"ARE you sure about this, bro?" Nakataas ang itim na kilay ni Kyle habang nakatitig siya sa mukha ko, ang pag-aalala ay malinaw sa kanyang boses sa kabila ng karaniwang biro sa kanyang tono. Ang malalaking eyebrows niya ay tila mas lalo pang nagdagdag sa bigat ng tanong. "Aba! Kulang na lang mag-hire ng SWAT team ang kuya mo kakahanap sa inyo, ah!" Ang tinutukoy niya ay si Hiro, ang aking panganay na kapatid, na kilala sa kanyang pagiging seryoso at walang-awa pagdating sa pagpapatupad ng utos ng pamilya. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya kami nahahanap, lalo na dahil may connection siya sa halos lahat ng ahensiya sa bansa. "Basta pahiramin mo muna ako ng pera." Mahinang sabi ko sa kanya, pilit na pinapanatiling kalmado ang aking tinig, kahit na ang loob ko ay tila binabaga

