Chapter 20
Naghanda na ako ng mga pagkain sa lamesa pagkatapos kong magluto. Hinihintay ko nalang si Kaila na dumating. Nagtext naman siya na pauwi na. Naligo na muna ako at nagpalit ng damit para mapreskuhan. Paglabas ko ng kwarto ay saktong dating nito.
“I’m home!” Nakangiti nitong sambit saka inangat ang hawak na wine. “I also bought some wine.” Dugtong nito. Nginitian ko ito saka naupo na sa dining.
“Halika na, kumain na tayo.” Sambit ko rito. Umupo rin ito sa katapat kong upuan.
“Wow! Mukhang masarap itong niluto mo a?! Namiss ko mga luto mo.” Aniya, saka excited na nagsandok sa plato niya. Muli akong ngumiti rito bago nagsalita.
“Kaila, alam mo bang dito rin nakatira yung kapatid ni Meghan?” inangat nito ang tingin sa akin habang sumusubo ng pagkain. Nakakunot ang noo at nagtataka.
“May kapatid siya? I didn’t know. Bakit? Sinugod ka ba dito? Inaway ka?” Sunod sunod na tanong nito habang namimilog ang mga mata. Umiling ako.
“She has a brother, nakita ko siya sa hospital at kanina nung umalis ako.” Tugon ko.
“Wait, does it mean dito din nakatira si Meghan? Pero bakit hindi ko naman siya nakikita?” Aniya, muli akong umiling dito.
“Ang kapatid niya lang ang nakatira dito.”
“If you want to move, I’ll go with you. Pwede ko namang ibenta itong unit at bumili ng apartment malayo rito.” Aniya, muli akong umiling. Alam kong mahalaga kay Kaila ang unit na ito dahil matagal niya itong pinagipunan. At ayokong dahil lang sa akin ay ibebenta niya ito.
“No, huwag na. I know you work hard to get this unit. Isa pa, paano ang trabaho mo? Mahihirapan ka lang kapag lumipat pa tayo.” Tugon ko.
“E paano kung magkrus ang landas niyo rito ng babaeng iyon? She betrayed you, sila ng asawa mo. Baka mamaya kung ano pang gawin niya sayo.”
“I’m not threaten to her. Siya ang nang-agaw ng asawa, hindi ako ang dapat na umiiwas dahil wala naman akong ginawang masama.” Mariin kong sambit dito, ngumisi si Kaila saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“Finally! The real Danica is back! Alam mo, tama lang na hiniwalayan mo na iyang Ridge na iyan. Hindi ko ma-take na pumapayag kang alipustahin ng Mrs. Leonore na iyon.” Aniya, saka ito malalim na bumuntong hininga. “I know you love him, and I don’t understand why he did this to you.” Dugtong nito. Muli kong naramdaman ang kirot sa puso ko. Siguro dahil marami akong pagkukulang kay Ridge at ang mga pagkukulang na iyon ay nakita niya kay Meghan kaya nagawa niya akong ipagpalit. Nagawang lokohin. Unti-unti kong naramdaman ang paghapdi ng gilid ng mga mata ko. I blinked back my tears, and smiled at her.
“Anyway, huwag na natin siyang pagusapan. Let’s enjoy our evening with this wine!” Matinis na sambit nito saka nagsalin ng wine sa baso. Pagkatapos kumain ay lumipat kami ni Kaila sa sala habang umiinom ng wine. Nakaupo ako habang siya ay nakahiga sa mga hita ko.
“Oo nga pala, paano naging kayo ni Brent Graciallano?” Tanong ko, kinagat nito ang ibabang labi saka bumangon.
“H-hindi pa kami.” Mahinang tugon nito, bahagya kong tinaas ang kilay ko rito.
“Don’t tell me, katulad lang din siya ng mga lalaking inuuwi mo dito sa bahay mo.”
“Excuse me! Grabe ka naman sa akin. Of course not! Brent is different from those assholes!” Aniya, saka nirolyo ang mga mata sa kawalan.
“Kaila!” Pinandilatan ko ito ng mga mata. She’s a free-spirited person, she knows how to enjoy life. At marunong siyang makipaglaro sa mga lalaking nakaka-date niya o nakakasomething niya. She’s beautiful kaya maraming nagkakagusto sa kanya.
“Okay, Brent is a nice guy, considering that he’s the cousin of your ex-husband. Pero ibahin mo si Brent sa Ridge na iyon. I’m enjoying his company at pareho naming hindi pinaguusapan ang tungkol sa label naming dalawa.”
“FU-BU in short?” Sabat ko saka nirolyo ang mga mata rito at sumimsim ng wine.
“I don’t care, Danica. As long as nag-eenjoy ako at masaya ako.” Aniya.
“Pero Kaila, delikado iyang ginagawa mo. Baka sa huli ikaw din itong umuwing luhaan?” Seryoso kong sambit dito. Napatitig siya sa akin bago bumawi at tumayo saka lumapit sa malaking bintana ng sala.
“Magseryoso ka man o hindi, masasaktan at masasaktan ka parin. Just like what happened to you, and if times come na iwanan niya ako? Atleast alam ko sa sarili ko na ginawa ko lang ang lahat ng ito for fun, at alam ko namang ganun din siya.” Pabiro pero may laman nitong sambit. I knew Kaila wouldn’t settle for ha man. We both looking for a rich guy, but she doesn’t want to get married to anyone. Hindi siya naniniwala sa kasal, at mas lalo pa yatang nakumbinsi dahil sa failed marriage na nangyari sa akin.
Kinabukasan ay ako nalang ulit mag-isa sa apartment, paggising ko ay wala na si Kaila. Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglilinis ng bahay para lang hindi mabakante ang isip ko. Magsa-shower na sana ako nang tumunog ang phone ko. Rumehistro rito ang pangalan ni Marco, marahil nabalitaan na nito ang nangyari. Umupo ako sa kama saka tumikhim bago iyon sinagot.
“H-hello?”
“Danica, are you alright? I heard what happened.” Nag-aalalang tanong nito.
“I’m okay, Marco. You don’t have to worry about me.” Tugon ko rito.
“f**k! Kung alam ko lang sana hindi nalang kita iniwan diyan.” Ramdam ko ang frustrations nito dahil sa malalalim at sunod-sunod na paghinga.
“Marco, thank you. But you don’t have to worry, I’m okay.” Sambit ko habang nakayuko.
“Saan kana niyan ngayon?” Tanong nito sa mas mahinahong boses.
“Nandito ako sa bahay ni Kaila. And I’m okay, you have nothing to worry about.”
“Okay, tatapusin ko kaagad ang trabaho ko dito para makauwi ako kaagad diyan sa Pilipinas. Danica, I;m so sorry, you don’t deserve all of this. Napakagago lang talaga ni Ridge.” Nag-aalala at galit nitong tugon.
“Don’t. Please Marco. Wala ka namang kasalanan sa nangyari.”
“But still… okay, basta sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong. Danica, like I’ve said, I’m your friend now, I’m always here for you. Remember that.” Aniya, parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko nang malamang may mga kaibigan parin ako.
“Thank you, Marco.” Tugon ko, saka binaba na ang phone, nangingilid ang luhang napahawak ako sa dibdib nang muling maramdaman ang pagkirot nito. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa kama at nakatitig lang sa labas ng glass wall. Pinagmamasdan ang asul na langit. Umiiyak at masakit ang dibdib. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Tatlong buwan na simula nang maaksidente si Ridge at tatlong buwan narin ang nakakalipas mula nang pirmahan ko ang divorce papers namin. Sariwa parin ang sakit sa dibdib ko na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Pilit kong inaaliw ang sarili ko para lang hindi magmukmok sa bahay, minsan lalabas ako o kaya ay pupunta ng coffee shop, maggo-grocery, kahit ano, para lang hindi mabakante ang utak ko. Iyon ang naging routine ko, and maybe my way of coping the pain.
Nagdesisyon akong pumunta sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan ni Kaila para malibang. Pakiramdam ko kapag nag-stay lang ako sa bahay ay mababaliw lang ako. Kailangan kong makapaghanap ng trabaho para mabaling sa iba ang atensyon ko at hindi ako magmukmok.
“One cappuccino with extra syrup, please.” Sambit ko sa cashier, pagkatapos kong magbayad ay agad nitong ginawa ang order ko at naghintay lang ako sa counter. Walang masyadong tao ngayon sa coffee shop dahil office hours pa at weekdays. Siguradong mamayang hapon o gabi pa dadagsa ang mga tao dito. Narinig kong tinawag na ang pangalan ko, kaya lumapit ako at kinuha ang order ko. Pagtalikod ko sa cashier ay natigilan ako nang may malaking bulto ng lalaki ang tumambad sa harap ko. Matangkad siya kaya nakatingala ako habang nakakunot ang noo. Nakatitig lang siya sa akin seryoso ang ekspresyon pero malamlam ang mga mata nito. Ilang minuto kami sa ganung posisyon hanggang sa ako na ang unang nagiwas ng tingin dahil parang wala naman siyang balak bawiin iyon.
Hahakbang na sana ako nang harangin niya ako.
“Nananadya ka ba talaga?” Naiirita kong sambit sa kapatid ng ahas. Yes, ito ang bansag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya at totoo namang ahas ang kapatid niya.
“I think you get the wrong coffee again.” Baritonong tugon nito. Lalong nangunot ang noo ko saka binaba ang tingin sa hawak na kape. Bahagyang umawang ang labi ko nang makita ang pangalang “Luke” sa hawak kong kape. Nilingon ko ang counter at nakita ang isa pang kape doon, naalala kong dalawa ang nakapatong na kape sa counter at nawala sa isip ko na tingnan ang pangalan bago ito kunin. Bago pa man ako muling makapagsalita ay lumapit ang kapatid ng ahas sa counter at kinuha ang isa pang kape saka ako muling binalikan.
“Okay lang sa akin kung magkapalit tayo, kaso baka hindi mo magustuhan iyang sugar-free coffee na hawak mo.” Sambit nito. Sinamaan ko siya ng tingin saka kinuha ang kape na hawak niya at inabot naman ang hawak ko sa kanya at humanap na ng mauupuan.
“How are you?” Tanong nito. Napahinto ako sa paglalakad at humarap dito.
“I’m sorry to disappoint you but I’m perfectly fine, kung iyan ang gustong malaman ng ahas mong kapatid.” Sarkastiko kong sambit.
“She’s also suffering, alam kong wala akong magagawa para mabawasan man lang ang galit mo—”
“Hindi ko kailangan ng awa mo! Kaya kung pwede lang? Huwag mo na akong kakausapin o lalapitan.” Mariin kong tugon, bumaba ang tingin nito at saka bumuntong hininga. Magsasalita pa sana ito nang may pumasok sa coffee shop. Nang mapatingin ako sa pinto ay bahagyang namilog ang mga mata ko. Isang nakaposturang babae ang pumasok, suot ang mga mamahaling alahas at damit na tumeterno ang kulay sa makapal nitong eyeshadow. Bakas ang karangyaan sa awra nito.
Naglakad siya ng bahagya saka huminto nang makita ako. Lumingon din ang lalaking kausap ko sa dereksyon ni Mrs. Leonore. Ang ginang ay tinapunan ako ng tingin na para bang isa akong nakakadiring insekto. Ngunit nagiba ang mga tingin nito nang makita niya ang lalaki na nasa harap ko. Ngumisi ito at lumapit sa amin.
“Ilang buwan palang mula ng magdivorce kayo ng anak ko, nakikipagdate kana agad sa iba.” Sambit nito saka inilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa nung lalaki.
“Mrs. Leonore, nagkakamali po kayo. Isa pa divorce na kami ng anak ninyo kaya wala na kayong karapatang panghimasukan ang buhay ko.”
“At talagang sumasagot ka pang babae ka?!” Singhal nito. Saka siya bahagyang lumapit para sampalin ako, hindi ko alam ang gagawin ko kaya mariin akong napapikit, pero mabilis na humarang ang lalaki at hinawakan ang kamay ni Mrs. Leonore.
“Tama na po, this is a public place. Hindi maganda para sa imahe ninyo ang gumawa ng eskandalo dito.” Baritnong sambit ng lalaki. Galit na galit si Mrs. Leonore habang nakatingin sa aming dalawa. Padabog nitong binawi ang kamay saka kami tinalikuran at umalis. Nanginginig ang kamay at tuho ko kaya nilapag ko ang hawak na kape at napatungkod sa lamesa. Agad akong dinaluhan ng lalaki at hinawakan sa braso.
“Are you okay?” Tanong nito. Nangingilid ang luha ko, gustohin ko mang palayasin ang lalaki sa harap ko ay wala akong lakas para doon. Muling nanikip ang dibdib ko sa sakit. Pinaghila ako nito ng upuan at inalalayang makaupo. Ikinuha niya rin ako ng tubig sa counter.
“Ang tapang tapang mo pero hinahayaan mo lang na tratuhin ka ng ganun ni Mrs. Leonore.” Sambit nito ilang oras pagkatapos ng nangyari. Inangat ko ang tingin dito.
“Ridge completed me. Ibinigay niya ang pangarap kong buhay na akala ko ay hindi ko na mararanasan. But it ended too soon. Dahil sa kapatid mo. I can endure anything para lang matupad ang pangarap ko. Pero, sinira iyon ng kapatid mo.” Walang buhay kong sambit. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa akin. I saw the guilt in his face. Maybe that’s the reason kung bakit mas galit na galit ako sa kanya kaysa kay Meghan. He’s wearing those expressions that supposed to be worn by his sister.
“I’m sorry.” He said.