Chapter 1
APOLLO
One year later...
"Gosh, can you get a life, bro?!" My sister Nadine exclaimed as she entered my room.
"Kwarto pa ba ito o junkshop? Ba't ang kalat?" Sumunod kong narinig ang isa pang kapatid ko.
Tinignan ko lang sila at pumikit ulit. I didn't bother explaining everything to them since they already know my reason behind these. Isang taon na nila akong ginugulo kada umaga at pinapagalitan dahil sa kalat ng kwarto ko. I also don't like it when maids clean my room. I just want it to stay as messy as it is.
"Apollo ano ba. Hindi ka pa ba sawa sa kakakulong mo sa sarili mo dito?" Ate Cristy asked. "Kailan mo balak umpisahan ang buhay mo nang wala si Aimee---"
I immediately sat on my bed then stood up. I took my towel that's hanging on the rack and look at them but stayed silent. My sister just bit her lower lip as Nadine slightly elbowed her.
"I'm going to work now. Maliligo lang ako at pupunta na sa opisina ko." Sabi ko sa kanila. "Just please don't bother yourselves to come here every morning. I'll move on when I'm ready but right now, I just can't." I added.
"I didn't---"
"I'll do whatever you wish me to do...huwag niyo lang akong pilitin na kalimutan siya dahil hinding-hindi ko iyon gagawin." Seryosong sabi ko sa kanila at tuluyan nang pumasok sa banyo.
They called but I didn't bother to stop. Narinig ko pa ang sisihan nilang dalawa pero hindi ko na sila pinakialaman at nagbabad na lang sa ilalim ng shower.
-----
ELIANA MARIE BISMONTE
"Hoy. Ano na namang ginagawa mo dito ha?" Pabungad na bati sa'akin ng kaibigan kong si Cassy.
Linagpasan ko lang siya at dumiretso sa sofa malapit sa kanya. Tinignan niya lang ako saka pinalo sa kamay.
"Ano ba!" I hissed.
"May nangyari na naman sa opisina niyo? Ano na namang ginawa mo ngayon, Eliana Marie? Nagtatrabaho ka ba talaga o gumagawa lang ng gulo?" Sunod-sunod na sabi nito kaya hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
I pouted. "Dapat, supportive ka. Sermon agad? Wala ba kong libreng tubig man lang na malamig?"
Pinalo niya ulit ang kamay ko. "Sabihin mo muna kung bakit ka ulit nandito."
Nagsukatan kami ng tingin pero ako ang unang bumitaw. I sighed then rolled my eyes. "Dito muna ako." I told her.
"Gaano katagal?" Tinignan niya ako ng matagal.
"Ito naman! Magbabayad ako ng gagastusin ko." Sagot ko pero nakakuha ulit ako ng batok.
"Namumuro ka na ha!"
"Sumagot ka kasi ng maayos! Ano na naman ang nangyari?" She insisted to ask.
Hindi ako sumagot at tumayo. I walk towards their refrigerator and took some canned beers. Binigay ko sa kanya ang isa at naupo sa tabi niya.
I sipped couple of times and sighed before starting my explanations. Tinignan ko ulit si Cassy at nakataas ang kilay nito habang naghihintay ang sasabihin ko.
I sighed again. "I had an argument with the Chief." I started.
"So, anong bago?" Balewalang tanong niya ulit saka uminom ng hawak niyang beer. Agad akong napatingin rito at sinimangutan siya.
"Dapat tanungin mo kung bakit." I told her.
She shook her head. "O sige na nga. Bakit?"
I leaned on the couch and stared at nowhere. "The last case we handled, I'm not satisfied with it. Parang may mali kasi. Sabi ko kay boss na we need to reinvestigate but he insisted that we already did our part." I explained. Nakikinig lang naman ito kaya nagpatuloy ako.
"Kaya ako nagdesisyong magaral ng mabuti para sana makatulong ako sa mga nangangailangan pero parang kulang. Parang hindi ako masaya girl. Parang hindi ko naman nagagawa ang pangarap kong trabaho. I mean, every person on this planet deserves to have a voice to speak for the truth. Porket wala kang pera, ang dali ka na nilang tapakan." Umiiling na sabi ko sa kanya at bumuntong hininga ulit.
She raised her beer so I did the same.
"At dahil mayaman naman iyong isa, nakalusot agad." Dagdag ko at uminom ulit.
"Huwag mong sabihin na hit-and-run na naman ang kaso?" She asked and I immediately bowed my head for an answer.
"Ellie..." Tawag nito at huminga ng malalim. "Hindi naman kasi lahat---"
"I just want the poor to fight in fair, you know." I cut her off then shrugged.
Narinig ko lang ang buntong hininga niya. Lumapit ito at yinakap ako.
"Ellie...ang ganda sana ng mundo kung lahat ng tao naging kaibigan mo." She said. "At sige na nga, dito ka muna. Pero twenty thousand kada buwan renta mo ha. Wala pang pagkain iyon."
Tumawa ako ng pagak. "Alam mo Cass, plano ko na din talagang humanap ng bagong kaibigan. Masyado kang mukhang pera pagdating sa'akin e. Akala mo naman sinasahod ko doon ginto."
Tumawa lang ito. "Huwag ka nang mag-abala. Ako na lang ang natitira dito na makakatiis sa ugali mo." Buwelta nito.
"Taas ng confidence mo, girl. Kapag ako talaga may nakilala sinasabi ko sa'yo kakalimutan kita." Banta ko at tinuro siya.
"Pustahan pa tayo e. " She answered with a confidence twice as mine. Nagtinginan lang kami pero agad ding natawa.
IKATLONG ARAW ko nang maisipan kong mag-ikot. Busy sa kanyang restaurant si Cassy kaya ako lang mag-isa. There are so many opportunities outside this resort but I don't understand why Cassy still wants to do her business here. Dinadayo din naman ang negosyo niya pero tiyak na mas aangat ito kung nasa labas.
Well, two days of staying here isn't bad at all. Marami namang pasyalan at maayos ang lugar. Madami ding tao kahit weekdays pa lang. Marami na rin akong narinig na kwento mula sa pamilyang may-ari ng resort na ito.
Maybe they're really nice that people who works here love them too.
Sumakit ang paa ko sa kakalakad kaya sumilong muna ako sa isang malaking puno.
'Kawawa naman si Sir. Sana may tumulong sa kanyang makalimot 'noh? Para masaya na ulit siya.'
'Hay. Kung ako ang nasa lagay niya, baka hindi ko din kakayanin.'
'Ilang taon na din pumupunta dito sina Ma'am Nadine at Ma'am Lily, sana isang araw maghilom na rin ang puso ni Sir.'
I overheard someone from behind kaya tahimik akong umayos at sumilip. I think they're maids based on their uniform. Nagsasampay sila at ngayon ko lang din napansin ang isang maliit na bahay sa malapit. Mukhang doon sila tumutulong.
'Saka lang talaga ako nakakahinga nang maluwag kapag nasa labas tayo. Pakiramdam ko kasi sa loob, ang lamig lamig e.' Sabi ulit ng isa.
Bigla kong naramdaman na may kumagat sa paa ko kaya agad akong tumalon paalis sa kinatatayuan ko na siyang lumikha ng ingay. Agad akong yumuko para alisin ang mga langgam pero pagtingin ko ulit sa kanila, nakatingin na sila sa'akin habang nakakunot ang noo.
Alinlangan akong ngumiti. "Hello po? Magandang umaga?"
Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa kaya kahit makati ang paa ko, pinilit kong tumayo ng maayos. "Ako po si---"
"Ah, ikaw ba iyong bagong nagaapply? Akala ko ba hindi ka na makakapunta?" Sabi sa'akin ng isa kaya agad akong umiling.
"Hindi po. I mean---"
"Halika na dito. Ituturo namin sa'yo lahat hangga't hindi pa dumadating si Sir. Baka mabigla ka sa awra niya pero normal lang iyon ha."
"Teka lang---"
"Anong pangalan mo ulit? Mukhang bata ka pa. May asawa ka na ba? Mukha ka namang sosyal, sigurado ka ba na gusto mo iyong trabaho namin dito?" She asked me nonstop while dragging me into the small house.
Pagdating namin sa loob, pinilit ko ng kumawala at tumayo sa pintuan. "Wait, hindi ako---"
"Anong nangyayari dito?" I cursed silently and slowly turned my head to that person.
"Kayo pala, Ma'am Nadine." Bati nila at iniharap ako sa babae. "Ito pala ang bagong katulong ni sir. Kakadating lang niya." Pakilala nila sa'akin.
Nadine eyed me from head to toe, then to my hair, back to my face. "Okay." She said. "Mamaya na tayo mag-usap, mukhang nasa taon ka din naman ng kapatid ko. Make sure you clean his room before he arrived. Konting linis lang kasi baka mahalata niya, okay?" Sunod-sunod na sabi nito saka tuluyang umalis.
I tried to explain again to the maids but they gave me trash bag and a mop.
"Doon na kami. Iyong bilin ni ma'am Nadine ha, konting linis lang. Sige na." Sabi nila at iniwan na akong mag-isa.
Wala akong ibang nagawa kundi tignan ang mga hawak ko. May isang pintuan lang akong nakita kaya pinuntahan ko na lang.
Ngayon lang naman. Pagkatapos nito sasabihin ko na lang na hindi ako katulong.
Pagbukas ko ng pinto, agad nanghina ang mga tuhod ko.
Shet. Kwarto pa ba ito? Konting linis daw? E hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula dito. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko.
'You're just having a bad day, Ellie. Just a bad day.' Sabi ko sa sarili ko at nagsimula ng maglinis.
It took me an hour to finish my task. Mayamaya biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang isang lalaki. He looks at me, then roamed around his room then to me again.
"What happened here?" Mahina at mababa nitong tanong. I looked around and smiled at him.
"Hindi mo rin akalain na maluwag noh? Naglinis kasi ako. Iyong totoong linis." I answered, emphasizing the word totoo.
Pumasok ito at kinalkal ang mga papel na nasa lamesa. Pati na din mga album sa shelves niya. Lumapit ito sa kama at inamoy ang kumot niya. Pati din kasi iyan pinalitan ko.
"Amazed? Isang oras ko lang---"
"What happened here?" Ulit nito at tinignan akong mabuti.
From that look, my body began to get nervous and I know, deep down in my heart, I did something he isn't happy about.
"Damn it, I'm asking you!" Sigaw nito at umalingawngaw pa sa buong kwarto.
Hindi ako nakasagot agad at nanatili akong nakatitig sa mga mata niya.
Bumukas ulit ang pintuan at ilang tao ang pumasok. Wala akong kilala sa kanila ni isa pero pare-pareho sila ng reaksyon.
Gulat.
Gulat na gulat sa nadatnan.
"Apollo..." Isang babae ang sumubok na lapitan siya.
"I told you not to give a damn about my room! Sabi ko sa inyong lahat na gagawin ko ang gusto niyo, huwag niyo lang pakialaman ang kwarto ko." He told them. Bakas sa boses nito ang galit at pikon.
Napakagat ako ng labi.
'Uh-oh, I think I'm in trouble again.'
I told myself and bit my lower lip.
'Hanggang dito ba naman, Ellie?' Sabi naman ng konsensya ko.