Chapter 49 ELIE Lunes ngayon at sinarado ni Cass yang restaurant niya para sa amin. Well, she decided not to open today for she’s not feeling well and we used that excuse to chill in her restaurant. Mas madami na kami ngayon dahil nandito sina Diana at ang kanyang ina na si Aling Lina pero hindi sumama ang asawa ni Kap dahil masama daw ang tiyan kanina. “Mas yayaman yata ako kapag kayo ang pumupunta dito mula agahan hanggang hapunan. Maganda iyan.” Biro ni Cassy nang kumuha ito ng maiinom sa ref na agad namang inalalayan ni Kyle. “Pasensya na sa abala, Cassy. Talagang kailangan lang namin ng pwesto ngayon.” Sagot sa kanya ni Kap pero tumawa lang si Cassy at napahinga ng malalim. “Mas okay na nga na nandito na kayo, Kap. Para mabantayan ko na rin si Elie. Alam mo namang kahit anong tal

