CHAPTER 3
Elie's POV
"Ano ba naman itong sasakyan mo, Eliana Marie!" Inis na bulyaw ni Cassy sa'akin at lumabas ng sasakyan. Mahina naman akong napamura at napasuntok sa manubela.
Balak ko kasing mag-grocery para naman may ambag ako kay Cassy. I insisted to use my car but here we are, stuck in the middle of the road.
"Ayos pa naman kasi kanina---"
"Oo nga, maayos pa kanina. Paano na lang kung may hinahabol kang kriminal? Edi natakasan ka na? Kung nasa mataas na bahagi ka, patay ka na?" Sarkastiko nitong tanong kaya napatingin ulit ako sa sasakyan ko at napahinga ng malalim.
"Magkano ba ang sinasahod mo doon at hindi man lang makabili ng bagong sasakyan mo?" Pang-iinsulto pa nito kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
"Nagkataon lang na ngayon siya nagkasira. Ayos pa naman iyan eh. Tignan mo nga, nakarating pa ako sa'yo." I reasoned out but she just walks towards me and gave me a slap on my shoulders. "Ano ba!" I hissed.
"Paano tayo ngayon niyan? Wala akong matawagan sa restaurant dahil lumabas lahat ng delivery boy namin. Nag-close rin ako kasi ang akala ko mabilis lang tayo. Wala pa namang mga kabahayan dito." She looked around so I did the same.
Oo nga. Papunta pa lang kasi ito sa resort at walang masyadong tao.
"I can call someone if you want---"
Pareho kaming napatingin sa likod nang may biglang bumusina. Nakahinga rin ako nang maluwag nang makita ko si Cassy na ngumiti kahit na hindi pa nagpapakita kung sino ang driver. Maybe she knows that angel who's about to---kakilala ba talaga ito ni Cassy? Bakit hindi ko kilala? Bigla itong bumaba at lumapit sa amin. He looks older than us but whatever.
He looks so hot. I said in my mind.
"Sir Nathan." Bati ni Cassy sa kanya.
Sir?
"Mukhang may problema yata kayo?" He asked then glances at me.
He's just wearing a shirt and a cargo pants. I can smell his perfume from here, amoy pang-mayaman. Wala siyang anumang suot na alahas maliban sa kanyang relo. He also talks like a businessman. Mabait siya tignan pero may pagkastrikto.
"Ah, kaibigan ko po sir." Rinig kong sabi ni Cassy sa kanya. "She's currently living with me and we decided to shop when her car stopped here. Akala niya siguro gagana pa ang sasakyan niya." Bumalik ang tingin ko kay Cassy at sinimangutan ito saka ngumiti ng peke kay Sir Nathan.
"If you have numbers who---"
"Mukhang nasiraan kayo, Cassy?" Biglang may nagsalita ulit kaya tumingin ako rito. Napatingin naman siya sa'akin na ikinalaki ng mga mata ko.
Wait. Nakita ko 'to sa bahay ng dakilang si Apollo a?
"Oh, so you're Cassy's friend." She smiled at me.
Humawak naman si Sir Nathan sa bewang nito at hindi nakaligtas sa’akin ang suot nilang singsing.
Ay. Sayang may asawa na siya.
"You knew her, sweetheart?"
"We met in Apollo's house few days ago. Kaibigan pala siya ni Cassy." Nakangiti pa din nitong sagot.
Sa tagal kong nangkikilatis sa mga tao, alam ko na ang peke sa hindi. Pero sa babaeng kaharap ko ngayon, wala akong makitang kaplastikan sa mukha niya.
Her smile is genuine. Huminga ako ng malalim at linonok ang kaunting pride sa katawan ko.
"About that, please accept my apology. Hindi ko sinasadya iyon ma'am." I smiled a bit.
I just heard Sir Nathan's laugh so I turned my head to him. Nang mapansin niyang tahimik kami ni Cassy ay tumigil ito.
"Oh." He cleared his throat. "I'm just amazed how you managed to get out of that house. Bihira lang ang nakakapasok na estranghera doon. What's your name again?"
I raised my brows then blinked. Mahina naman akong siniko ni Cassy kaya bumalik ako sa reyalidad.
"Ah, my name's Elie." I offered a handshake.
"It's nice to meet you, Elie. I'm Nathan and this is my loving wife, Vea." Pagpapakilala nito pero pagkatapos nito ay napabaling ulit ako sa sasakyan ko.
Biglang natawa si Vea kaya kunot noo ko ulit silang tinignang mag-asawa.
They look so happy. Parang walang problema sa mundo.
"I was about to suggest, pwede kayong makisakay muna sa amin. We'll drop your car to the nearest shop. Papunta kasi kami ngayon kina Mama." Vea suggested so I glance at Cassy. Tumango naman siya kaagad kaya hindi ko na kinontra.
Alam ko naman na kapag wala sina Sir Nathan ngayon, kanina pa ako natulala dahil sa labis na pagtalak ni Cassy. They're blessings in disguise too.
Kumuha si Sir Nathan ng tali para mahila ang sasakyan ko. Ako na rin ang nagkusang sumakay at pumunta si Cassy sa sasakyan nila.
I don't know. I can sense that someone's watching me from the inside. At mukhang hindi ko iyon gusto.
----
"Friend, bakit ba tayo nandito?" Tanong ko kay Cassy nang maupo kami sa sofa.
Sa halip na maghintay kami sa talyer, sumama pa kami hanggang sa family house nina Sir Nathan. At oo, nandito ang dakilang Apollo. Nasa labas pero kitang kita ko ang tulis ng mga mata nitong napapatingin sa gawi ko.
"You know what happened between us and it's awkward being here. Para akong kakainin ng buhay ni Apollo ngayon. Nagbakasyon lang ako at gusto ko pang bumalik sa trabaho ko, girl." I whispered.
"Paano tayo hihindi kanina ha? Sa lahat ng kabutihan nila, tatanggi pa rin tayo? Utak nga, Eliana Marie." Sagot nito at pinilit akong naupo.
Nakangiti namang lumapit ulit si Ma'am Vea dala ang nakatray na juice at pagkain.
"Matutuwa sina Mama niyan kapag nakita kayo." She said, while still smiling. "I'm glad you agreed to this."
"Wala iyon ma'am." Sagot naman ni Cassy saka ako alinlangan na tinignan.
"And I'm sorry about Apollo too." Sabi nito sa'akin. "Ganoon lang talaga siya. Pero sweet naman iyan dati. Everyone loves him for being so warm but then a tragedy happened. So imbes na galitin namin, iniintindi na lang namin. He also needs to breathe, you know."
Kasama ang maging masungit sa lahat ng taong gustong tumulong? I composed myself not to say that.
Hindi na lang ako sumagot at napatingin na lang sa kabuuan ng bahay. Malaki ito pero malungkot. Halata din na walang mga bata dahil wala akong makitang ni isang laruang nakakalat.
"Sina Ma'am Naveen lang at Sir Fhax ang nakatira ngayon dito, ma'am?" Cassy asked her.
Tumango si Ma'am Vea at huminga ng malalim. " Si Apollo dapat ang kasama nila pero nangyari ang aksidente kaya hinayaan na lang muna namin. We still visit them often naman. Mahihirapan na din kasi sila sa biyahe. So we just hired maids." Paliwanang niya.
Selfish pala 'to e. Matanda na ang mga magulang pero mas piniling lumayo? Tsk. I can't help but to have an option in my mind again.
Kalma, Elie. Baka this time, hindi ka na talaga makalabas ng buhay. Pagpipigil ko.
Natigil ang pagmumuni ko nang may mga pumasok pa sa bahay. Two girls who's just few years younger than me.
"Saan na naman kayo galing?" Ma'am Vea asked them.
"May binili lang na cake for Mamita, Mom." Sagot ng isa at humalik sa ina.
So ito ang anak nina Sir Nathan. Gwapong-gwapo pa ako sa kanya kanina pero mas bata lang pala ng ilang taon ang anak nito.
Infairness, gandang lahi sis.
"Ah, basta ako tita. Nakipagdate muna." Humagikgik naman ang kasama nitong isa.
Tinawanan lang siya ni Ma'am Vea at napailing. "Ikaw Shane ha, alam ba ito ng Daddy mo?" She asked.
Umingos naman ito. "Tita, I'm twenty-two already. Si Tito---" Natigil siya sa pagsasalita nang mapansin niyang nandito kami at tahimik lang na nakamasid.
"Hello po." They greeted and smiled.
"Hi." Alinlangan naming sagot ni Cassy.
Tinignan naman ako ng anak nina Ma'am Vea nang matagal kaya naghintay lang ako ng sasabihin nito pero bigla siyang ngumiti ng matamis at napahampas pa kay Shane.
"Oh my goodness. I'm Nathania." She offered her hand for a handshake so I just faked a laugh and accept it.
"My name's Elie. I was---"
"Thank you, for coming into our Uncle Apollo's life. You know, he's been so miserable for a quite now and he badly needs a new love. Thank you so much and welcome to our family." Kinikilig na sabi nito habang hawak pa rin ang kamay ko.
I was about to protest when Shane sit beside me. "What do you do in life? You look younger than our Uncle. How did you guys meet? Gosh, you're so brave yet pretty." Sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
I shook my head but they just kept on talking. Pinigilan din sila ni Ma'am Vea pero may lalaking nagtakip ng kanilang bibig.
"You both got the wrong idea. Look who's mad now."
With that, sabay sabay kaming napatingin sa kusina at laking gulat ko nang makita ko si Apollo na nakatayo doon at nakatingin sa gawi ko.
Galit. Punong-puno ng galit ang mga mata niyang...nakatingin sa'akin.
Wait. Bakit sa'akin? Ako ba nag-assume? Bobo pala talaga ito e.