"MANONG, saglit para!" Tatlong beses tinuktok ni Steve ang kisame ng jeep. Kasasakay niya lang no'n at hindi pa sila nakakatakbo nang malayo. Nagpreno naman agad ang driver. "Mauna ka na, P're, may nalimutan ako," sabi niya kay Rigor saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Napasilip siya sa orasang pambisig at walang inaksayang sandaling halos takbuhin ang pabalik ng bahay. "Hays! Ano ba 'tong dulot mong babae ka?" Hindi kasi siya mapakali. Umalis siyang parang may napakalaki siyang atraso rito. Tila ba may nalimutan siya. Nalimutan gawin! Habang palapit sa bahay ay mas nilalakihan niya ang paghakbang. Pagdating sa tapat ng pinto, agad siyang kumatok nang sunud-sunod. Malalakas. Ini-lock niya pa kasi 'yon nang isara niya noong umalis siya. Bilisan mo, open the door! "Sino ba 'yon? Bak

