PASALAMPAK na naupo si Fiony sa harap ng tv. Hindi niya tinapos ang pagkain niya at iniwan lang iyong nakatiwangwang sa mesa. Bigla na lang siyang nawalan ng ganang kumain. "Huwag ka nang magpaalam sa 'kin, umalis ka na lang," punung-puno ng poot na wika niya kay Steve na noo'y papasok na ulit sa trabaho. Ambilis ng oras. Magtatanghali sila natulog at pagkagising ay alas-siete na ng gabi. Parang hindi niya naramdamang dumaan ang buong maghapon. At lalong mas hindi niya naramdaman ang presensya ni Steve. Parang umuwi lang ito para matulog. Ngayon, aalis na naman papuntang trabaho. "Ano na namang ginawa ko?" kalmado namang tanong ni Steve na naupo pa sa tabi niya habang nagsusuot ng medyas. "Iyon nga eh, wala." Lalong humalukipkip at nagngusong parang bibe siya sa isang gilid. "Eh ano

