Chapter 10
Pagpasok sa loob ng bahay ni Sir Ridge ay halos malaglag ang panga ko sa ganda ng interior at mga gamit nito. Kakaunti lang ang mga decorations pero maganda at elegante paring tingnan. Pagbukas ng pinto ay may malaking mga couches na kulay puti na nakatapat sa malaking glass wall. May malaking chandelier sa gitna ng kisame na katapat ng isang grand staircase. Sa kanan ay matatanaw mo ang kusina at ang dining area. Napansin kong tahimik ang buong bahay, wala ring sumalubong sa aming kasambahay man lang.
“Sir Ridge, ikaw lang ba nakatira dito?” Tanong ko habang nasa kusina siya at nakatayo naman ako sa may sala.
“Yeah, I’m not actually living here. I came here whenever I want to be alone.” Aniya, habang nagsasalin ng wine sa dalawang glass wine. Lumapit ito sa akin saka inabot ang isang baso.
“Here, drink this first. I’ll just prepare some food.” Tumaas ang dalawa kong kilay saka binaba ang tingin sa hawak nitong wine, nakaramdam ako ng hiya kaya agad ko iyong kinuha. Ininom muna nito ang wine niya bago ako tinalikuran at bumalik sa kusina. Nahiya pa akong maupo sa puting couch dahil baka marumihan ko na sa sobrang puti ay parang hindi pa nagagamit. Pinili ko nalang na maupo sa mas maliit na couch na nakaharap sa bandang kusina at dining. Kitang-kita ko mula rito ang ginagawa ni Sir Ridge. Napansin kong wala na itong suot na coat at ang polo niyang puti ay nakatiklop na hanggang siko ang manggas. Nakasuot siya ng itim na apron at abalang-abalang naghihiwa ng kung ano sa center island. I clearly see his nice build, broad shoulders. Firm muscles. His muscles and veins reflexes whenever he moves. It gives me an awe.
Bahagyang namilog ang mga mata ko nang inangat nito ang tingin sa akin. Hindi ko inasahan iyon kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-akyatan ang dugo ko sa ulo. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko na baka nga ay namumula na ngayon. I think it’s not a good idea to seat here. I saw him smiled, a slowed, sexy smile saka pinagpatuloy ang ginagawa. Agad kong binawi ang tingin at yumuko nalang at ininom ang hawak kong wine na kulang nalang ay mabasag dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. He caught me staring at him! Fantasizing him! God!
I force myself to relax kahit na parang gusto ko nalang na lumubog sa kinauupuan ko. Ayoko nang tumingin kung saan siya naroon, natatakot ako na salubungin ang mga tingin niya. Nakakahiya! He saw my expressions. My aweing. Jusko! Narinig ko nalang ang ilang yabag nito papalapit sa akin kaya nilingon ko na siya.
“Dinner is ready. Are you hungry? Or are you already full by staring at me?” He smirked. Agad akong tumayo at tumikhim, muli kong naramdaman ang paginit ng mga pisngi ko.
“I’m hungry. Let’s eat.” Sambit ko. Nauna akong lumapit sa dining dahil hindi ko matagalan ang makipagtitigan dito, gusto ko nalang ito matapos para makauwi na ako. Paglapit ko sa table ay nakahanda ang pagkain, may laman na ang plato ko, isang steak at may mga gulay sa gilid. Ganun din ang kanya, may panibagong mga wine glass sa gilid. Parang kulang na nga lang dito ay candle light at papasa na itong dinner date. I shake my head with the thoughts. Ano bang pumapasok sa isip ko? Nakakainis! Naramdaman ko ang paglapit ni Sir Ridge kaya naupo na ako, umupo ito sa katapat kong upuan.
“I didn’t expect na marunong ka rin palang magluto Sir Ridge.” Puri ko rito, saka ngumiti. Kasi naman, parang bihira naman sa lalaki ang marunong magluto. Mukhang masarap ang nasa hapag kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tikman iyon. Muli akong napangiti at napatakip ng labi habang ngumunguya, hindi ako makapaniwalang ganito kasarap ang niluto niya. Nakatingin lang isya sa akin, amused.
“How is it?” Baritono nitong sambit. tumango tango ako saka nilunok muna ang laman ng bibig bago nagsalita.
“It’s good!” Tugon ko saka muling sumubo ng pagkain. Nakita ko ang pagngiti niya saka siya nagumpisang kumain. Pagkatapos kumain ay sumandal ako sa upuan, saka pinunasan ng table napkin ang labi ko. Busog na busog ako.
“Are you done?” Baritonong sambit nito saka nito pinunasan ang labi ng table napkin. Tumango ako rito saka ngumiti.
“Thank you sa dinner Sir Ridge.” Tugon ko, tumayo ito at saka lumapit sa akin. Inilahad nito ang kamay, bahagyang nangunot ang noo ko.
“Come, I want to show you something.” Seryoso nitong sambit, kinabahan ako, anong something? Saan niya ako dadalhin? “Don’t worry, I won’t eat you. Come.” Baritono nitong sambit, there's a seriousness in his voice but a smirk on his lips. Parang may double meaning ang sinabi niyang iyon. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paakyat sa grand stair case.
Lalo akong kinabahan, anong gagawin namin sa taas? May masama ba siyang balak sa akin? Katapusan ko na ba? I’m kind of a person who overthinks a lot. Kapag sinabi kong overthink, it’s worst! Yung wala pa namang nangyayari pero sa isip ko ay nagaganap na siya. Huminto kami sa isang pinto sa dulo ng pasilyo ng 2nd floor. Kung sa baba ay wala masyadong gamit dito naman ay punong puno ng paintings. May mga nakadisplay pa na mga jewelries na nakasealed sa mga salamin at may kanya-kanyang ilaw. I bet those are the limited editions of the Hermosa’s Collection, nakita ko na kasi ang iba sa mga iyon sa brochure ng company, hindi ako makapaniwalang ganito sila kaganda sa personal. I even imagine myself wearing those precious gems. Ano kayang feeling? Para akong nasa exhibition ng mga jewelries at paintings. Nawala ang takot ko dahil sa mga nakita ko, hindi ko napansin na narating na naming ang dulo ng pasilyo at tumambad sa akin ang isang malaking pinto. Binuksan iyon ni Sir Ridge nang hindi binibitawan ang kamay ko.
Napaawang ang labi ko, sa loob ay mas maraming nakadisplay na mga alahas at kung anu-ano pa na gawa rin ng kumpanya niya. Nakasealed ang lahat ng iyon sa salamin kagaya ng nakita ko kanina sa corridor. Sa gitna ay may isang lamesa at may mga gamit sa ibabaw no’n may maliit na ilaw na nakatapat sa isang bracelet na nakapatong sa isang itim na tela, parang hindi pa tapos ang bracelet na iyon pero ang kinang ng mga bato nito ay nagpapaganda na sa kanya.
“This is my new design.” Baritonong sambit ni Sir Ridge saka lumapit sa table at kinuha ang bracelet nang hindi inaalis sa itim na tela. Namilog ang mga mata ko nang mas makita ito sa malapitan. A green emerald stone in the middle at pinapalibutan ng maliliit na diamonds, may maliliit ding mga ruby stones sa pagitan ng mga maliliit na diamonds. mas malalaking diamonds ang bumubuo ng band. It’s so pretty! Kumikinang ang bracelet kahit saang sulok mo tingnan dahil sa mga diamonds na nakapalibot doon. ‘Wow!’ I almost said.
“I’m going to give it to the woman I’m going to marry.” Napaangat ako ng tingin sa kanya. My inner me felt jealous and amused. So, the great Ridge Hudson Buenacera thinking of marriage huh? Ang akala ko ay wala sa bokabularyo niya ang marriage at commitments. Another discovery unlocked!
“Why are you showing me this?” Tanong ko rito. Binalik nito ang hawak sa ibabaw ng lamesa saka naglakad paikot sa buong silid tinitingnan isa-isa ang mga alahas na nakadisplay sa silid saka muling nagsalita.
“Lahat ng nakikita mo sa silid na ito ay hindi pa narerelease ng Hermosa. I design and made all of this; I want to give it to my future wife.” Napaawang ang labi ko, all of this masterpiece was made by him?
“W-Why are you showing this to me?” Tanong ko rito habang nakatingin sa paligid at inihinto ang tingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, saka ito lumapit ng dahan-dahan.
“I can give the whole world to the woman I want to marry. I am willing to give everything that I have, if that’s the only way she could love me.” Baritono nitong sambit, deretso ang mga matang nakatingin sa akin. Nangungusap. Tumatagos ang bawat tingin sa kaloob-looban ko. Naguguluhan ako, bakit niya sa akin sinasabi ang mga ito? Anong kailangan niya? Gusto niya bang ipamukha sa akin kung gaano siya kayaman? Well, I’m amazed but do he really have to flaunt it with me?
“Okay, Sir Ridge. Siguradong matutuwa ang babaeng pakakasalan niyo, um. But I don’t think I need to saw these things. Um, mabuti pa uuwi na ako. Thank you ulit sa dinner Sir Ridge.” Sambit ko dito saka ito tinalikuran at tinungo ang pinto. Hahawakan ko na sana ang seradora nang marinig ko itong muli magsalita.
“Marry me.”
My head prickles. Namimilog ang mga matang nilingon muli si Sir Ridge, seryoso ang ekspresyon nito at matiim na nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko, tama ba ang narinig ko? o nagkamali lang ako ng pakakarinig?
“Marry me, Danica.” Baritonong sambit nitong muli, my jaw drop. What the hell?
“W-what?” I almost whispered. I don’t know how to feel. He wants me to marry him? Ridge Hudson Beunacera wants to marry me?! No!
“I want you to marry me.” Lumapit ito sa akin, it takes me several minutes to respond. I needed that much time to gathered all my wits. My God! He wants to marry me? Why?
“S-Sir Ridge. You won't just invite me here and tell me to marry you. Pinagtitripan mo ba ako?” Mariin kong sambit. I don’t know what he wants, but I don’t have a time for this stupidity.
“No, hindi ako nangtitrip Danica. I really want to get married with you. I know hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko, pero I think I’m inlove with you. You can’t get out of my head, hindi ako makapg-focus sa trabaho ko because of you. And when I saw you with Marco, that’s when I realize that I don’t want to see you with somebody else. I can’t even stand to see you with someone. Danica, I want you to be mine. You are mine.” Aniya, ilang beses akong napakurap. He wants me? He is jealous with Marco? He wants me to marry him? my mind went blank that’s a lot to process and I don’t know how to feel, or what I’m supposed to react.
“Sir Ridge. It’s getting late, I need to go.” that’s the only thing that came out of my mouth, I was overwhelmed. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagtatapat ng nararamdaman sa akin. Hindi ko alam kung sinundan niya ba ako o pinanuod niya lang ako na umalis. Hindi ko na siya nilingon pa o tinapunan man lang ng tingin. I need to get out of here.
Habang nagda-drive ay ramdam ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko. my heart beats so fast na pakiramdam ko ay sasabog na. Itinabi ko ang sasakyan at huminto. He wants me to marry him? bakit? Bakit ako? Sa dinami dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya bakit ako?
Pagdating ko sa apartment ay dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig, pakiramdam ko ay drain na drain ako ngayong araw. Naligo lang ako saka nagpalit ng pantulog at humiga na sa kama, hindi ko na na-check pa ang phone ko dahil sa pagod. I am physically and mentally tired. Napatitig ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina. Ridge Hudson Buenacera proposed to me, and I literally turn it down! Basically, I rejected him dahil wala naman akong sinagot sa kanya. I just turn around and leave him. Oh, God! Nagalit kaya siya? For sure oo, syempre! Isang Buenacera? Nireject ng isang kagaya ko? sigurado akong nanggagalaiti na iyon sa galit dahil natapakan ko ang ego niya. Sinabunutan ko ang sariling buhok out of frustration. Paano ko pa siya haharapin sa opisina?!
Kinabukasan, everything seems normal. Hindi ko na muling inisip pa ang mga nangyari kagabi, malamang hindi naman siya seryoso sa sinabi niya. Tumikhim ako bago pumasok sa building, binati ko pa ang ilang empleyadong kilala ko. Paglabas ko ng lift ay nangunot ang noo ko nang makita ang bumungad sa akin. Nagkukumpulan ang mga employee sa floor ko at lahat sila ay may tinitingnan sa loob ng opisina ko. Isa sa empleyado ang nakakita sa akin kaya sinabihan niya ang iba dahilan para ang lahat ay magtinginan sa akin. The amazement is visible in their eyes, and iba ay parang kinikilig pa. Lumabas si Kaila mula sa opisina ko at lumapit sa akin. Her smiles are wide, na parang aabot na sa tainga. Lalong napakunot ang noo ko.
“Anong meron? Bakit kayo nagkukumpulan sa opisina ko?” Tanong ko kay Kaila.
“See it for yourself.” Kinikilig na sambit nito. Naglakad na ako sa palapit sa opisina ko at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang loob ng opisina ko na punong-puno ng mga bulaklak, iba’t-ibang klase ng tulips. Maayos siyang nakahelera sa buong silid, may konting espasyo lang ang tinira para may malakaran. Para akong napunta sa Netherlands sa dami ng tulips na narito sa opisina ko.
“Si Sir Ridge pa ang nag-ayos niyan para sa’yo.” Narinig kong sambit ni Kaila. Napalingon ako rito nanlalaki ang mga mata.
“Si Sir Ridge?” Ulit ko, ngumisi si Kaila sa akin saka tumango. Pinasadahan ko ng tingin ang mga empleyadong naroon, bakas ang panunudyo sa mga mukha nila. Parang kinikilig na nangaasar. Nakakainis! Agad akong naglakad papunta ng lift saka sumakay roon. Narinig kong tinawag ako ni Kaila pero hindi ko siya pinakinggan. Tinungo ko ang opisina ni Sir Ridge.
Nabungaran ko si Meghan na may ginagawa sa laptop niya, inangat niya ang tingin nang marinig ang pagtunog ng lift, tumayo siya saka ngumiti. Tinanguan ko lang siya ng bahagya saka ito tinanong.
“Nandyan ba si Sir Ridge?” Seryoso kong tanong dito.
“Oo, nasa loob siya. Bakit? Anong…” Hindi pa nito natatapos ang sinasabi ay tinungo ko na ang pinto at binuksan iyon. Wala na akong pakealam sa iisipin ni Meghan at importante sa akin ngayon ay makausap si Sir Ridge. Nadatnan ko siyang seryoso at abala sa mga documents na nasa ibabaw ng lamesa niya, nilingon ako nito saka ngumiti at hinubad ang suot na salamin. Pero nanatili ang kaseryosohan sa mukha ko, hindi ako natutuwa sa mga nangyari. Ano bang akala niya sa akin? Basta basta niya nalang mapaglalaruan kapag bored siya?
“What are you doing here? nagustuhan mo ba ang surprise ko para sa’yo?” Nakangiti nitong sambit. Matalim ang mga tinging iginawad ko sa kanya, agad na nawala ang ngiti niya saka siya tumayo at umikot sa harap ng table niya.
“Why? Hindi mo ba nagustuhan? Ang sabi ni Kaila favorite flowers mo ang tulips.”
“Sir Ridge, why did you do that? Baka mamaya kung ano pang isipin ng ibang empleyado.” Sambit ko rito. Tila nakalimutan ko yata na boss ko ang kausap ko ngayon. Pero wala akong pakealam. Hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ba talagang gusto niya, bakit niya ginagawa ito sa akin?
“I’m sorry, Danica. Gusto lang kitang isurprise, I thought you’re gonna like it.” Aniya, lumapit ito ng bahagya sa akin saka muling nagsalita. “I’m serious about you, Danica. Ang kung iniisip mo na pinagti-tripan lang kita, no! I’m not! Totoo ang nararamdaman ko para sa’yo. At sana hayaan mo akong iparamdam iyon sa’yo.” May king anong humaplos sa puso ko, totoo ba? may gusto talaga siya sa akin? Ilang sandali kaming nagkatitigan bago ako yumuko saka tumikhim. Ayokong Mabasa niya ang nasa loob ko. Ayokong isipin niya na ganun lang akong kadaling makuha, because I’m not. I will never give to him easily. I won’t.
“B-Babalik na ako sa trabaho. S-Sorry Sir Ridge sa istorbo.” Mahina kong sambit saka lumabas na ng opisina nito. Napansin kong nakatayo si Meghan malapit sa pinto ni Sir Ridge, tinanguan ko lang ito ng bahagya saka tinungo na ang lift.