HACIENDA Ilang oras lang ang lumipas, at narito na kami sa hacienda, ang malawak at pamilyar na bakuran na nagsisilbing santuwaryo ng aming pamilya. Hindi na umalis ng Maynila si Kuya Brandon (ang sumundo sa akin); sa Montemayor Hotel siya nanatili, na tila ba may premonition na tatawagan ko siya. Ang kanyang desisyon ay nagbigay ng isang unspoken na pangako ng support. Wala kaming imikan mula nang sunduin niya ako. Ang katahimikan sa sasakyan ay hindi nakakabingi, bagkus, ito ay isang uri ng kalmadong suporta na kailangan ko. Alam kong ramdam niya ang bigat ng bawat hikbi ko, ngunit pinili niyang hayaan akong ilabas ang sakit ko nang walang paghatol. Ni wala ring kaalam-alam si Joaquinn na sumama na ako kay Kuya Brandon, at wala na rin akong balak ipaalam pa iyon sa kanya. Hayaan siyan

