"IKAW na naman? Paano ka nakapasok dito? Ano na namang kailangan mo?" sunod-sunod na tanong ni Steve. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad, kuyomos ang buhok. Kaiisip niya lang kanina, na ayaw niya ng babae sa buhay niya, tapos pag-uwi niya, instant may madadatnan siya sa bahay? Ano 'to? Lokohan. Dahan-dahan nitong inangat ang kamay na may tangan ng susi. "T-The old lady allowed me to borrow it," napapalunok nitong tugon. Agad niya iyong inagaw sa kamay nito. "At bakit nga?" Napalunok itong muli. "I-I need a place to stay in to..." "A place to stay...?" ulit niya. "Why? What for? Taking the trip to the highest level, huh? Tell me, magkano ba ang pustahan n'yo ng mga kaibigan mo para guluhin ang buhay ko? At bakit ako? Ako na naman?" Umiling-iling ito. Seryoso ang pagmumukha. " Hin

