AFTER the long day ay heto't magkatabi na naman kami sa gitna ng malaking kama, ang bawat isa ay tila hinahabol ang hininga mula sa mga stress ng mundo. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmasdan ko ang napaka-guwapong mukha niya. Ang ilaw mula sa dim lamp sa gilid ay sapat lang para makita ko ang perpekto niyang features habang nakapikit ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi, tila naghihintay ng halik. Ang peace at serenity sa kanyang mukha ay isang pambihirang tanawin, lalo na alam kong ang kanyang isip ay puno ng worries na pilit niyang itinatago. "Ang pogi talaga ng mahal ko..." bulong ko sa hangin, sapat lang para marinig ng sarili ko. Umusod pa ako palapit sa kanya habang nakadapa ako, ang aking siko ay naka-suporta sa aking timbang, at ang aking paning

