"TARA na." Sinamantala namin ang kalmadong umaga, bago pa magsimulang mag-ingay ang Hacienda. Malawak ang hacienda kaya wala naman sigurong makakapansin sa amin sa parteng ito. Medyo baha na ang liwanag sa paligid nang lisanin namin ni Katrina ang parte ng rancho na tinulugan namin kagabi. Ang sikat ng araw ay tila nagpapahiwatig ng simula ng isang bagong, at mapanganib, na araw. Tumingala siya sa akin habang panay hila niya sa suot niyang malaki kong T-shirt. Sira na kasi iyong damit niya kagabi, na hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinunit ko iyon, samantalang puwede ko namang dahan-dahaning hubarin iyon mula sa katawan niya. Isang sandali ng matinding pagnanasa na hindi ko na naisip ang pagiging praktikal. Ako naman ay pantalon na lang ang suot, at ang kanyang T-shirt ay

