Sa guestroom ako dumeretso. Sanay na ako dito; madalas kasi na nakikitulog talaga ako kay Jen lalo na kapag out of town si William at may LQ kami ni Tyron. I wanted to laugh. ‘Q’ lang siguro. Tanging kami lang ni Tyron ang nakakaalam ng tunay naming set up na dalawa. Set up na ayoko sanang payagan noon, pero ipinilit niya. Sinabi sa akin ni Tyron na makakapaghintay siya. Na maghihintay siya at hindi maiinip. Hindi nga ako iniwan ni Tyron sa lahat ng iyon. At ngayon, hinayaan ko na nga siyang makapasok sa buhay ko. At dahil malaki ang utang na loob ko kay Tyron, siya ang nangunguna sa listahan kung sakali mang hilom na ang sugat sa puso ko. Pero hindi ngayon. Hindi nga yata talaga mangyayari iyon. Dahil paano ako magmamahal ulit kung hindi na ako naniniwala sa ibig sabihin ng salitang iy

