Chapter 54 ELIE Hindi ko alam kung bakit pumunta ako sa isang lugar kung saan kami unang nagkapalayagan ng loob ni Apollo. Nagmaneho lang ako kanina at saka ko lang napansing dito ako pumunta nang maramdaman ko ang lamig ng hangin sa paligid. Itinigil ko ang sasakyan sa isang gilid at lumabas. Hindi ito malayo sa siyudad pero papunta na ito sa probinsya kaya tahimik dito at malamig. Yinakap ko ang sarili ko at naglakad papunta sa isang pwesto kung saan kami dating kumain ni Apollo. We discovered this place when we once travel to their resort. Nagdala kasi kami ng mga makakain noon at nahanap namin itong lugar dahil ang dami pa naming kaartehan noon ni Apollo. We rest here for thirty minutes and we usually drive to be here to breathe. Hindi ko lubos maisip na mangyayaring ako na lang

