"HUWAG mo akong pinaglololoko!" Bakas sa mukha ni Steve ang matinding protesta sa mga sinabi niya. Umingos si Fiony. "Magtatanong ka, tapos hindi ka naman maniniwala." Humigop siya ng kapeng sobrang bitter tulad ng lalaking kaharap niya ngayon. Odd, but she really liked how it tasted. Nagpakawala ito ng sunud-sunod na malalalim na hininga. "So you mean, t-talagang... may nangyari sa 'tin, ha?" Tumango siya. "Oo nga!" "So tell me... tell how me it exactly happened..." Muntik na niyang maibuga ang kahihigop niya lang na kape. "I-Ipapakuwento mo talaga how you moved last night? Kung paano mo inisa-isang hubarin ang mga damit ko? K-Kung paano mo nilaro-laro ang..." "Bullshit! Hindi 'yan!" Nanlalaki ang mga mata nito. Parang diring-diri sa kaniya. Pangit ba siya? Hindi ah. Marami ngang

