Chapter 14

1768 Words
Chapter 14 Danica. “S-Sir Ridge?” Mahina kong sambit nang makita ito sa loob ng private diner. He smiles at me, showing his perfectly white teeth. Hindi ko maintindihan ang biglang pagkalabog ng dibdib ko, anong ginagawa niya dito? Hindi kaya nagkamali ako ng diner? “Tatayo ka nalang ba diyan sa pinto?” Baritonong sambit nito. I swallowed, secretly scanning the whole room, not knowing what I’m looking for. “Um, I’m sorry. Nagkamali yata ko ng diner." Tugon ko rito. "What are you talking about? Kahit isa-isahin mo ang lahat ng diner dito hindi mo makikita si Mr. Dominguez." Aniya, saka sinukbit ang dalawang kamay sa bulsa ng trouser nito. "What? Teka, pinaalis mo ba siya?" "No, siya na mismo ang umalis nang malaman niyang pakakasalan kita." Tugon nito. I saw a devilish grin on his face. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Pero nakaramdam ako ng inis sa ginawa nito. Bakit kailangan niyang sabihin iyon? Pati ba naman personal life ko balak niya naring pakealaman?! "Excuse me, Sir Ridge. Pero wala akong naaalalang pumapayag ako na magpakasal sayo." Sambit ko dito saka ito tinaasan ng kilay. Lumapit ito sa akin saka muling ngumiti. "I know but soon enough lalapit ka rin sa akin at ikaw mismo ang magsasabing pakasalan na kita." Nakangiti niyang sambit. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa kahambogan ng lalaking nasa harap ko. "Since you here already why don't you join me for lunch?" Dugtong nito saka minuwestra ang lamesa na puno ng mga pagkain, may decorations ding mga bulaklak at candle light sa gitna. Hindi ko ito kaagad napansin kanina pero ang romantic ng pagkakaayos ng table. Perfect for a blind date na sinira ni Sir Ridge. Tatanggi na sana ako pero nakaramdam na ako ng pagkalam ng tiyan, at tama siya nandito narin naman ako. Sayang naman ang designer dress na suot ko kung uuwi lang ako. Pumayag ako na saluhan siya sa lunch. "The launching of pearls went well, thanks for your hardwork, Danica." Sambit nito habang kumakain kami. Ngumiti naman ako bago nagsalita. "It's my first project, dapat lang na pagigihan ko. Isa pa hindi lang naman ako ang naghirap doon." Tugon ko saka pinagpatuloy ang pagkain. "That's one of the reason why I like you." Aniya, saka kinuha ang baso ng wine at sumimsim doon. Binaba ko ang hawak na kobyertos saka dinampi sa bibig ang table cloth. "Sir Ridge. I think there's some misunderstanding between us. Hindi ko alam kung anong intensyon mo, pero, importante para sa akin ang blind date ko. Dito nakasalalay ang magiging buhay ko sa hinaharap. Mataas ang ambisyon ko sa buhay, at siguro naman alam mo na kung bakit ako nakikipag blind date. Kung para sa iyo laro lang ang lahat ng ito, sa akin hindi." Seryoso kong sambit dito. Binaba nito ang hawak na baso sa lamesa pero nanatili ang kamay niya roon. "Danica, I'm a businessman. My time is money, 30 minutes na akong nakaupo dito at mahigit 3 billion ang nawala sa akin sa loob ng tatlumpung minuto na iyon. I won't waste my time and money just to play around. I'm serious about you, Danica." Baritono nitong tugon. I'm speechless, napatitig nalang ako sa basong hawak nito. Ano bang mayroon sa akin at bakit ako pa ang napili niya? "You're still my boss and I'm your employee. Hindi ka ba natatakot na masira ang imahe ng Hermosa kapag nalaman ng lahat na nakipagrelasyon ka sa empleyado mo?" Tugon ko. He grin. "You're right. It'll affect the image of Hermosa, but I don't care, Hermosa is still a Hermosa. It can survive no matter what happens. But you? I don't think I will find someone like you kapag pinakawalan kita. Sabi mo dito sa blind date na ito nakasalalay ang kinabukasan mo, well then, pakasalan mo ako. Ibibigay ko ang lahat sayo, besides di hamak naman na mas mayaman ako kay Mr. Dominguez. Kaya kong ibigay ang lahat sa’yo kahit hindi mo hilingin." Aniya. I was cornered by my own trap. And I know, I won't be able to escape, his eyes was full of determination and desires when he looked at me. Like he is staring at his target. I know, because we're the same. The question is, am I hesitant to go further with this man because I'm afraid that I would be fall on my own trap? Or I am afraid to the fact that he is capable to make me fall to him? Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako nito malapit sa apartment ko. Tahimik lang ako habang nasa byahe, ganun din siya. Pinakikiramdaman ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Naguguluhan ako, bakit ako naaapektuhan sa mga sinabi niya kanina? Mag-iisang linggo na ang lumipas mula nang magdate kami. At simula ng araw na iyon ay palagi nalang may bouquet ng tulips sa table ko. Palagi rin siyang nakaabang sa lobby ng kumpanya at naghihintay sa akin para ihatid ako. He is true to his words. He won’t stop pestering me. Until he gets what he wants. Pero ang mas hindi ko maintindihan ay ang pagpayag ko na sumama sa kanya. Hinahayaan ko siya sa mga gusto niya. Kumalat narin sa opisina ang tungkol sa amin ni Sir Ridge, paano ba namang hindi? E halos hindi na siya umalis sa tabi ko kahit pa nasa trabaho kami. But then, inaasahan ko nang makakarating kay Mrs. Leonore ang ginagawa ng anak niya. Isang araw ay pinatawag ako nito sa opisina niya. Malayo palang ay hinanda ko na ang sarili ko sa mga maririnig kong mga masasakit na salita. Pero kahit ano palang handa ko, hindi parin ako makakaligtas sa panghahamak ni Mrs. Leonore. “Mag-resign kana sa kumpanya at huwag ka nang magpapakita sa anak ko. Siguro naman sapat na halaga na iyan para sa maliit na pabor na hinihingi ko sa’yo.” Sarkastiko nitong sambit saka nilapag sa lamesita ang cheque. Hindi ako makapaniwalang kinuha ang kapirasong papel na iyon saka ngumisi. “5 milyon? Ganito lang ba ang halaga ng anak ninyo?” Sambit ko dito. Hindi ako makakapayag na pati ako ay tapaktapakan nito na parang isang insekto. “What did you say?!” Singhal nito habang nakakuyom ang mga kamay sa galit. Pinunit ko sa harapan nito ang cheque saka tumayo. “I can’t believe that you would do this Mrs. Leonore. Sa tingin ko, ang anak nyo ang dapat na kausapin ninyo. Dahil siya ang habol ng habol sa akin, kahit nasaan ako. Siya ang sabihan niyong layuan ako.” Tugon ko dito. Tumayo rin ito at bakas ang galit sa mukha. “Oportunista kang babae ka! Akala mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo? Pumupunta ka sa mga lugar na pinupuntahan naming mga mayayaman para makapangasawa ka ng mayamang lalaki.” Aniya, parang may kung anong tumusok sa puso ko. “Ma!” Narinig kong boses ng lalaki mula sa pinto. Si Sir Ridge. “What are you doing?!” Singhal nito. Saka humarap sa akin, bakas ang pag-aalala at galit sa mukha nito. Baka nagagalit siya dahil pinagsasalitaan ko ng hindi maganda ang mama niya? Nakaramdam ako ng pagkadismaya, sa kanya at sa sarili ko. Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi ko na maipaglalaban pa ang sarili at dignidad ko. “Ang babaeng ito ba ang binabalak mong pakasalan ha, Ridge?! How could you marry this kind of girl? Pera lang naman ang habol niyan sayo!” Muling sambit ni Mrs. Leonore. “Ma, please stop this. Si Danica lang ang gusto kong pakasalan at wala kayong magagawa.” Seryosong sambit ni Sir Ridge. Natigilan si Mrs. Leonore at hindi na nakapagsalita. Maski ako ay nabigla rin sa narinig. Hindi ko akalaing magagawa ni Sir Ridge na sagutin ng ganun ang mama niya sa harapan ko. At mas lalo akong nagulat sa ginawa nito, kinuha niya ang kamay ko saka ako hinila palabas ng opisina ni Mrs. Leonore. Ilang beses tinawag ni Mrs. Leonore si Sir Ridge pero hindi sya nito pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Halos lahat ng nasa office ay pinagtitinginan kami habang papalabas ng building. Siguradong pagsisimulan ito ng chismis dito sa opisina. Pinasakay ako nito sa kotse niya at nagdrive palayo sa kumpanya. Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan, pinoproseso ang mga nangyari. Hindi ko maialis sa isip ko ang ginawa ni Sir Ridge sa harap ni Mrs. Leonore. Nagawa niyang sagutin ang mama niya para lang sa akin? “I’m sorry…” Hindi ko namalayan na huminto ang sinasakyan namin sa tabi ng kalsada, nilingon ko si Sir Ridge na noon ay bakas ang guilt sa mukha. “I’m sorry. Hindi ko inexpect na gagawin ni mama iyon. Kung alam ko lang pinigilan ko na sana siya.” Aniya, saka humigpit ang pagkakahawak sa manubela. Pinagmasdan ko muna siya bago ako sumagot. Alam kong hindi titigil si Mrs. Leonore, kahit pa iwasan ko si Sir Ridge. Nanganganib rin ang posisyon ko sa kumpanya, mukhang mawawalan pa yata ako ng trabaho. “Mrs. Leonore humiliated me. At posible pang mawalan ako ng trabaho.” Sambit ko rito. Humarap ng bahagya sa akin si Sir Ridge. “Don’t worry. Gagawa ako ng paraan para hindi ka matanggal sa kumpanya.” Aniya. “Really? kahit pa manatili ako sa kumpanya niyo sigurado akong pag-iinitan niya ako hanggang sa ako na mismo ang umalis at magresign.” Mariin kong sambit dito. Bumaba ang tingin nito, at pumakawala ng buntong-hininga. He maybe the vice-president of Hermosa pero mas may authority parin si Mrs. Leonore pagdating sa mga empleyado. I have no choice. “P-pumapayag na ako.” Muli kong sambit, inangat nito ang tingin sa akin. Bahagyang nangunot ang noo. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. Mariin akong napapikit saka muling nagsalita. “Pumapayag na akong magpakasal sa’yo.” Umaliwalas ang mukha ni Sir Ridge at hindi makapaniwala habang nakaawang ang labi. “You… tinatanggap mo na yung proposal ko?” Nakangiti nitong tanong. Tumango ako rito saka ngumiti. I don’t know if this is the right choice, pero nakikita ko naman na mabuting tao si Sir Ridge. At para ipamukha kay Mrs. Leonore na hindi sa lahat ng oras ay makokontrol niya ang lahat ng tao gamit ang pera niya. Mahigpit akong niyakap ni Sir Ridge. Alam kong malaking gulo itong pinapasok ko pero kahit paano ay nakaramdam ako ng init sa mga yakap niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero isa lang ang sinisiguro ko, si Ridge lang ang paraan para makuha ko ang matagal ko ng gusto.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD