuksan ko ang aking phone at tiningnan ang litrato. Ito ang magiging susi
Naisip ko ang isang kaibigan ni Khala, si Mario. Alam kong kaya niyang gawin ang gusto ko. Siya ay isang pribadong imbestigador, at alam kong kaya niyang hanapin ang totoo. Kailangan kong kausapin si Mario
Agad kong tinawagan si Mario at sinabi sa kanya ang tungkol sa aking nakita.
"Alam kong kaya mong hanapin ang totoo," sabi ko sa kanya. "Kailangan kong malaman kung sino ang lalaking 'yan at kung ano ang relasyon nila ni Lorebel."
"Huwag kang mag-alala," sagot niya. "Kaya ko 'yan.”
"Salamat," sabi ko. "Salamat ng marami, ipadala mo na din sa akin ang papadalhan ko ng baya—”
“Hindi ako tumatanggap ng bayad, lalo na sa mga kaibigan ko.” deretsahan niyang sagot sa akin.
Napahinto naman ako sa paglalakad, “Huh?” nagtataka na tanong ko.
“Malalaman mo pagkatapos ng pinapagawa mo sa akin.”
Bumalik ulit ako sa restaurant at kinuha ang order, humingi pa ako ng pasensya dahil ang waitress na tumanggap ng order ko ay pinapagalitan ng manager. Mabuti na lang at na ayos ko ito. Bitbit ang pinamili ko ay bumalik ako sa parlor at ibinigay sa kanila ang pagkain at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa.
Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Bagong bihis ako, nakasuot ng isang simpleng dress at flat shoes. Alas singko na ng hapon, at kailangan ko nang pumunta sa mansyon ng mga Santiago.
Na-text ko na si Daddy kanina, sinabi kong papunta na ako. Dahil hinahanap niya na ako kanina pa. Sana hindi pa sila naghihintay.
Lumabas ako ng condo at sumakay sa taxi. Habang nagmamaneho ang taxi, napapansin kong medyo madilim na ang kalangitan.
Nang makarating ako sa mansyon, napako ako sa aking kinatatayuan. Sobrang tahimik. Wala akong naririnig na kahit anong ingay. Nasaan kaya sila? Sobrang tahimik naman dito.
Binuksan ko ang gate at naglakad papasok sa mansyon. Wala akong nakitang kahit isang tao. Kahit ang mga kasambahay ay wala. Kahit ang guwardiya sa gate ay wala. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng mansyon at naglakad papunta sa sala. Wala akong nakitang kahit sino.
Agad kong kinuha ang selpon ko at tinawagan ang numero ni Daddy. Pero hindi ito sumasagot. Sinubukan kong tawagan si Mommy, pero hindi rin ito sumasagot.
Wala akong ibang choice kundi umalis na lang at pumunta sa bahay ng kaibigan ko. Sana pala naniwala na lang ako sa sinabi ni Khala kanina, hindi sana masayang ang oras ko. Tinawagan ko ang numero ni Khala ang tanging tao na alam kong masasandalan ko sa mga ganitong sitwasyon.
Lumabas ako ng mansyon at sumakay ulit sa taxi. Habang nagmamaneho ang taxi, napapansin kong mas lalong madilim ang kalangitan.
Nang makarating ako sa bahay ng kaibigan ko ay nakahinga ako ng maluwag. "Salamat po manong," ani ko sa drayber ng taxi bago bumaba.
Nag doorbell ako sa gate at ilang sandali lang, binuksan ito ni khala
"Caliraya!" Sabi niya, nakangiti. “Your here!”
"Something happened," sagot ko. "Hindi ko makontak si Daddy at Mommy. Wala rin akong nakita sa loob ng mansyon."
"Ha?” nagtataka na reaksyon ni Khala. "What do you mean?"
"Wala akong naabutan doon," mahinang sagot ko. "Kahit mga katulong ay wala sila doon,”
“Sinasabi ko na nga bae eh! Sabi ko na sayo kanina na dito na tayo magbagong taon. Wala ka namang mapapala sa pamilyang yon.”
Ahh
"Salamat, beb" sabi ko, "Masaya akong nandito ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka, sana nga naniwala na lang ako sayo kanina pa.”
"Huwag kang mag-alala," sabi niya, "Nandito ako para sa'yo. Magpahinga ka muna, at tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. Doon ka sa kwarto magpahinga, wala pa namang kainan nagluluto pa.”
Pumasok kami sa bahay nila at naglakad patungo sa kwarto Ni Khala. Ilang ulit akong napabuntong-hininga ngayon, ang puso ko ay kumakabog pa rin sa kaba.
Iniwan na ako ni Khala rito sa kanyang kwarto, Ilang minuto na ang nakalipas, pero wala pa ring tumatawag sa akin.
Naisip kong mag-isip ng ibang paraan para makontak ang aking mga magulang. Siguro may ibang tao na alam kung saan sila. Si Killian.
Dinayal ko ang numero ng asawa ko, pero hindi ko siya makuntak. Nanghihina akong dumapa sa malambot na kama.