Chapter 13
Sa huli ay nakumbinsi din ni Sir Ridge si Mrs. Leonore, tinuloy namin ang plano at naging abala kaming lahat dahil kailangan naming bumalik ng Manila after a week. Mabuti nalang at naging maayos ang lahat at walang masyadong naging problema.
“To our success!” Sambit ni Sir Ridge saka nito tinaas ang hawak na kopita. Ganun din kami, this is our last night here in resort. Hindi naging madali ang naging trabaho namin dito lalo na kapag nakabalik na kami ng Manila. Mas marami pa kaming aasikasuhin para sa launching ng product. I’m glad that Sir Ridge supported the team all through out the process. Alam kong hindi naging madali na kumbinsihin si Mrs. Leonore, mabuti nalang at natuloy parin ang project. Pagkatapos ng dinner ay naglakad lakad muna ako sa resort bago bumalik sa suite ko, ang mga kasama ko ay nagkanya-kanya narin ng mga ginagawa since this is our last night. Pinayagan kami ni Sir Ridge na magamit ang lahat ng amenities ng resort.
Madilim na ang paligid pero may mga maliliit naman na ilaw sa bawat poste ng resort kaya hindi naman nakakatakot na maglakad-lakad sa tabi ng dagat. Medyo marami akong nainom na wine kanina sa dinner kaya parang nakakaramdam na ako ng antok. Pero sayang naman kung matutulog lang ako nang hindi man lang naeenjoy ang magandang lugar na ito. Ngumiti ako saka suminghap ng preskong hangin. I felt relax, kahit papaano. Masyado kaming pressured sa trabaho at bihira lang ako makapagrelax ng ganito kaya susulitin ko na. Muli akong suminghap ng preskong hangin nang mapabalikwas ako ng maramdaman ang mainit na labi na dumampi sa labi ko. Minulat ko ang mga mata, namilog ito nang tumambad sa harap ko si Sir Ridge. He is smiling at me. Para akong naestatwa, kumunot ang noo ko kaya lalo siyang ngumisi.
“Why did you do that?!” Singhal ko rito, tila nawala sa isip ko kung sino ang nasa harap ko ngayon dahil sa inis. He smirked at me again at face the ocean.
“You look beautiful. I can’t help it.” Aniya, napaawang ang labi ko. Lalo akong nainis nang maramdaman ang paginit ng mga pisngi ko.
“I can sue you for s****l harassment.” Nakakunot noo kong sambit dito, humarap siya sa akin saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“Pumayag kana kasi na pakasalan ako para hindi na ako nagnanakaw ng halik sa’yo.” Tugon nito, parang lalong uminit ang pisngi ko at gumapang ang hindi maipaliwanag na kuryente sa buo kong katawan. Nasisiraan na nga yata talaga ang lalaking ito.
“You’re insane Sir Ridge.” Sambit ko rito saka nirolyo ang mga mata rito.
“I’m crazy for you, Danica.” Tugon nito habang nakatitig sa akin. Ilang Segundo nagtagal ang titig na iyon bago niya binawi. “Go back inside. It’s late, maaga pa ang flight natin bukas.” Dugtong nito saka naglakad papunta sa villa ng tinutuluyan niya.
Papasok narin sana ako sa resort nang sumulpot sa harap ko si Meghan. Bahagya akong nagulat dahil ang akala ko ay kasama niya ang iba naming katrabaho o di kaya ay nagpapahinga na sa kwarto niya.
“Meghan…”
“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.” Nakangiti nitong sambit sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Bakit naman niya ako hahanapin?
“Tara! Dun tayo sa bar, nandoon din yung iba nating kasama e.” Aniya, nilingon ko ang bar area ng resort at natanaw ko nga ang mga katrabaho naming masayang ngiinuman doon. Pero wala ako sa mood maginom ngayon lalo pa’t iniisip ko parin ang tungkol sa project namin, ngumiti ako kay Meghan.
“Thank you, pero gusto ko na kasing magpahinga e.” Tugon ko rito, lumapit sa akin si Meghan saka ako nito hinawakan sa braso.
“Sige na, Ms. Danica. Last day naman na natin dito sa resort e, look. Naghihintay na sila o?” Sambit nito saka ngumuso sa kinaroroonan ng mga kasama namin. Nahiya naman ako dahil lahat sila ay nakatingin na sa amin, at wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Meghan papunta sa bar area ng resort.
Naupo ako sa tabi ni Meghan at agada ko nitong inabutan ng isang baso ng beer, bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos puno ang laman ng baso na inaabot nito sa akin. Nahiya nalang din ako kaya kinuha ko nalang din. Nagkwentuhan kami ng mga katrabaho ko, ang iba sa amin ay matagal na sa company at nagkukwento ng mga naging experiences nila. Nawili ako sa pakikinig at pakikipagkwentuhan hanggang sa hindi ko na namalayan na unti-unti nang tumatama ang epekto ng alak sa akin.
“Ikaw Ms. Danica? May boyfriend kana ba?” Tanong ng isa kong katrabahong babae. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng hiya na sagutin ang tanong nito.
“Um, w-wala.” Tugon ko.
“So, hindi mo pala boyfriend si Sir Marco? Sobrang close niyo kase e.” Sambit naman ni Meghan, nakatingin sa akin ang lahat at nagaabang ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit interesado sila sa buhay ko pero naiilang ako. Sasagot na sana ako nang may isang baritonong boses ang bigla kong narinig mula sa likuran ko. They automatically shifted their gaze at the man behind me. Magulo at medyo basa pa ang buhok nito na lalong nagpadepina sa gwapo niyang mukha. Ngayon ko lang mas nakita ang pagkakahawig niya kay Sir Ridge.
“Hind pa sa ngayon.” Aniya, saka ito umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Napaawang ang labi ng mga kasama namin, ang iba ay parang kinikilig pa. Habang ako ay parang sasabog na sa kahihiyan. Pero nakangiti lang sa akin si Marco saka ito kumuha ng alak at nagsalin sa baso at deretso iyon ininom.
“Paano naman si Sir Ridge? Nanliligaw din ba siya sayo Ms. Danica?” Sambit ni Meghan, seryoso at mukha nito at may pagkasarkastiko rin ang boses niya. Hindi ko alam kung lasing lang ba ako o totoo ang nakikita kong pagkairita sa boses at mukha nito.
“Of course not! Hindi nanliligaw si Sir Ridge sa akin.” Tugon ko rito saka bahagya itong pinangunutan ng noo, ilang Segundo siyang nakatitig sa akin bago ngumiti at tumingin sa mga kasama namin.
“I’m just joking! Guys, let’s cheers for the success of our project! Cheers Ms. Danica!” Aniya, habang nakanagiti. Naguguluhan ako sa pinapakitang ugali sa akin ni Meghan. Ayoko nalang sanang magisip ng masama, pero napapadalas na. Parang mayroon siyang malalim na galit sa akin. My thoughts shifted nang kausapin ako ni Marco about the project hanggang sa makalimutan ko na ang nangyari.
Hinatid ako ni Marco sa suite ko pagkatapos.
“Good night, magpahinga kana. Maaga pa ang flight niyo bukas.” Baritonong sambit nito. Bahagyang nangunot ang noo ko.
“Teka, hindi ka ba sasabay sa amin pabalik ng Manila?” Tanong ko. Umiling siya saka umangat ang tingin sa akin.
“Hindi, may kailangan pa akong tapusin dito. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik.” Aniya. Ngumiti ako saka muling nagsalita. Naintindihan ko naman na marami din siyang inaasikaso lalo na’t malaki ang kumpanya niya na nag-eexport ng mga furnitures sa iba’t- ibang bansa at hindi biro ang paghahandle non’.
‘Sige, mag-iingat ka. Salamat sa paghatid.” Nakangiti kong tugon saka ito tinalikuran at lumapit sa pinto. Muli ko siyang hinarap na noon ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba kay Marco ngayon. O baka dahil umeepekto na ang alak sa Sistema ko kaya kung anu-ano na ang naiisip ko.
“Good night, Marco.” Muli kong sambit dito saka pumasok na sa kwarto ko.
Naligo na ako at nagpalit ng damit saka humiga sa kama, nakatitig lang ako sa kisame nang muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina sa beach. Hinawakan ko ang labi ko, napabalikwas ako nang marealize ko kung ano ang pumapasok sa isip ko. Sinapo ko ang dalawa kong pisngi na noon ay nagiinit na, at malamang ay pulang-pula. Alam ko namang walang nakakakita sa akin pero nahihiya ako sa sarili ko. My God! Danica! Paano mo nagagawang pagpantasyahan ang lalaking iyon?!
Bumalik kami ng Manila kinabukasan and everything went well, the process of the project’s launching is already settled. Hinihintay nalang namin ang araw ng launching ng pearls. Simula nang bumalik kami sa Manila ay hindi na kami ulit ngkausap ni Sir Ridge. Naging abala kasi siya sa kaliwa’t kanan niyang mga meetings na nacancel dahil ilang araw din kami sa Palawan.
“So, ano nang status niyo ni Sir Ridge?” Tanong ni Kaila habang kumakain kami sa isang restaurant.
“Kaila!” Pinandilatan ko ito ng mga mata. Natatawa naman nitong kinuha ang juice niya saka iyon ininom.
“What? Nagtatanong lang e.”
“Tigilan mo na iyan okay? Isa pa ilang araw na kaming hindi nagkikita at naguusap simula nang umuwi kami dito sa Manila. Baka narealize niya na finally na hindi talaga ako ang type niya.” Tugon ko rito.
“Talaga ba? kung ganun pwede kana ulit makipag blind date?” Aniya, bahagyang nangunot ang noo ko saka pinagpatuloy ang pagkain at pinakinggan lang ang sinasabi ni Kaila. “Tutal parang hindi mo rin naman type si Marco hindi ba? He’s the owner of Teletech Communications. Maganda ang background niya at credentials, gwapo at mabait pa.” Dugtong nito.
“Kaila, wala akong time para makipag-blind date ngayon alam mo namang busy tayong lahat sa launching ng pearl di’ba?”
“Edi pagkatapos ng launching, basta iseset ko na ha.” Excited nitong nilabas ang phone niya at may tinipa doon. Hindi ko alam kung ano yun, pero may hinala akong may kinalaman iyon sa sinasabi niyang blind date ko. Gaya ng sinabi ko, nakikipag-blind date ako sa mga mayayaman, at mataas ang standards ko sa mga lalaking idadate ko. Mataas ang ambisyon ko sa buhay kaya nga ako nagsumikap para makuha ang mga gusto ko. Pero minsan, napapaisip din ako kung ito ba talaga ang gusto ko.
One week after marelease ang bagong product ng Hermosa ay lalong naging abala ang lahat dahil sa dami ng orders ng at talagang pumatok ang bagong product. Syempre, kapag sinabing gawa ng Hermosa talagang pagkakaguluhan ng mga tao. Hindi rin naman kasi biro ang quality na meron sila, maging sa ibang bansa ay pinagkakaguluhan ang mga alahas na may tatak ng Hermosa. I barely saw Sir Ridge these past few days, bukod sa launching ng pearls.
“O basta, huwag mong kalimutang mgtext sa akin kapag pauwi kana ha.” Bilin ni Kaila nang ihatid ko ito sa kumpanya bago ako tumungo sa blind date ko.
“Oo na sige na at baka malate pa ako.” Tugon ko rito.
“Goodluck friend!” Nakangiti nitong sambit bago bumaba ng sasakyan ko.
Dinala ako sa isang mamahaling Chinese restaurant ng address na binigay ni Kaila sa akin. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng staff na nakasuot ng itim na uniform. May iilan ding customer pero hindi naman puno.
“Good afternoon, ma’am. Do you have any reservations?” Nakangiti nitong sambit. Gumanti rin ako ng ngiti dito bago ito sinagot.
“Um, yes. I’m meeting with Mr. Dominguez.”
“This way ma’am.” Aniya, saka naglakad na sumunod naman ako rito saka bahagyang inayos ang takas na buhok sa mukha ko. I check his background before, pero hindi ko maiwasang kabahan. Napansin kong pumasok kami sa isang hallway ng restaurant at nadaanan ang mga private diner. Hanggang sa huminto ito sa isang pinto. Ngumiti muna ito sa akin bago nagpaalam. Ilang Segundo muna akong tumitig sa pinto bago ko iyon binuksan.
My mouth almost drops when I saw the tall man inside.
Why he’s here?