Chapter 44

1281 Words

ALAS OTSO nang magising ako. Pahinamad akong tumayo saka nag-inat. Mainit na ang pumapasok na araw dahil hindi ko naisara ang kurtina kagabi. Ang liwanag ay tila sumisingit sa bawat sulok ng guestroom, naglalaro sa mga pader at kumakalat sa malambot na kama. Nananakit ang lalamunan ko sa magdamag kong pagpipigil sa pag-iyak. Maski ang mga mata ko ay ramdam kong namumugto pa rin sa mga oras na ito, namumula at namumugto mula sa labis na panlulumos sa sarili. Ramdam ko pa rin ang lamig ng gabi kahapon na nag-iwan ng bakas sa balat ko. Hinagilap ko sa ilalim ng kama ang aking pumps at saka mabilisang isinuot iyon. Ang mga daliri ko ay nanginginig, ramdam ang lamig ng sahig sa aking mga paa. Naiihi na ako at nauuhaw din, pero wala akong sariling banyo sa guestroom na ito. Wala akong choice

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD