Chapter 11
Napabuntong hininga ako nang makitang muli ang kalagayan ng office ko. Umalis narin ang ibang empleyado. Kahit paano naman ay na-appreciate ko ang mga bulaklak na ito, pero sobra naman kasi. Isa pa sigurado akong usap-usapan na ako sa buong opisina dahil alam nang lahat kung kanino galing ang lahat ng ito. I bit my lower lip sigh. Gabi nanaman ng matapos ako sa trabaho. I’m tired and still problematic kung saan ko ilalagay ang mga bulaklak na nasa opisina ko. Sumandal ako sa swivel chair saka muling bumuntong hininga, umikot ako at tumapat sa glass wall, pinagmasdan ang kagandahan ng city lights. Hanggang sa hindi ko na namalayan na naipikit ko ang mga mata ko.
Nagising ako nang maramdamang may humaplos sa mukha ko. Nang minulat ko ang mga mata ay nabungaran ko ang gwapong mukha ni Sir Ridge. Madilim sa buong opisina, pero kitang-kita ko ang isang pares ng mga mata nito na matiin na nakatitig sa akin. Bahagyang umawang ang labi ko, ramdam na ramdam ko ang kuryenteng bigla nalang gumapang sa buong Sistema ko. I am mesmerizing by his set of dark brown eyes. My heart beats in a frantic way.
“S-Sir Ridge.” I whispered. The mix of his perfume and manly scent lingers on my nose. Makes me shivers.
“You’re so beautiful, Danica.” He said with a low and baritone voice. I swallowed a lump on my throat. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Para akong naestatwa at hindi ko siya magawang maitulak man lang. Sandali pa ako nitong tinitigan hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi ko, pigil hininga ang ginawa ko. Hahalikan niya ba ako? Bakit? Paano kung may makakita sa amin? Nabulabog ang sistema ko sa mga naiisip ko. Bumaba pa lalo ang muka nito sa akin hanggang sa halos magdikit na ang mga labi namin nang biglang bumukas ang ilaw at marinig namin ang tili ng isang babae. Agad na tumayo si Sir Ridge at ako naman ay umayos ng pagkakaupo.
Nang lingunin ko kung sino ang nagbukas ng ilaw ay nanlaki ang mga mata ko. Si Kaila. Nakatakip pa ang mukha nito gamit ang mga palad niya.
“I’m sorry… Akala ko…” Sambit nito. Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko. Tumango ako kay sir Ridge na noon ay nakatingin sa akin.
“Mauuna na kame Sir Ridge. Good evening po.” Sambit ko saka mabilis na tinungo ang pinto at hinila si Kaila. Habang nagdadrive ay hindi ako mapalagay dahil sa paninitig ni Kaila sa akin, nakangisi ito at pinanliliitan ako ng mga mata.
“Kaila, stop it. Hindi ako makapag drive ng maayos dahil sa ginagawa mo.” Sambit ko rito.
“I won’t stop until you tell me the truth. Anong ginagawa niyo ni Sir Ridge kanina sa office mo?” Tanong nito habang pinanliliitan ako ng mga mata.
“Stop it, Kaila! wala kaming ginagawa okay?” Mariin kong sambit dito.
“That’s not what I saw! I saw you kissing! Bakit dine-deny mo pa? alam mo namang botong-boto ako kay Sir Ridge para sayo diba? Kinikilig ako sa inyong dalawa, bunch of flowers in the morning and kisses in the evening ang sweet naman ni Sir Ridge!” Matinis na sambit nito. Matalim ko itong binalingan ng tingin, saka ito humalakhak. Hanggang sa makauwi kami sa apartment ko ay panay ang tudyo nito sa akin. Pinapaamin niya ako sa totoong relasyon namin ni Sir Ridge. Gusto ko na nga lang sabihin na totoong may relasyon kami para lang tumigil si Kaila. Pero ayoko namang mag-assume, gulong-gulo pa ako sa mga pinapakita ni Sir Ridge sa akin ngayon. At hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko, besides. I’m dating Marco, so technically, I am with someone. Hindi ba? hindi man pormal pa ang label namin ni Marco pero doon narin papunta iyon.
Kinabukasan ay malinis na ang opisina ko, wala na ang kumpol ng mga tulips sa buong sahig at maluwag na ulit. Nanghihinayang man ay minabuti ko nalang na huwag nang isipin pa, isang kumpol ng bulaklak nalang ang nadatnan ko sa opisina. Nakapatong ang isang red rose sa ibabaw ng table ko, bumuntong hininga ako saka naupo sa swivel chair ko. Malamang galing nanaman ito kay Sir Ridge. Ilang Segundo ko muna iyong tinitigan bago ko iyon kinuha at napansin ang isang maliit na note sa pagitan ng mga bulaklak. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang Mabasa ang nakasulat doon.
Have a beautiful day! I’ll have one just thinking of you.
-Marco.
Napangiti ako nang Mabasa ang note at makita ang isang maliit na drawing nito. Mukha ng isang lalaki, probably his face? It’s hilarious, kinuha ko ang phone ko para i-text si Marco, pero napaangat ako ng tingin nang marinig kong may kumatok sa pinto ko. Napaawang ang labi ko nang makita si Sir Ridge, nakasandal sa pinto, seryoso ang mukha habang may hawak na isang folder. Hindi ko alam kung bakit pero nag-panic ako nang maglakad ito papalapit sa akin, agad kong binitawan ang bulaklak at tinabi sa pinakasulok ng lamesa ko. Para itago? Oo. Kahit na alam ko namang nakita niya na iyon dahil matiim siyang nakatitig doon. Agad akong tumayo at sinalubong ito bago pa siya makalapit sa lamesa ko.
“G-Good morning, S-Sir Ridge.” Utal kong sambit. f**k!
Hindi nito binaba ang tingin sa akin, bagkus ay nilampasan ako nito at lumapit sa lamesa ko. Seryoso parin ang mukha, napalunok ako nang kunin nito ang bulaklak saka nito binasa ang note. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Galit ba siya? Pero bakit naman siya magagalit?
“So, you prefer this kaysa sa tulips?” Baritono nitong sambit, o mas mailalarawan kong galit ang tono ng boses niya. Nabulabog ang buo kong Sistema nang humarap ito sa akin hawak ang note ni Marco. Agad ko iyon kinuha sa kamay niya at tinago sa likuran ko.
“A-anong ginagawa niyo dito Sir Ridge? M-May kailangan po ba kayo?” Tanong ko rito. He stared at me, sharply, na para bang may malaking kasalanan akong ginawa. Lumapit ito ng bahagya saka inabot ang hawak na folder sa akin. Agad ko iyon kinuha.
“Finalize the report and bring it to me before this afternoon. Tell the team to prepared, pupunta tayo ng Palawan.” Dominante at nakakatakot ang awra nito. Lalo akong kinabahan nang tumagal ang pagkakatitig nito sa akin, hindi ko magawang iangat ang tingin sa kanya.
“Yes, sir.” Tugon ko, akala ko ay may iba pa siyang sasabihin, pero nagulat ako nang maglakad na ito palabas ng opisina ko. Sinundan ko pa ito ng tingin haggang sa makita ko siyang pumasok sa lift. Sakto namang papunta si Kaila sa opisina ko at nakita niya si Sir Ridge. Binati niya ito pero natigilan siya nang hindi siya pansinin nito at nagsara ang lift. Agad siyang pumasok sa opisina ko.
“Anong nangyari kay Sir Ridge? Bakit parang wala siya sa mood?” Tanong nito sa akin, hindi ko siya sinagot at muling naupo sa swivel chair ko. Napansin ni Kaila ang roses sa lamesa ko at kinuha iyon.
“Wow, another flowers? Galing ba kay Sir Ridge to?” Muling tanong nito, inabot ko rito ang note ni Marco. Nanlaki ang mga mata ni Kaila nang Mabasa ang note.
“Oh my God! Don’t tell me… kaya pala nakakatakot si Sir Ridge nang lumabas siya dito, alam mo bang itsura ng mukha niya? Parang gusto niyang sapakin lahat ng makakasalubong niya.” Sambit ni Kaila, alam ko naman na hindi maganda ang reaksyon ni Sir Ridge nang makita iyan dito sa opisina ko. Pero exaggerated naman masyado itong si Kaila. Nirolyo ko ang mga mata rito saka bumuntong hininga.
“It’s not my fault, isa pa hindi naman masama na magbigay si Marco ng flowers hindi ba?” Sambit ko rito. Umawang ang labi ni Kaila saka muling nagsalita.
“Ano ka ba Danica! Be sensitive naman, malamang magseselos yung tao kapag nakita niyang may ibang lalaking umaaligid sa babaeng gusto niya.” Aniya, tinaas ko ang kilay dito.
“What? Hindi niya ako gusto. Nabo-bored lang siya sa buhay niya kaya gusto niya ng playtime. Isa pa, wala siyang karapatang magalit o pagbawalan ang kung sino mang gustong magpadala ng mga ito sa akin. Hindi niya ako pag-aari.” Sambit ko rito.
“Tsk… tsk… tsk… God Danica! Hindi ko alam kung paano mo naiisip na playtime lang ang lahat ng ito kay Sir Ridge. I saw him prepared all the flowers yesterday, parang madaling araw palang nga yata nandito na siya at naabutan ko na nagaayos dito sa opisina mo. Pagkatapos hindi mo man lang naappreciate? Sinugod mo pa siya sa opisina niya. Ewan ko sayo ha, pero kung ako iyon baka nagtatalon nako sa kilig.” Aniya, saka inabot sa akin nag flowers at lumabas ng opisina ko. I didn’t know, madaling araw pa niya pa iyon ginawa para sa akin? I bit my lower lip I am battling with my pride and conscience. Hindi ko naman hiniling sa kanya na gawin iyon ha? Bakit ako nakokonsensya?
Tinapos ko lang ang pinapaayos niya at sinabihan ang team na kasama sa Palawan bukas para maghanda. Last mnute ang nangyaring memo kaya kailangan naming magovertime para lang maayos ang lahat at macheck pati narin ang tutuluyan namin pagdating sa isla. I’m nervous and excited dahil first time kong makakapunta ng Palawan at first time ko ring hahawak ng isang malaking project. Kasama namin ang tatlong staff mula sa research department at tatlong staff mula sa marketing department. Si Sir Ridge, si Meghan at ako. Maaga akong umalis ng bahay at nagmaneho papunta sa company kinabukasan. Doon kami susunduin ng van na maghahatid sa amin sa airport papuntang Busuanga Airport. Hindi namin kasabay si Sir Ridge. Ang sabi ni Meghan nauna na raw ito at kagabi pa raw bumyahe papunta doon sakay ng chopper niya. Hindi ko na inabala pa ang sarili na isipin si Sir Ridge at ang sinabi ni Kaila. kailangan kong magfocus sa trabaho kung gusto kong maging maganda ang kalabasan ng project na ito.
Maliwanag na ng makarating kami sa Busuanga Airport. Mga alas otso narin, paglabas namin ng airport ay may nakaabang na sa aming van papunta ng Coron Town. Dahil sa pagod at antok ay umidlip muna ako sa byahe, sabi sa amin ng driver ay mahigit isang oras pa ang byahe namin bago makarating sa Coron Town. I need to sleep para may energy ako mamaya sa trabaho. After an hour ay narating din namin sa wakas ang hotel na pagsstayhan namin. Sakto naman at nagising na ako, para akong nakapag-recharge kahit papaano. Nakita ko ang malaking arko ng resort nakalagay ang Hermosa Paradise Resort. Umawang ang labi ko nang Mabasa ang Hermosa. Sa pamilya din ba ni Ridge ang hotel na ito? Well, hindi na ako magtataka kung nagkalat ang mga properties nila sa Manila, pero pati ba naman dito?
Lahat kami ay napanganga sa ganda ng lugar, pagpasok mo sa may front desk ay matatanaw mo ang isang infinity pool na parang karugtong lang ng dagat. The resort was made of woods pero kapag pumasok ka sa loob ay puro steel at glass ang makikita mo. I was amazed by the mixture of nature and modern architecture. It gives justice to its name, paradise. It’s a paradise indeed!
Sinalubong kami ng staff ng hotel, sa tingin ko ay siya ang manager ng hotel na ito dahil mas kakaiba ang uniform niya kaysa sa mga staff na nakita namin kanina sa labas. Inimbita niya kami na pumunta sa restaurant ng hotel, iniwan na namin ang mga bagahe namin at tumuloy na sa restaurant. Pagpasok ay agad naming nabungaran si Sir Ridge na naglapag pa ng plato sa isang mahabang lamesa. He’s wearing a white longsleeve na tinupi hanggang siko, gray slacks at leather slippers. May suot din siyang apron, teka, siya ba nagluto ng mga pagkain sa lamesa? Bahagya siyang ngumiti saka lumapit sa amin.
“Welcome to Hermosa Paradise Resort, sigurado akong nagutom kayo sa byahe. Here, I cook some breakfast for all of us.” Baritonong sambit nito. Excited na nagsiupo ang mga kasama ko, ako naman ay hindi malaman kung saan uupo. Hindi ako makatingin ng tuwid kay Sir Ridge, hindi niya naman ako tinitingnan at busy siya sa pakikipagusap sa mga kasama ko na malapit sa kinauupuan niya. Mas mabuti iyon. sinadya kong maupo sa dulong upuan para makaiwas at makakain ng maayos dahil gutom na gutom na ako. Inabala ko nalang ang sarili sa pagkain habang nakikipagusap si Sir Ridge sa mga katrabaho ko at minsan kay Meghan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba pero kanina ko pang napapansin na hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin. Naiinis ako, hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Bakit ako naaapektuhan kung hindi niya ako tingnan? My God! Danica! Nahihibang na nga yata ako.
“Ms. Jensen prepared all of this. Siya rin ang gumawa ng contract para sa mga magiging suppliers natin ng pearls.” Narinig kong sambit ni Meghan. Tumingin sila sa akin saka ngumiti, pero seryoso lang ang mukha ni Sir Ridge nang inangat nito ang tingin sa akin.
“It’s her idea after all. Dapat lang na siya ang gumawa ng lahat ng iyan.” Baritonong sambit ni Sir Ridge saka ito tumayo. “Please enjoy your food, mauuna na ako. May kailangan pa akong asikasuhin. Bukas tayo magsisimula ng trabaho, allow yourself to enjoy the resort today.” Dugtong nito saka umalis. Bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga kasama ko, probably because of Ridge’s coldness towards me. Napansin din ba nila? The other day, he looked determined asking me to marry him and now, he is cold.
Binalewala ko nalang ang nangyari ng umagang iyon at gaya ng sinabi niya ay hindi ako nagaksaya ng pagkakataon para malibot ang buong resort. I can’t believe that I’m finally here! sigurado akong inggit na inggit sa akin si Kaila ngayon. Kumuha ako ng maraming pictures saka sinend kay Kaila. I haven’t seen my room yet, pero binigay na sa amin ang mga susi ng kwarto namin bago kami umalis sa restaurant. I want to enjoy the beach. Bawat hampas ng alon ay napapapikit ako, ang sarap pakinggan. Hindi ko na maalala nang huli akong nagbakasyon, kaya sobrang namis ko ang magrelax ng ganito. Nakita ko ang isang kahoy na upuan di kalayuan sa may dalampasigan, walang tao sa lugar dahil ang mga kasama ko ay mas piniling matulog nalang ang iba naman ay sa ibang parte ng beach nagpunta. Pansin ko ring kami lang ang nandito sa hotel at walang ibang guest.
Ilang minuto akong naupo habang pinagmamasdan ang asul na tubig at sinasamyo ang ihip na hangin ng North west coast.
“I finally find you.”
Narinig kong sambit ng isang lalaki, nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon, humahangos pa ito habang nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod.
“M-Marco?”
Ngumiti ito saka hinubad ang suot na sunglasses. I almost didn’t recognize him; he’s wearing a white polo shirt and a floral beach short. This is the first time I saw him in a casual attire at dito pa sa beach. Well, ilang beses palang naman kami nagkikita at palagi siyang naka-suit, kung hindi handmade na three-piece suit ay tux naman. Kaya nanibago talaga ako.
“Why you’re here?” Tanong ko rito, nakangiti itong lumapit sa akin saka naupo sa tabi ko.
“I have a business here. Nalaman kong nandito kayo kaya pinuntahan kita kaagad.” Aniya, naiwang nakaawang ang labi ko. Talaga bang nagkataon lang ang lahat ng ito? Ang galing naman. Timing.
“Um, talaga?” Hindi ako makapaniwalang sambit. Bahagyang nangunot ang noo nito.
“Hindi ka naniniwala? Who knows, maybe we’re destined to be together. That’s why destiny brought me here. Mabuti nalang at nagkaproblema ang supplier namin dito sa Palawan or else I wouldn’t see you here.” Nakangiti niyang sambit. Napangiti ako sa sinabi niya, destiny? I don’t think I believe in that. We have decisions and that makes our destiny. Kung saan man tayo dadalhin ng tadhana it’s up to us! Because we are the one who decide our faith. Right?
Bumalik kami ni Marco sa resort nang magtext ang ilan kong kasama para kumain ng lunch. Nalaman kong dito rin si Marco nagsstay at kagabi lang din siya dumating. Sabay ba sila ni Sir Ridge? Hindi na ako nagusisa pa. Nasa restaurant na ang mga katrabaho ko nang dumating kami, halos mapako pa ang mga mata ng ilan sa kanila nang makita si Marco. Nakangiti naman itong kumaway sa mga katrabaho ko at nagpakilala. Ang ilan ay kilala na siya dahil mga matagal na sila sa kumpanya at alam din nila na pinsan ito ni Sir Ridge. Muli kong naalala ang sinabi niya na dati siyang may-ari ng Hermosa. Baka dati siyang nasa management ng Hermosa, pero may sarili na siyang kumpanya kaya umalis na siya? I know he is still part of the company dahil pinsan siya ni Sir Ridge.
All their eyes shifted to our back, nang lingunin ko kung sino ang dumating ay nakita ko si Sir Ridge kasama si Meghan. May hawak na tablet si Meghan at parang may pinapaliwanag kay Sir Ridge habang ito naman ay nakatingin ng deretso sa kinatatayuan namin ni Marco. No, he is staring at me sharply! His jaw clenched. Same expression he’s wearing when he saw the note in the flowers.
I just remember what Kaila said.
He is jealous of Marco.
The great Ridge Hudson Buenacera is jealous!