Chapter 2
Tahimik akong pumasok sa bahay niyang walang buhay. Naiwan ako at natagalan ako sa opisina dahil may report pa akong tinapos. Walang tao nang makarating ako dito. Isa pa, sobrang aga pa para umuwi siya ngayong gabi. Diretso akong silid ko at nagbihis. Inilabas ko din ang mga visual aids ko at subject outline. May long quiz na naghihintay sa mga estudyante ko.
Napatingin ako sa labas ng pinto ko nang makarinig ako ng kalabog. Napatingin ako sa digital clock sa aking harapan and its just 9:45 PM. Ang aga naman ata niyang umuwi. Usually madaling araw na siya umuuwi e o di kaya, ilang araw pa ang lilipas bago niya maisipang umuwi dito.
Palihim akong lumabas at tiningnan siyang nakaupo sa sofa ng sala.
Napailing ako at bumalik na lang sa kwarto para isipin ang gagawin ko bukas.
Ano kaya ang mabuting strategy sa mga first year college students ko? If only I am full time professor, mas madaming oras sana ang maibibigay ko sa kanila. Pero hindi ko magawang mag-apply for full time service dahil may trabaho pa ako kay Mike.
Teaching has always been my passion.
When Mike told me not to mind his business anymore, it also means keeping me away from him. Bago pa man ako kami ikinasal, isa na akong professor sa isa sa mga matatanyag na unibersidad ng syudad. Hindi ako iyong klase ng tao na sobrang vocal sa mga pangyayari sa buhay at kailanman hindi ako naging close sa mga co-teachers ko dito dahil medyo bago pa ako at wala pang isang taon. I always distance myself too and I think its for the best para iwas issue. Siguro hindi na din sila nagtanong tungkol sa buhay pag-ibig ko dahil araw-araw naman nilang nakikita sa table ko ang malaking name block kong, Mrs. Jullian Antonnish. Maybe they concluded na may asawa na ako and so as my students. I am not a 'Mrs.' for nothing afterall.
Sabi nila, in order to moved-on, dapat daw may bago kang pagkakaabalahan. Sobrang nakakatulong sa akin ang trabaho kong ito para maidivert ko ang aking sarili sa mga sakit na aking naranasan. Tuwing nakikita ko ang aking mga estudyante, kahit papaano nakakalimutan ko ang sakit. Magandang simula iyon noon sa pagmomoved-on ko at pagtanggap ko sa kagustuhan niyang hindi ko na siya dapat pakialaman.
Napatingin ako sa cellphone kong biglang tumunog.
Lumapit ako dito at nakita kong si Josef ang tumatawag. Ang pinsan kong hindi ko close noon na close na close ko na ngayon.
"Hello?" magiliw kong sagot una sa tawag niya.
"Jullian, are you free? Kakauwi lang namin galing L.A. Kain tayo!" masayang sabi ni Josef sa kabilang linya. Napatingin ako ulit sa relo. Maaga pa.
"Sige ba, basta libre mo ha! Saan?"
Narinig ko muna siyang tumawa bago ako sinagot. Napailing ako.
"Walang problema. Nandito din si Andrea. Halika ka. Nasa gloriamariz kami." nakaramdam ako agad ng kasiyahan sa sinabi ni Josef at naibaba ko kaagad ang tawag.
Isang linggo ko na silang hindi nakita dahil ipinauwi muna sila ng Papa nila sa states sa hindi ko malamang dahilan. At miss na miss ko ang dalawa.
Kumuha ako ng damit sa closet ko at isinuot ko ang isang peach dress na hanggang tuhod lang at tinirnuhan ko ito ng isang step-in sandal.
If only I am allowed to go out with a T-shirt and short, I could have flown directly, pero may pangalan akong inaalagaan sa labas. It's better to be ready than sorry. My students might see me there. And as a teacher, it is my duty to be a good example kahit na sa likod ng mukha ko ay ang hindi maitsura kong buhay.
Nagmamadali akong lumabas sa aking silid at nakita ko si Mike sa sofa. Dinaanan ko na lang siya at kinuha ang susi ng sasakyan ko sa gilid ng telepono namin.
"Saan ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakita kong nakatingin siya sa ibang direksyon. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at inirapan. No minding of business. I hope he remembered that. Umiwas din ako ng tingin dito at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng condo.
Nagpapaharurot ako agad sa pagtakbo. Hindi naman kami nakakalayo sa sentro ng Cagayan de Oro pero aabutin pa din ako ng ilang minuto bago makarating sa restaurant na sinasabi ni Josef.
Si Andrea ang kapatid ni Josef na sobrang close ko na. Pinsan ko silang dalawa.
They used to live in states pero mukhang naumay na ata sila doon kaya naisipan nilang dito na lang tumira. Isa pa, may responsibilidad na din si Josef dito simula nang pagpasyahan niyang pumarito sa pinas. Ipinahawak ng Daddy niya, na kapatid ni Mommy, ang malaking Restaurant nila dito. Actually, silang dalawa ni Andrea ang ipinahawak pero mas full time si Josef sa kompanya. Ipinagpatuloy kasi ni Andrea ang masters niya kaya minsan lang siyang tumutulong sa kanyang kuya.
Binati ako ng mga crews pagkapasok ko. Agad kong nakita sina Josef at Andrea sa may pinakadulong parte ng restaurant na magkatabi.
Nagmamadali akong puntahan sila at tinalunan ko kaagad ng yakap ang dalawa.
"I have missed you." Masayang bungad ko sa kanila.
"We miss you too, Ate Jullian. Kamusta ka na?" ani Andrea. Kumalas ako ng yakap. Tumayo si Josef at ipinaupo niya ako sa kanyang inuupuan kanina. Punwesto naman siya sa aming harap.
"I'm fine. Kayo? Kamusta ang Papa niyo?" sabi ko.
"He's fine. He is still recovering, ate. Alam mo na, medyo matanda na." natatawang sabi ni Andrea. Binalingan niya si Josef ng tingin. "Anyways, umorder ka muna kuya medyo nagugutom na ako." napatango na lang si Josef sa sinabi ng kapatid at tumawag ng waiter.
Biglang tumunog ang cellphone ni Andrea dahilan para mapatigin kami dito.
"Hello... what? Talaga? Hindi na send? Oh dear! Sorry. Wait." Napakunot noo ako kay Andrea at ibinaba niya ang tawag.
"Kuya, dalhan mo na lang ako ng pagkain sa bahay at may emergency. Hindi nasend ang letter kay kuya Kevin at kailangang-kailangan na daw niya iyon. Sorry. Uuna muna ako sa inyo, sorry talaga." Iyon na lang ang nasabi ni Andrea at nagmamadaling lumabas ng restaurant.
Napatingin na lang ako kay Josef.
"Careless as always. Lagot na naman iyon kay Kuya Kevin." Ani Josef sa akin. Of course Kevin! Their eldest brother na sa picture ko lang nakita dahil sa sobrang busy nito sa kanyang engineering firm sa Germany.
"Anyways, nakita ko ang asawa mo sa isang magazine kanina sa airplane. Ang laki na pala na kompanya niyo, Jullian. Mas malusog pa ata ang kompanya niyo kasya sa sarili niyong relasyon e."
Dahil si Josef lang at si Andrea ang tanging natakbuhan ko noon, naging close na din kami.
"Ganoon talaga." Matamlay kong sagot. Bigla akong nawalan ng lakas sa sinabi ni Josef. "Umorder ka na lang, Josef. Wag na nating pag-usapan ang multo baka biglang magparamdam." Napangiti na lang. Haaay! Its all I can do.
"Sure what do you want?"
"Librehan mo na lang ako ng ice cream, Josef."
"W hat about their main course?"
"No, I want a plain dessert tonight."
"Kung sana inalagan ka lang ng tama ng asawa mo, buntis ka na sana ngayon." Napangiti ako sa sinabi niya. Alam nating imposibleng mangyari ang sinasabi niya.
Josef raised his hand to the waiter and ordered.
Inilibot ko ang paningin ko dahil may biglan sumigaw at nadaanan ng mata ko lalaking nakaluhod at babaeng umiiyak sa harapan nito. Napatingin ang halos lahat ng tao sa restaurant at umiiyak ang babae na nakangiti.
Saka ko pa lang naisip nag propose pala ang lalaki. Nang tumango ang babae ay napatayo ang lalaki at niyakap siya. Hindi tatagal, ikakasal ang dalawang iyan. Tapos bubuo ng pamilya. Sana hindi sila matulad sa amin. Napapalakpak ako sa aking nasaksihan at ganoon din ang ibang tao.
Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang aming nakaraan.
Pagkatapos ng isang taong paghihintay, ikinasal kami ni Mike. Naging private at simple lang ang kasal namin dahil na din sa kagustuhan ko. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundong ito nang sabihin ng Pari na mag-asawa na kami. Nakita ko ang simpleng pag-iyak ni Mike sa tabi ko at kung paano namawis ang kanyang mga palad. Hindi mawala sa mukha ko ang kasiyahan at pati na din sa kanya. Bilang lang ang bisita at syempre, puro malalapit lang ang naimbitahan sa kasal namin. Nasa amerika din kasi ang halos lahat ng kamag-anak nila Mike kaya hindi nakapunta. Dumalo din ang kanyang mga kaibigan na sina Red at John at pati na din ang pinsan niyang sina Jake at Meil. Sila lang ata ang nag-iingay sa lugar.
Napatingin ako kay Mommy nang bigla niya akong kinawayan at may cellphone sa kanyang kamay. Bumitaw ako kay Mike at linapitan si Mommy.
"Mga pinsan mo!" sabi agad ni Mommy sa akin.
"Sino, my?"
"Sina Josef at Andrea. Kararating lang nila sa bansa. Tumawag sila o."
Agad kong kinuha ang cellphone sa kamay ni Mommy nang sabihin niyang sina Josef at Andrea. They were my only cousin in this world na minsan ko lang nakikita.
"Hello?" bati ko agad sa kabilang linya.
"He-Ate! Oh my, God! Congratulations. Sorry kung hindi kami nakahabol. Kararating lang namin at nasa NAIA pa kami. Sorry." Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi ni Andrea sa kabilang linya.
"Hey, its okay. Atleast, nandito na kayo. Are you staying here for the good?"
"Yes. Ito si Kuya o, gusto ka na niyang makausap."
"Hello, Jullian?"
"Josef? Oh dear! Lalaking-lalaki na ang boses mo a."
"Lalaki naman kasi talaga ako. Anyways, congrats! Sana makilala namin iyang husband mo."
"Oo ba, kailan kayo makakarating dito?"
"Maybe a month or 3 weeks from now. Hindi kami sure. May ipinaasikaso pa kasi si Papa sa akin dito sa bulakan." 3 weeks or a month? Ang tagal pa a.
"Ganoon ba?" nalungkot kong sabi.
"Wait. Andito na mga bagahe namin. Call you next time! Ibibigay ko sa iyo ang address namin pagdating naming CDO. Okay? Congrats ulit!"
"Sige. Ingat kayo." Sabi ko at saka ibinaba ang tawag.
Ibinigay ko kay Mommy pabalik ang cellphone niya at nginitian siya.
"My, babalik na lang muna ako kay Mike." Sabi ko at bumalik sa pwesto ni Mike. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ni Daddy at ng Papa pero mukhang seryoso ito. Niyakap ko na lang ang braso niya at hinalikan siya sa kanyang pisnge para makuha ko ang atensyon niya. Napalingon naman siya sa akin at napangiti na lang ako. I am so thankful to God that I married my first love.
Nakapasok na din ako sa unibersidad kong pinapangarap na turuan bilang part-time professor. My life has never been this perfect. Kasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko at may trabaho pa.
Nakabili si Mike ng sarili niyang condo sa perang kanyang naipon at doon na kami titira. Isa-isa na naming tinutupad ang mga pangarap namin at dito lang ako sa tabi niya at suportaan siya hanggang sa makakaya ko.
"You okay?" napabalik ako sa realidad at nakita ko agad ag nakakunot noong si Josef.
"Okay ka lang pinsan?" nagaalalang tanong niya.
"Yeah, bakit hindi?" tugon ko.
"Baka kasi napano ka. You are like somewhere a while ago. Na parang ang lalim ng iniisip mo." Napailing na lang ako sa sinabi ni Josef. I was somewhere earlier. I am always somewhere. Lagi namang lumilipad ang isipan ko e.
Inilibot ko na lang ang aking paningin at nakitang wala na ang nagpropose kanina. Napatingin ako sa unahan at agad kong namukhaan ang mga taong hindi ko dapat makita. Lahat sila malalaki ang mata at nakaawang ang bibig. Lumitaw ang mukha ng taong ayaw kong makita sa ngayon. Nakatayo siya at mukhang kararating lang niya.
Una akong umiwas ng tingin at hinayaan silang lahat sa kanilang nakikita. Hindi sila ang ipinunta ko dito at hindi ko obligasyong magpaliwag sa kanilang nakita.