"ANO pong meron?" napapahikab na tanong ni Fiony. Naabutan niya na naman kasi si Nanay Salome na naggagayat ng ingredients. Pero hindi iyong pang-lumpia lang. Iba't iba. Parang marami itong lulutuin. "Birthday ng Kuya Rigor mo," anito. "Maghanda raw nang marami." "Ahhh kaya pala." Napailing-iling siya habang pinapanood ito. Another boring day. Galit na naman kasi ang 'asawa' niya sa kaniya. Tatabi lang sana siya sa higaan para umidlip pero pinalayas siya. Ang init-init doon dahil iisa lang ang electric fan nila kaya napagpasyahan niyang pumunta na lang dito. May hangin na, may kausap pa siya. "Wala ka na namang magawa, ano?" tanong nito. Tumango siya. "Opo nga eh." "Tulungan mo na lang ako. Wala pa kasi si Gina, namimili pa ng ibang lahok. Marunong ka bang maggayat ng sibuyas?" Tuman

