Chapter 19
“Thank you, Kaila.” Mahina kong sambit nang makapasok na kami ng apartment nito. Humugot siya ng buntong hininga bago ako hinaplos sa balikat at tumugon.
“You have me. Talikuran ka man ng mundo, pero ako hindi. Welcome ka dito sa bahay ko kahit kailan mo gustuhin. Don’t think anything okay? Ako ang bahala sayo.” Aniya, may kung anong humaplos sa puso ko. Nagpapasalamat parin ako at may kaibigan akong kagaya ni Kaila. Na handang tumulong at laging nandyan with open arms.
“Dito muna ako habang naghahanap ako ng trabaho.”
“Trabaho? Danica, pahinga ang kailangan mo ngayon. Gaya ng sabi ko, ako nang bahala sayo. Malaki naman yung naiipon ko e, its enough for both of us. We can travel pa nga if you want. Oh, right! That’s what you needed! A vacation! Kahit saan pa iyan.” Aniya, ngumiti ako ng bahagya pero umiling ako sa suhestyon nito.
Wala sa loob ko ang magbakasyon sa kung saan, nagaalala parin ako kay Ridge dahil hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Malaki ang galit ko sa kanya, but still… I’m expecting an explanation from him. I still expecting something, kahit na malabo. Kahit na mukhang imposible.
“Thank you, Kaila. But I want to stay here, hindi parin nagigising si Ridge at ayoko munang ipaalam sa pamilya ko ang nangyari.” Sambit ko. Umawang ang labi nya sa narinig mula sa akin.
“Nag-aalala ka parin sa gagong iyon, e niloko ka na nga non! At sa tingin mo ba hindi malalaman ng pamilya mo ang nangyari? E ngayon pa nga lang, kaliwat-kanan na ang mga balita at articles tungkol sa aksidente ni Ridge at sa sekretaryang iyon.” Iritadong tugon nito. Kinagat ko ang ibabang labi, Kaila is right. Malamang alam na nila ang balita tungkol kay Ridge. Pero nag-aalala kaya sila? Matagal ko na silang tinalikuran. Baka ganun din sila sa akin. The thoughts make me sadder. Ngayon ko mas narealize na talagang nawala na ang lahat sa akin.
“Kaila, gusto ko paring makasiguro na ok si Ridge. Iyon lang.” Nakayuko kong sambit, sabay na bumagsak ang mga balikat nito at bumuntong hininga.
“Okay, if that’s what you want. Pero ang gusto ko, makapagpahinga ka, magrelax ka, okay? Babalik muna ako sa office. Uuwi ako ng maaga, may gusto ka ba ipabili?” Aniya, ngumiti ako rito saka umiling.
“Wala na, mag-ingat ka.” Tugon ko, muli itong lumabas ng apartment at naiwan akong mag-isa.
I am tired. Heart shattered into pieces.
Humiga nalang ako sa kama, tumagilid at tinitigan ang asul na kalangitan mula sa glass wall ng kwarto. Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng mga talukap ko at unti-unti iyong bumagsak nang hindi ko namamalayan. Naalimpungatan ako nang makarinig ng kaunting ingay sa labas at mga boses. Ilang beses ko pang pinikit-pikit ang mga mata hanggang sa tuluyan akong magising. Napatingin ako sa labas at nakitang madilim na. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero mukhang nakatulong iyon dahil kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Bumango ako at naglakad papunta sa pinto, pagbukas ko ay bumungad sa akin sa sala si Brent. Minsan ay bumibisita siya sa hospital kay Ridge, pero umaalis din kaagad kapag nandyan na si Mrs. Leonore, ilag din kasi siya sa ginang dahil pakiramdam ni Mrs. Leonore ay masamang impluwensya ito sa anak niya, na pinsan ni Ridge. Hindi ko maintindihan, parang mainit nalang ang dugo niya sa lahat ng mga nakapaligid kay Ridge.
Tumayo ito nang makita ako saka ngumiti sa akin.
“Good evening, Danica.” Bairtonong sambit nito, sandaling nangunot ang noo ko, ano namang ginagawa niya rito? Hindi naman kami gaanong close dahil madalang lang naman siyang pumunta sa mansion at madalas ay sa bar sila nagkikita ni Ridge. At paano niya nalaman na nandito ako? Nilingon ko ang paparating na si Kaila habang may hawak pang sandok, saka dinaluhan si Brent.
“Gising kana pala, Danica. Tamang tama luto na yung dinner.” Nakangiti nitong sambit sa akin saka niya hinarap si Brent at matamis na nginitian. At that moment, I already knew the answers to my questions. Napatitig nalang ako sa kanilang dalawa nang hindi nagsasalita.
Tahimik nalang akong kumain, habang kaharap ang dalawa na kulang nalang yata ay langgamin sa harap ko. Ilang beses akong napapatikhim at binibigyan ng makahulugang tingin si Kaila, saka lang ito popormal pero ngingiti-ngiti parin sa katabi. Hinayaan ko na sila nang matapos akong kumain, pumasok na muli ako sa kwarto. Kahit hindi ko tanungin ay halata namang may something sa kanilang dalawa. At ayokong makaistorbo. Muli akong nakatulog at umaga na ng magising.
Pagbangon ko ay wala na si Kaila sa buong kwarto, hindi ko rin alam kung dito ba siya natulog. At kung anong oras umalis si Brent, lumabas ako at ineksamin ang buong paligid, baka maagang pumasok sa opisina si Kaila. Muli akong pumasok sa kwarto at kinuha ang phone ko, saka ko nakita ang text message nito na umalis nga siya ng maaga, binilin pa nito na kumain ako at may hinanda na siyang breakfast bago umalis. Nagpasya muna akong maligo bago kumain. Tulala ako habang nasa ilalim ng shower, iniisip ang susunod kong gagawin. Plano? Hindi ko parin alam kung anong plano ko pagkatapos ng lahat ng ito.
Gusto ko sanang maghanap ng trabaho, para man lang mabaling sa iba ang atensyon ko at hindi ako palaging nagiisip. Nagtipa ako ng message para kay Kaila at nagpaalam dito na lalabas ako, kinain ko ang hinain niyang breakfast saka naghugas ng plato bago umalis. Wala akong kotse dahil iniwan ko sa hospital ang BMW na ibinigay ni Ridge sa akin, gaya ng sabi ni Mrs. Leonore. Lahat ng binigay ni Ridge ay iniwan ko, wala akong dinalang kahit na ano. Ang kotse ko noon ay binenta ko na dahil hindi ko naman na raw iyon magagamit at nakabili narin ng sariling sasakyan si Kaila. Wala akong problema sa pera, dahil kahit papaano ay may naipon ako nung nagtatrabaho ako sa Hermosa, idagdag pa ang perang nakuha ko nung binenta ko ang sasakyan at apartment ko. Na sana ay hindi ko pala ginawa kung alam ko lang na managyayari ito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naghihintay na magbukas ang lift. Hanggang sa isang matangkad at matipunong lalaki ang napansin kong nakatayo sa ‘di kalayuan at mataman na nakatitig sa akin. Bahagyang napaawang ang labi ko nang makilala ang lalaki, yung kapatid ng ahas!
Hanggang dito ba naman makikita ko pa itong lalaking ‘to? Muling nagbalik sa aking ala-ala ang huling beses na nagkausap kami. Nakaramdam ako ng guilt, dahil imbis na pasalamatan ay sininghalan ko pa siya dala ng galit ko sa kapatid niyang ahas. Lumapit ito sa akin nang hindi pinapatid ang titig.
“What are you doing here?” Masungit kong sambit.
“I live here, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Dito kana rin ba nakatira?” Sunod-sunod na tanong nito. Alam ko, mamahalin ang mga units dito, I wonder kung paano siya nakakuha ng units dito. Hindi naman siya mukhang mayaman, hindi ko rin naman alam ang trabaho niya. Pero secretary lang naman ang kapatid niya, kaya nakakapagtaka kung paano nila na-afford tumira dito. O baka binigay ito ni Ridge sa kanila since kabit niya nga ang ahas na iyon. Naniningkit ang mga mata ko dahil sa pagiisip. Kung dito siya nakatira, ibig sabihin dito rin nakatira ang ahas na iyon? Hanggang sa matitirhan kaagaw ko parin siya.
“I also live here, pero mukhang maghahanap nalang ako ng matitirhan kaysa naman makasama sa isang building ang ahas mong kapatid.” Sakrastiko kong sambit dito. Hindi kumibot ang labi nito, but his eyes are still on me.
“You don’t have to, ako lang naman ang nakatira sa unit ko. May sariling apartment si Meghan, near her office and she doesn’t want to live with me.” Aniya, nirolyo ko ang mga mata dito. Kaya naman pala nagagawa niyang lahat ng gusto niya, dahil hindi naman nababantayan ng kapatid. Agad akong pumasok sa lift at hindi na ito kinausap pa. Hanggang sa bumaba kami sa lobby ay hindi ko siya pinapansin. Dere-deretso lang ang lakad ko at hindi na ito nilingon pa.
Kung saan-saan ako pumunta, naglakad-lakad, mag-isa kong inenjoy ang oras ko para sa sarili ko. Minsan hindi ko parin mapigilan ang bigla nalang pagbugso ng damdamin ko at bigla nalang akong maluluha. Pilit akong nagpapakatatag dahil ayokong maging mahina. Kailangan kong lumaban ng mag-isa sa buhay. Dumaan ako ng grocery para mamili ng mga kailangan ko sa apartment at para makapag-stock narin ng mga kailangan sa bahay. Ayoko namang iasa nalang ang lahat kay Kaila.
“Danica! I told you, you don’t have to do that. Hindi ba ang sabi ko magpahinga ka? Magrelax ka” Sambit nito sa kabilang linya habang namimili ako at kausap siya sa phone. Late na niya nabasa ang text message ko kaya agad siyang tumawag sa akin.
“Kaila, I’m okay. Isa pa nalala kong may mga kailangan akong bilhin dito sa grocery. Uuwi ka ba ng maaga? Magluluto ako.”
“Yeah, I’ll just finish my work and I’m ready to go na.” Aniya.
“Oo nga pala, kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol sa inyo ni Brent? Huh?!” Sambit ko rito, naniningkit pa ang mga mata ko nang maalala ko ang kaganapan sa kanilang dalawa kagabi.
“Sige na, mamaya na tayo magusap nasa office ako no.” Pagiiwas nito.
“Kaila!”
“Promise! Mamaya ikukwento ko lahat.” Aniya, ngumiti ako at binaba na ang phone saka nagpatuloy sa pamimili. Kompleto na ang mga pinamili ko except sa pangbake na hindi ko maabot dahil nasa mataas itong shelve. Luminga-linga ako sa paligid at tinatanaw kung makakahingi baa ko ng tulong sa mga staff pero wala akong makita. Hanggang sa mapatingin ako sa lalaking nagtaas ng kamay para abutin ang kanina ko pang gustong makuha, nakatupi ang polo nito hanggang siko kaya kitang kita ko kung paano nagflex ang mga muscles nito sa braso. I gasped. I was stunned and annoyed when I saw the man. Agad na nangunot ang noo ko rito at sumama ang timpla ko.
“Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ako?!” Asik ko rito.
“Hindi kita sinusundan, I needed to buy some groceries. Nakita kitang inaabot ito. Here.” Baritono nitong sambit, saka inabot sa akin ang hawak. Bumaba ng tingin ko doon saka nirolyo ang mga mata rito.
“Hindi ka man lang ba magta-thank you?” Aniya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago muling nagsalita.
“Thank you.” Mariin kong sambit saka ito tinalikuran. Pumunta na ako sa cashier para magbayad at hindi na siya muling nilingon pa. I don’t know what’s his deal. Bakit lagi nalang siyang biglang nasulpot kung saan.
Umuwi na ako pagkatapos mag-groceries, nasa tapat na ako ng pinto nang mapansin kong nawawala ang susi ko. Nilapag ko muna ang mga dala para mas mahalungkat ko ang loob ng bag ko, baka natabunan lang sa ilalim. Pero wala, hindi ko makita kung nasaan na.
Napakagat ako sa ibabang labi at pilit na iniisip kung saan ko posibleng nahulog iyon. Naiinis na napasandal ako sa pinto. Bakit napakamalas ko? Niloko nako ng asawa, pinahirapan ng byenan at debosyada pa! Ngayon naman ay hindi ako makapasok sa apartment ni Kaila dahil nawala ko yung susi ko. Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pintuan.
Favorite yata talaga ako ni Lord bigyan ng sunod-sunod na problema. Yumuko ako at bumuntong hininga. Hapon palang at mamaya pa ang uwi ni Kaila. Ayoko naman siyang tawagan para lang sa susi at mas lalong ayokong pumunta ng Hermosa at ipalandakan ang mukha ko doon pagkatapos ng mga nangyari. I’m hopeless! I’m a messed!
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang ilang yabag ng sapatos na papalapit sa akin. Nakita ko ang isang pares ng brown na leather shoes.
I gasped, “Ikaw nanaman? What do you want?!” Muli kong singhal dito saka tumayo. He looked at me. A thin line appears on his pinkish lips.
“Here, nailaglag mo sa grocery.” Baritonong sambit nito. Bumaba ang tingin ko sa hawak nito at namilog ang mga mata ko nang makita ng susi ko! Agad ko iyong kinuha sa kapatid ng ahas.
“The cashier found it, kaya lang nakaalis kana. I saw your picture in the key chain.” Paliwanag nito. Lumambot ang ekspresyon ko pero nanatiling nakakunot ang noo ko rito.
“Hindi mo naman kailangan na dalhin pa ito sa akin. Pwede ko naman yang balikan sa grocery.” Sambit ko.
“I’ll take that as a thank you. Danica.” Aniya, saka ako nito tinalikuran at umalis. Tinitigan ko lang siya ng masama hanggang sa lumiko na ito papunta ng lift. I tilted my head, how did he know Kaila’s apartment? Hindi rin siya mukhang galing sa lift kanina, huwag niyang sabihing inisa isa niya ang mga unit dito para lang mahanap ako?
My mouth drop by the thoughts.
Baliw ba siya? Parehas lang sila ng kapatid niya, parehong may mga deperensya.
Muli kong nirolyo ang mga mata sa direksyon nung lalaki.