KAHIT naiinis, maingat pa ring inilapag ni Steve si Fiony sa ibabaw ng kama. Kung kanina lasing na lasing ito, mas lalo naman ngayon. Halos wala na itong malay sa sobrang daming nainom. Bagsak na bagsak na ang katawan. Muli ay nag-igting ang kaniyang mga panga. Damn. Gago 'yong lalaking 'yon. Just imagine if I didn't see her, ano na kayang ginagawa niyon sa babaeng ito? "Hah! Bagay lang 'yon sa 'yo, napakalandi mo kasi." Sa gigil ay napitik niya pa ang ilong nito. Pero nang muling sumagi sa isip niya ang posibleng senaryo, may mabigat na bikig siyang naramdaman. Bullshit. Iiling-iling na kinuha na nga lang niya ang kumot at ibinalot sa katawan nito. Natatakot na tuloy siyang iwanan ito kahit saglit. Baka takasan na naman siya. Baka sa susunod eh, hindi na siya suwertihing mahanap pa

