Chapter 28 ELIE Katatapos lang ng meeting namin at naiwan ako dito kasama si Kap. Tinanong pa ni Apollo kanina kung okay lang ban a ako lang mag-isa ang haharap sa ama-amahan ko o kung pwede akong samahan pero pinilit ko na lang na ako muna. Nang masiguradong nakaalis na ang lahat ay tinaggal nito ang salamin at humarap sa akin. Matagal ko ng kakilala si Kap at siya ang tumayong ama ko magmula noong makapasok ako dito. He always treats me extra like his own little child and I understand where his worries are coming from. “Alam kong wala akong karapatang pagbawalan ka sa mga bagay na masaya ka, Elie. Lalo na at alam kong binabantayan tayo ng ama mo.” Pangunguna nito kaya tumango lang ako bilang pagsang-ayon. “How much do you know him?” He asked again. Tumingin ako sa kanya at itinaas a

