"INGAT, asawa ko!" Awtomatikong napalingon si Steve sa pinto ng bahay niya. Ngiting-ngiti habang kumakaway pa sa kaniya si Fiony na nakatayo roon. Napangiwi siya. Asawa ko? Agad niyang binawi ang tingin at nagderetso na sa pag-alis. Papasok pa lang siya no'n sa trabaho. Hindi na lang niya pinatulan. Baka ma-trigger lang lalo ang kabaliwan. Noong isang araw pa siya nito tinatawag na ganoon. Naghihilakbot siya. He had to keep her. Hay, again. She was claiming, what if she got pregnant dahil doon sa 'ginawa' raw nila? Kaysa mag-eskandalo lang ulit, hinayaan niya na lang. Magiging tatay na ba siya? He's afraid. 'Pag nangyari 'yon baka kailanganin niya pang pakasalan ito. Hell! Sinubukan na lang niyang iwaksi sa isip ang nangyari at mag-focus sa trabaho. Pero paano ba mangyayari 'yon k

