Chapter 12
His fierce gaze shook the hell out of me. Lumapit ito sa amin nang hindi pinapatid ang tingin sa akin. Lumapit pa ng bahagya sa akin si Marco saka nginitian si Ridge, pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ilang beses akong napalunok sa hindi malamang dahilan.
“What are you doing here, Marco?” Baritonong sambit nito, inangat niya ang tingin kay Marco, same intense gaze.
“I have a business here. Why? Am I not welcome here? last thing I knew, isa parin ako sa may-ari ng resort na ito.” Nakangiti nitong tugon, hindi kumibo si Sir Ridge saka muling binaba ang tingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin dito at humanap na ng mauupuan. Tumabi sa akin si Marco at si Sir Ridge naman ay naupo sa dulong parte ng table. Tahimik ang lahat habang kumakain, parang bigla nalang nagbago ang hangin na parang kapag may magsalita o gumawa ng ingay ay tiyak na mapapahamak. Hanggang sa tumayo si Marco at tinaas ang hawak na wine. The ice breaker.
“Let’s toast everyone, for the success of the Pearl project.” Nakangiti nitong sambit parang nabunutan ng tinik ang lahat at kanya-kanya silang nagsitaasan ng baso. Si Sir Ridge ay nanatiling seryoso habang kumakain. Hindi siya nagsasalita o nagaangat man lang ng tingin sa aming lahat. Si Meghan naman ay nakikita kong kinakausap siya, malamang tungkol sa schedule niya dahil tumatango lang ito at minsan ay tumitingin sa tablet na nakapatong malapit sa plato niya.
“Danica, gusto mo bang mamasyal mamaya? May alam akong lugar na kitang kita ang kabuuan ng Palawan, sigurado akong magugustuhan mo.” Sambit ni Marco, ngumiti ako rito saka tumango. Wala naman akong gagawin mamaya isa pa, bukas pa naman magsisimula ang trabaho namin kaya hindi na ako nagdalawang isip.
“Danica, you’re coming with me later to meet the farmers.” Baritonong sambit ni Sir Ridge. Agad akong napatingin sa kanya. Para kasing galit ang tono ng boses niya.
“Ridge, pwede naman iyan bukas.” Sambit ni Marco. Binaba ni Sir Ridge ang hawak na kobyertos saka muling nagsalita.
“We’re not here for vacation. We’re here for the project.” Mariing sambit ni Sir Ridge. His voice is dominating, even my colleague is afraid by his voice. Hindi ko alam kung anong problema niya, pero naiinis na ako. Kung may galit siya sa akin hindi ba pwedeng sa akin niya nalang ibaling? Totoo namang nandito kami para sa trabaho. Pero siya narin ang nagsabi kanina na pwede naming ienjoy ang buong resort ngayong araw.
“Sir Ridge is right, I’m the one who is responsible with this project at hindi kami nandito para magbakasyon. I’m sorry Marco.” Sambit ko kay Marco. Ngumiti naman ito saka tumango sa akin.
“It’s okay, I’ll find a way.” Pabulong nitong sambit. Muli ko siyang nginitian.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko, tatawagan nalang daw ako ni Sir Ridge kapag aalis na kami. Naligo na muna ako at nagpalit ng damit, mainit sa buong isla kaya kung hindi ako maliligo bago kami umalis ay siguradong magmumukha akong nagmamantikang kawali. I’m conscious with my looks, especially on my face. I know I can’t catch a good man kapag hindi ko inalagaan ang sarili ko. It’s sad but that’s the reality. Luxury and convenience are for the beautiful people. I saw it many times. I don’t have the wealth but I have the beauty that every wealthy man chase.
Tapos na akong mag-ayos nang tawagan ako ni Sir Ridge. Agad akong bumaba sa lobby ng resort at nakita kong naroon na nga siya, nakasandal sa sasakyan niya. The Mercedes-Benz G63. Another expensive car! My lip parted. A beautiful man, and a nice car!
“Let’s go we’re going to be late.” Baritonong sambit nito saka siya umikot para buksan ang pinto ng passenger seat. Mabilis akong lumapit doon at sumakay. The smells of leather and mint scent linger on my nose.
Tahimik lang ako habang nasa byahe kame, ang sabi ni Sir Ridge ay mahigit isang oras ang byahe namin papunta sa mismong farm. Isang oras din akong hindi mapakali dahil kaming dalawa lang ni Sir Ridge ang magkasama. Bakit kasi hindi man lang niya sinama si Meghan? O kaya yung iba naming kasama.
“Are you okay?” Narinig kong sambit ni Sir Ridge, napatikhim ako saka ito nilingon.
“Y-Yes, Sir Ridge.” Pormal kong tugon, bahagyang nangunot ang noo nito, pero hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
“Kung naiilang ka sa akin dahil sa mga sinabi ko sa’yo nung nasa bahay tayo, please don’t, ayokong maapektuhan ang trabaho mo, Danica.” Baritonong sambit nitong muli, umawang ang labi ko at muli siyang tiningnan. Sinulyapan niya ako sandali saka muling binalik ang tingin sa kalsada. Tama siya, hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga personal na bagay. Dapat mas magfocus ako sa project na ito, kailangan kong ihiwalay ang personal na issues at trabaho.
“But I’m still waiting for your answer though. I’m serious on marrying you.” Aniya, namilog ang mga mata ko saka mabilis na binalingan ang bintana. How can I focus when he’s being like this? Hindi ko na siya sinagot pa at baka kung ano pa ang masabi ko, tinuon ko nalang ang atensyon sa mga documents na dala ko hanggang sa makarating kami sa farm.
Napanganga ako sa ganda ng dagat at kulay asul nitong tubig. Napakalinis ng beach at puting-puti ang buhangin. May ilang kubo na nakatirik malapit sa dalampasigan, lumapit sa amin ang tatlong middle-age man. Ang isa ay lumapit sa amin saka ngumiti.
“Welcome po! Kayo po ba si Sir Ridge?” Tanong ng lalaki. Ngumiti si Sir Ridge saka inabot ang kamay dito.
“Kumusta ho, ako ho ang may-ari ng Hermosa Group. Ako po ang nakausap niyo sa telepono nung isang linggo. And this is Danica, siya ang in-charge sa project na ito.” Nakangiting sambit nito.
“Kumusta ho.” Sambit ko. Ngumiti rin ang lalaki saka nagpakilala.
“Welcome po sa barrio namin, ako si Ernesto, ito naman ang mga kasamahan ko sa farm. Si Alfred saka si Lucio.” Pakilala nito.
Naging mainit ang pagtanggap nila sa amin sa barrio nila, nakilala rin namin ang mga asawa at anak nila Mang Ernesto, at pinakita nila sa amin ang mismong farm kung saan sila humahango ng mga pearls. Naging maayos naman ang naging usapan nila Sir Ridge at ng mga farmers, magdadala rin kami ng sample ng mga pearls para mapagaralan ng mga kasama ko sa hotel. Hindi ko alam na magiging ganito kadali ang lahat, at hindi ko rin inaasahan na magiging maayos ang paguusap nila Sir Ridge at nila Mang Ernesto. Ngayon ko lang nakita si Sir Ridge na nakihalubilo ng ganun sa ibang tao lalo pa sa mga taong hindi naman niya kadalasang nakakasalamuha sa Manila. Parang ibang tao ang nasa harap ko ngayon, laging nakangiti at maganda ang awra ni Sir Ridge habang kausap ang mga tao dito. Hindi kagaya sa Manila na lagi nalang nakakunot ang noo niya.
Inimbitahan pa kami ng mga taga-barrio na kumain doon dahil may inihanda silang kaunting mga pagkain na nahuli nila sa dagat. Iilan lang ang mga nakatira sa barrio na iyon, lahat ng mga tao doon ay magkakakilala na. Nakakatuwa na kahit simple lang ang buhay nila ay nakukuha parin nilang maging masaya at makuntento sa kung anong meron sila. Nakaramdam ako ng inggit, napatanong ako sa sarili ko, kailan ba ako naging masaya? Kung tutuusin nga e, I have all the things that I want kumpara sa mga taong nakatira rito. Pero bakit parang hindi parin ako kuntento?
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kaming umalis, baka kasi abutan pa kami ng dilim sa daan. Babalik kami sa makalawa para pagusapan ang plano sa farm at ang magiging trabaho ng mga tao doon.
“You should do that more often.” Sambit ko habang nasa byahe kami, nilingon ako ni Sir Ridge saka bahagyang nangunot ang noo. “Mas gwapo ka kapag nakangiti.” Dugtong ko, saka ito nginitian. He smiled.
“I can’t do that, baka akalain ng mga empleyado ko nasapian ako. But if that’s what you want, I can manage to do that.” He said, and smirked. I smiled, hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagkalabog ng dibdib ko nang ngisian ako nito. Hinarap ko ang mukha sa may bintana para hindi nito makita ang pamumula ng mga pisngi ko.
Pagdating namin sa hotel ay sinalubong kami ni Meghan. Hindi ko alam kung bakit pero parang natataranta siya, hindi pa man nakakababa si Sir Ridge ng sasakyan nito ay nilapitan na siya ni Meghan. Nangunot ang noo ko, saka bumaba narin ng sasakyan.
“Sir Ridge, mabuti naman po at nandito na kayo. Kasi, si Mrs. Leonore, n-nandito po siya. Kanina niya pa kayo hinihintay.” Sambit nito, napalunok ako. Anong ginagawa ni Mrs. Leonore dito?
“Where is she?” Baritonong tanong ni Sir Ridge.
“Sa wakas dumating ka rin.” Narinig kong sambit ng isang babae mula sa pintuan ng hotel, Tumaas ang kilay nito nang makita ako at ngumiti naman kay Sir Ridge.
“Ma, what are you doing here?” Tanong ni Sir Ridge nang makalapit ito.
“I heard about the new project, hindi ba tayo lugi sa project na iyan Ridge? Dapat kinunsulta mo muna ako bago mo inaprobahan iyan.” Sambit nito.
“Ma, ako ng bahala dito, okay? Halika na sa loob.” Baritonong tugon ni Sir Ridge saka iginaya ang ina papasok sa loob ng hotel. Naiwan kami ni Meghan sa labas habang pinapanood sila.
“She freaked out nang malaman niyang ikaw ang may ideya ng project na ito.” Sambit ni Meghan na noon ay nakatayo sa gilid ko. Namimilog ang mga matang nilingon ko ito.
“What do you mean?”
“Posibleng ma-cancel ang project dahil kay Mrs. Leonore. Sayang lang ang pinunta natin dito.” Aniya, saka naglakad na papasok sa loob ng hotel. Naiwan akong magisa sa labas, nag-aalala ako, kapag hindi pumayag si Mrs. Leonore, siguradong masisira si Sir Ridge sa mga tao sa farm.
“Danica!” Tawag sa akin mula sa likuran, nang lingunin ko ay nakita ko si Marco na papalapit sa akin.
“Marco, nandito ka pa pala? Akala ko bumalik kana ng Manila.” Bungad ko rito nang makalapit ito sa akin, ngumiti ito.
“I decided to stay. Ok ka lang ba? kumusta ang lakad niyo ni Ridge?” Tanong nito, malalim akong bumuntong hininga bago tumugon.
“Okay naman, pero baka magpull out nalang yung team sa project. Mukhang hindi sangayon si Mrs. Leonore sa project e.” Tugon ko rito, bahagyang nangunot ang noo nito.
“Kaya ba siya nandito? I saw her earlier.” Aniya, tumango ako.
“Don’t worry, kakausapin ko siya.” Dugtong nito saka ako tinapik sa balikat at pumasok na sa loob ng hotel. Sinundan ko lang ito ng tingin. Alam ko namang hindi rin papayag si Sir Ridge na mapull out ang project pero nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi ni Marco.