I DIDN’T KNOW how long I’ve been looking at her. Parang ngayon ko lang siya nakita matapos ang ilang taon. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko. I am not supposed to take her here. “f**k Kyle’s suggestion.” I cursed under my breath, gripping the edge of the table beside me. Si Kyle talaga. Siya ang nagsulsol sa akin na gawin ito nang makita niya ako kagabi sa likod ng stage, lasing, halos magpatiwakal sa alak habang pinagmamasdan ko si Katrina at ang boyfriend niya. He saw me staring, saw the storm I’ve been trying to hide, and just like that—nahulaan niya agad kung ano ang pinuproblema ko. Kaya dinemonyo niya ako. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa natutulog na si Katrina. Nakahiga siya sa gilid ng malaking kama, at nakasabog sa unan ang maikli niyang buhok na amoy vanilla shampoo. Tah

