Chapter 37 ELIE Napagdesisyonan naming bisitahin ang mga magulang ni Apollo para kumain doon ng lunch. He called them this morning and his parents sounds happy with his idea. Mas narinig ko ang masayang tawa ng ama nito nang sabihing isasama ako. Dumaan lang muna kami sa grocery para bumili ng mga lulutuin niyang pagkain kasama ang ipinangakong buttered shrimp noon. I also bought some strawberry cake for dessert in addition to our food. “Noong kaka-graduate ko ng college, inis na inis ako kapag pinapauwi ako ni Kuya Nathan pero ngayn…ang sarap umuwi.” Basag ni Apollo sa katahimikan habang nagda-drive. “Naiisip mo na iyan kasi nga busy ka na sa buhay mo.” Komento ko kaya tumango lang siya at tumawa. “Ang ingay kasi sa bahay dati. Lalo na kapag nandoon ang mga ate ko. Iba kasi ang trip

