Chapter 21 Author. “Who are you?” Tanong ni Catherine kay Meghan nang maabutan siya nito sa ward ni Ridge. Agad na tumayo si Meghan saka lumapit ng bahagya rito para magpakilala. “I’m Meghan Gallego, I’m Ridge’s secretary.” Sambit nito, pinasadahan ni Catherine ng tingin si Meghan habang nakakunot ang noo. “Then why are you here? Where’s my brother’s wife?” Tanong nitong muli. “Um, wala si Danica dito. Ilang araw na siyang hindi pumupunta dito mula nang magdivorce sila ni Ridge.” Tugon nito, napaawang ang labi ni Catherine nang marinig ang sinabi ni Meghan. “Divorce?” Paglilinaw nito. “Paano nangyari iyon? Hindi pa nagigising si Kuya, at bakit naman siya makikipag divorce sa mahal niyang asawa?” Sambit nito, hindi na sumagot pa si Meghan at nanatiling nakayuko. Base sa nakita n

