"DAD? What was that for?" tanong ni Fiony pagkapasok niya pa lang ng bahay. Kasalukuyang nasa sala ang daddy niya kasama ang stepmother Eunice niya. Alam niyang nag-uusap ang mga ito pero sa tingin niya mas mahalaga ang tanong niya kaysa sa topic ng mga ito. Kadarating niya lang mula sa lakad nila no'ng Tan. Akala niya ay iha-harass siya nito pero hindi naman. Pumunta nga silang coffee shop, uminom ng kape. Pagkuwa'y namasyal-masyal sa mall. Kinakausap siya nito as if he was her close friend or something pero hindi niya trip ang presensya nito. Pakiramdam pa niya ay parang nagpapalipad-hangin ito sa kaniya. He also asked her if she wanted to buy something. Nagpunta pa silang jewelry shop, gadget store at mga branded clothing shops. As if naman wala siyang kakayahang bumili ng panggamit ni

