TYRON’S POV Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng kanyang paboritong lavender oil, na matagal na niyang sinasabing nakakabawas ng stress. Nakita ko siyang nakahiga sa gilid ng kama, ang aking kama. Si Katrina. Ang babaeng kayang maging sanctuary at purgatory ko nang sabay. Naglakad ako papalapit sa gilid ng kamang kinahihigaan ni Katrina, ang aking king-sized na kama na laging nagiging kulungan ng kanyang kalungkutan. Napailing ako, puno ng pagkadismaya na may bahid ng resignation. Hindi na ako nagulat nang madatnan siya rito sa condo ko. She texted me a while ago, ang sabi niya, gusto naming manood ng sine kaya mula sa kanyang office, dito siya didiretso. At alam ko rin na hindi na naman matutupad ang panonood ng sine dahil obviously, wala naman siya ta

