Chapter 26

1656 Words

"ALIS na 'ko." Inubos muna ni Steve ang laman ng tasa ng kape bago nagbalak na tumalikod kay Fiony. "Okay," walang kasigla-sigla namang tugon niya. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Steve. Hahakbang na sana ito palapit ng pinto nang matigilan nang marahil mapansin ang pagkakalukot ng kaniyang mukha. Napabuntong-hininga si Fiony. "D-Do you really have to go?" parang maiiyak na tanong niya. Malapit na ngang bumagsak ang luha niya, naging maagap lang siya sa pagsalo. Hindi naman alam ni Steve kung matatawa o maaawa sa kaniya. "Seryoso ka? Aalis ako papuntang trabaho. Ano'ng meron at nagdadrama ka?" Napasinghot siya ng sipon. Ayan na nga, nagbabadya na ang iyak niya. "I will miss you." Napa-praning na yata siya. Parang ikamamatay niya kapag nawala kahit isang minuto lang sa paningin niya si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD