Chapter 18
Author.
“Dr. Luke, wala na po kayong naka-schedule na patients this afternoon.” Sambit ng nurse dito, ngumiti naman ito saka tumango.
“Thank you, kayo na munang bahala dito sa clinic. Pupuntahan ko lang si Meghan sa hospital.” Aniya, ngumiti naman ang nurse at saka yumuko dito. Palabas na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya, rumehistro doon ang doctor na in-charge kay Meghan. Agad niya itong sinagot.
“Dr. Luke, gising na si Meghan. Can you come here to sign some documents?” Bungad sa kabilang linya.
“Yes, Dr. thank you.” Saka nito binaba ang phone at patakbong lumabas ng clinic, saka nagmaneho patungo sa hospital. Hindi naman kalayuan nag clinic nito kaya ilang minuto lang ay nakarating na siya kaagad sa hospital. Humahangos pa ng buksan nito ang pinto ng kwarto ng kapatid.
Naabutan niya ito nakaupo sa kama niya habang kinakausap ng doctor. Ngumiti ito sa kapatid nang lingunin siya nito. Kinausap siya ng doctor at may ilang documents na pinirmahan.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” Tanong nito nang lumabas na ang doctor at maiwan silang dalawa.
“I’m okay, kuya… S-Si Sir Ridge? Kumusta siya?” Tanong nito. Lumapit ng bahagya si Luke saka bumuntong hininga.
“Meghan, stop it. Hindi ka pa ba natauhan sa aksidenteng nangyari sayo?” Seryosong sambit nito. Yumuko si Meghan.
“You don’t understand.” Mahinang sambit nito. Naluluhang inangat ang tingin sa kapatid.
“Mahal ko si Ridge, kuya. At ramdam kong ganun din siya sa akin! Masaya siya kapag magkasama kami. Kuya, I love him.” Umiiyak na sambit nito, hindi makapaniwalang tinitigan ni Luke ang kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit at paano ito humantong sa ganito. Pinayagan niyang pumasok sa Hermosa Group si Meghan dahil akala niya ay makakabuti para dito ang normal na buhay. Tinalikuran nito ang pagmamanage ng Gallego Hotel, dahil gusto niyang magtrabaho sa Hermosa. Pero hindi niya inakalang ganito pa ang mangyayari sa kapatid niya.
“Tigilan mo na ang kalokohang ito Meghan! Paglabas mo ng hospital, uuwi ka ng U.S.” Mariing sambit ni Luke. Horror drawn to her face, wala sa plano niya ang bumalik ng U.S kagaya ng sinabi ng kapatid. Mariin itong umiling at panibagong luha ang muling umagos sa pisngi nito.
“No! Ayoko, please kuya! Hindi ako papayag.”
“Meghan! Ridge is a married man! He has a decent wife! Paano mo nagagawa ang mga bagay na ito?” Singhal nito sa kapatid. Pinunasan ni Meghan ang luha sa mukha saka muling inangat ang tingin sa kapatid nito na para bang wala siyang ginawang masama.
“That woman doesn’t love Ridge! Pera lang naman ang habol ng babaeng iyon sa kanya! Ako ang totoong nagmamahal kay Ridge kuya! Please… I’m begging you, pabayaan mo nalang ako.” Aniya, umiling si Luke dahil sa pagkadismaya sa kapatid. Hindi niya akalain na sasabihin ito ng kapatid niya matapos ang nangyari sa mga magulang nila. Naghiwalay ang mga magulang nila nang malaman ng kanilang ama na may iba na ang kanilang ina. Their mother left them, despair and broken.
Sinubsob nalang ng kanilang ama ang sarili sa trabaho at negosyo hanggang sa maitayo nito ang Gallego Hotel. Luke pursued his career as a cosmetic surgeon, siya rin ang namamahala ng hotel matapos mamatay ng kanilang ama dahil sa sakit. Ang dapat na papalit kay Luke para mag-manage ng hotel ay si Meghan, pero hiniling nito na magtrabaho muna sa Hermosa para narin magkaroon siya ng experience sa trabaho ganun narin sa pagnenegosyo.
“Ako ang nakakatanda sa ating dalawa, at pinangako ko kay Papa na gagawin ko ang lahat maibigay lang ang mga bagay na magpapasaya sayo Meghan. Pero hindi ko kokonsintihin ang maling ginagawa mo, magreresign ka sa Hermosa at babalik ka ng U.S.” Mariing sambit nito saka lumabas ng kwarto ni Meghan. Naiwang umiiyak ang kapatid.
Naaawa si Luke sa kalagayan ng kapatid niya, pero hindi niya maaatim na manira ito ng pamilya. Hindi sila pinalaki ng tatay nila na masasamang tao, kaya sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa kapatid. Pakiramdam niya ay nagkulang siya sa pagpapalaki rito mula nang mamatay ang tatay nila.
Danica.
Para akong lumulutang habang naglalakad papunta sa kwarto ni Ridge. Matapos kong maabutan si mama na kausap si Attorney ay hindi na ako napalagay. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako susuko, kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na makipag-divorce kay Ridge. I am not certain to my feelings but I’m sure that I can’t live without him. I needed him. Bahagya akong natigilan nang makitang may babaeng nakatayo sa may pinto ni Ridge at sinisilip ang asawa ko mula sa maliit na salamin ng pinto. Nakasuot ito ng hospital gown kagaya ng kay Ridge at may IV ang kaliwang kamay nito na nakahawak sa stand ng dextrose niya.
Ilang hakbang pa ay napansin ako ng babae at nilingon ako nito, namilog ang mga mata ko nang makita ko ang mukha nito at makilala. Agad siyang yumuko at tumalikod, tangka siyang aalis pero mabilis akong lumapit dito at humarang sa harap niya.
“Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito.” Galit na galit kong sambit dito. Nanatili siyang nakayuko at hindi makatingin sa akin.
“G-gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Ridge.” Aniya, umawang ang labi ko at kumulo ang dugo ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang magtimpi. Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon, at kung bakit ako ginigipit ni Mrs. Leonore.
“Don’t you dare tried to come back here! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pang magawa ko sayo.” Gigil na gigil kong sambit, naguumapaw ang galit na nararamdaman ko lalo na nang makita ang babaeng ito, maayos na at parang walang aksidenteng nangyari. Samantalang si Ridge ay nasa kama parin niya, walang malay at hindi ko alam kung kailan ito magigising. Ilang Segundo ko pa itong tinitigan ng matatalim, na kung nakakamatay ay siguradong kanina pa ito bumulagta sa harap ko. Halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad dahil sa pagkuyom nito, bago pa man ako makapagsalita ng hindi maganda ay naglakad na ako at nilampasan ito para pumasok sa kwarto ni Ridge.
“I love him.”
Napahinto ako sa paghakbang at kinilabutan sa narinig. Sa dami ng emosyon na nararamdaman ko ay wala na akong balak pang pangalanan iyon. Marahan akong pumihit at nilingon si Meghan, nanginginig ang mga kamay at tuhod ko pero ayoko iyong ipahalata. Ang mga mata ko ay naguumpisa nang humapdi dahil sa panibagong mga luhang namumuo dahil sa sobrang galit.
“I know he likes me too. We’re happy together. Ms. Danica, please. Hiwalayan mo na si Ridge. Alam kong gusto niya rin ako, naramdaman ko iyon nung mga araw na magkasama kami. Hindi mo naman siya mahal hindi ba? You’re just using him! Ms. Danica, I love him!” Umiiyak na sambit nito, napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang paninikip nito. Ayokong makita niya ang sakit na nararamdaman ko, pero ang tubig na namumuo sa mga mata ko ay umaagos na ngayon sa aking pisngi.
“How dare you!” Mariin kong tugon.
“Kahit na anong sabihin mo kabit ka parin! And what? You love him? Pwes! Ngayon palang sinisigurado ko na sayo na mas gugustuhin mo nalang na sana ay pinigilan mo nalang iyang kakatihan mo!”
“You don’t love him! Pero ako? Kayang kaya kong ibigay ang pagmamahal na hinahangad niya sa’yo! Pakawalan mo nalang siya, mas magiging masaya siya sa akin!” Aniya, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at dumapo ang isa kong kamay sa pisngi nito. Isang malakas na sampal na halos umugong pa sa buong hallway ng hospital ang dumampi sa kanya. Tumagilid ang mukha niya habang umiiyak at sapo-sapo iyon ng palad niya.
“How dare you say those things? Anong alam mo sa pagmamahal? Anong alam mo sa aming dalawa?! At anong akala mo? Ipapaubaya ko siya sayo? Mamamatay muna ako bago mangyari iyon!” Singhal ko rito saka ito muling tinalikuran.
“He filed a divorce.” Mahina nitong sambit.
Naestatwa ako sa sinabi nito, nablangko ang isip ko at hindi kaagad nakapagsalita. Parang may punyal na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Muli akong humarap dito. Inayos niya ang sarili niya bago tumingin sa akin ng deretso.
“He filed a divorce a year ago. Hindi kana mahal ni Ridge. Matagal na niyang pinagpaplanuhan na hiwalayan ka pero wala lang siyang lakas ng loob sabihin sayo. At least have some dignity Ms. Danica, leave him before he divorces you.” Sambit nito, sinisiguradong bawat salitang binitawan niya ay tumatagos sa puso ko at dumudurog dito.
Tuluyan akong nawalan ng lakas at natumba sa harap ng pintuan ni Ridge nang umalis si Meghan. Umiiyak at humahagulgol ako sa sobrang sakit. Ang sakit sakit na para bang hindi na ako makahinga. Para akong mababaliw sa sobrang sakit, na parang gusto ko nalang mawala.
He wrecked me that day in every possible way.
“Attorney, please come here, I want to sign the divorce papers.” Namamaos ko pang sambit sa phone nang tawagan ko ang Attorney ng pamilya. Pumunta ako sa chapel ng hospital at doon naghintay, nakatitig lang ako sa altar. Asking him why? Gustuhin ko man muling umiyak para gumaan ang pakiramdam ay hindi ko magawa. Natuyo na yata ang luha ko, o baka namanhid na ako.
“I’m sorry.” Narinig kong baritonong sambit ng lalaki sa gilid ko. Walang emosyon ko itong nilingon at nang makilala ito ay nirolyo ko ang mga mata rito saka muling binaling ang tingin sa altar habang nakakunot ang noo. Naramdaman ko ang pagupo nito di kalayuan sa akin.
“Hindi ko mapapatawad ang ginawa ng kapatid mo sa akin.” Galit kong sambit nang hindi ito nililingon.
“I know, at hindi ko kokonsintihin si Meghan, paglabas niya ipapadala ko siya kaagad sa U.S. I know you’re hurt, and I’m sorry for what she did.” Aniya, matatalim ang mga tingin na iginawad ko rito.
“Sorry? She ruined a marriage. Hindi na niya maaayos ang sinira niya.” Halos magaralgal ko pang sambit dahil sa galit na muling nabuhay, I felt suffocated, I can’t barely breath. Tumayo na ako saka lumabas ng chapel at hindi na nilingon pa ang lalaki.
Paglabas ay nakasalubong ko si Atty. Inayos ko ang sarili at bumuntong hininga. Pinipilit kong palakasin ang loob ko, pero nang ilabas ni Atty. Ang divorce paper ay bumalik ang lahat sa akin, muli akong nanghina at panibagong luha ang namuo sa mga mata ko.
“Are you sure about this, Danica? I don’t think this is the right time for this. Ngayon ka mas kailangan ni Ridge.” Sambit ni Atty. Habang ako ay nakatitig lang sa kapirasong papel na iyon. “Mrs. Leonore doesn’t know about this, mahigpit na binilin sa akin ni Ridge na huwag itong ipapakita kahit na kanino maski sa mama niya.” Napaangat ako ng tingin dito, akala ko tungkol dito ang pinaguusapan nila nang isang beses ko silang maabutan sa mansion na naguusap ni Mama.
“W-what do you mean?” Mahina kong tanong.
“Ridge wants to give you everything. Nilipat niya sa pangalan mo almost half of his shares sa Hermosa at ang mansion na pinagawa niya para sa inyong dalawa. He even gave you the farm and resort in Batangas.” Aniya, napaawang ang labi ko sa sinabi nito, bakit naman niya gagawin iyon? Sinong matinong tao ang makikipagdeborsyo sa asawa niya pagkatapos ay ibibigay ang halos lahat ng ari-arian niya rito?
“What about this divorce paper?” tanong kong muli.
“He filed it a year ago, kung ano man ang dahilan niya at ginawa niya ito. Siya lang ang nakakaalam.” Tugon nito. Ngumisi ako saka nirolyo ang mga mata, syempre may relasyon na sila ni Meghan kaya gusto niya na akong i-divorce. Hindi siguro siya pinapatahimik ng konsensya niya kaya ibinibigay niya sa akin ang mga ari-arian niya. Kabayaran sa pananakit niya sa akin? Magaling!
Sa huli ay pinirmahan ko parin ang divorce papers at hindi ko tinanggap ang mga property at shares na nakapangalan sa akin. I want my dignity back, at ayokong sa huli ay minamaliit parin ako ni Mrs. Leonore. I didn’t imagine that our marriage will end so soon. Kumapit ako sa mga pangako niya na ako lang. Kumapit ako sa pagmamahal niyang akala ko ay walang hanggan. Pero nagkamali ako.
Pagbalik ko sa kwarto ni Ridge ay naabutan ko doon si Mrs. Leonore at si Meghan. Pareho silang mga nakaupo sa couch habang si Mrs. Leonore ay sumisimsim ng tsaa. Umawang ang labi ko at muling nagkuyom ang kamao ko sa galit na muling gumapang sa buo kong katawan. Malakas ang pagkakabukas ko ng pinto kaya halos sabay silang napalingon sa akin. Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Meghan nang makita ako.
“What are you doing here?! Ang kapal din talaga ng mukha mo ano?” Singhal ko rito. Tumayo si Mrs. Leonore saka matatalim na mga tingin ang iginawad sa akin.
“Stop it, Danica! Huwag ka ngang gumawa ng eksena dito sa kwarto ng anak ko!” Natulala nalang ako at naestatwa sa kinatatayuan ko. Ano pa nga bang inaasahan ko? Na kakampihan ako ng byenan ko? Na sa pagkakataong ito ay papanig siya sa akin at hindi sa babaeng iyon? Alam kong imposbile, pero umaasa ako na sa pagkakataong ito ay sa tama siya papanig.
Pero nabigo ako.
My tears begun to fall, I don’t know how do I describe the pain. Ayokong ipakita sa kanila ang sakit na nararamdaman ko, ayokong lalo nila akong tapak-tapakan kapag nakita nilang mahina ako. Pinigilan kong maiyak.
“You’re the one who should leave! Meghan will stay here. Hindi kana kailangan ng anak ko, she told me everything. Surprisingly, he already filed a divorce! Ridge finally comes to his senses! At sa wakas hindi na ako mahihirapang paalisin ka. Dahil anak ko na mismo ang gumawa non para sa akin.” Sambit nitong muli, nanginginig ang labi ko dahil sa pagpipigil ko sa hikbi na gustong kumawala. Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko na halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad. Nilipat ko ang tingin kay Meghan na noon ay pasimpleng nangisi sa akin. Lalong kumulo ang dugo ko at kumirot ang puso ko. Ano namang laban ko?
Ano pang ipaglalaban ko?
Ridge doesn’t want me anymore.
Nilingon ko ito sa kama niya, ilang Segundo ko siyang tinitigan bago hinawi ang luhang nakatakas sa aking mga mata at muling binaling ang tingin kay Mrs. Leonore. Sumusuko na ako, masakit para sa akin na pakawalan ang pangarap ko. Pero ito ang dapat na gawin kapag gumuho na ang pader ng pangarap na matagal kong binuo. Wala ng pag-asa.
“I signed it.” Tipid kong tugon. Pareho silang naguluhan sa sinabi ko. Hindi siguro nila inaasahan na iyon lang ang maririnig nila mula sa akin. Ngumiti si Mrs. Leonore na noon ay bakas ang saya sa mukha nilingon pa nito sandali si Meghan saka muling tumingin sa akin.
“That’s good! Madali ka naman palang kausap Danica e. Kung sana noon mo pa iyan ginawa, edi sana hindi na tayo humantong pa sa ganito.” Makabuluhang sambit nito. Nangunot ang noo ko.
“What do you mean?”
“You don’t have to know! Siguraduhin mong wala kang ibang dadalhing gamit dahil lahat naman iyan ay galing kay Ridge.” Sarkastiko nitong sambit. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa ugali ng ginang sa harapan ko. Akala ko, maagbabago man lang kahit kaunti ang trato nito sa akin, hindi ko man lang siya nakitaan kahit kaunting awa. She makes sure to humiliate me until the end. Ramdam ko ang muling paninikip ng dibdib ko, muli kong tiningnan si Ridge pagkatalikod ko sa dalawa at automatikong sunod-sunod na lumandas ang mga luha ko sa pisngi. Bago pa man ako makalikha ng hikbi ay mabilis na akong lumabas ng kwarto nito at naglakad papunta sa lobby ng hospital.
Doon ay hindi ko na nakayanan at napaupo na ako habang umiiyak. Hindi iniinda ang mga taong nakakakita sa akin, hanggang sa may lumapit sa aking isang lalaki. Inabot nito ang isang panyo, saka siya lumuhod para pantayan ako.
“Don’t cry here. They might see you.” Yung kapatid ng ahas. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko siya, ayoko ring maabutan ako nila Mrs. Leonore dito na umiiyak, ayokong makita nilang miserable ako na alam ko namang gusto nilang mangyari sa akin.
Inalalayan ako nito saka dinala sa kotse niya at doon ako umiyak ng umiyak. Lumabas siya ng kotse at tumayo sa harap nito habang nakakrus ang mga braso sa dibdib na para bang nagbabantay. Hinayaan niya lang akong umiyak sa loob ng sasakyan niya, matyaga siyang naghintay sa akin hanggang sa mahimasmasan ako at kusang lumabas sa sasakyan. Seryoso niya akong tiningnan, saka bumuntong hininga.
“Are you okay now?” Baritonong sambit nito nang makalapit sa akin. Hindi ako sumagot, pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng boses dahil sa kakaiyak kaya tumango nalang ako. Lumapit pa ito ng bahagya at muling binuksan ang pinto ng passenger seat.
“Get in the car, ihahatid na kita.” Aniya, tumikhim ako saka ito sinagot.
“Thank you, pero hindi na kailangan.” Halos namamaos kong tugon.
“Please, let me. At ayokong hayaan kang bumalik pa doon sa loob, hindi ko maintindihan kung bakit ka pumapayag na tratuhin ng ganun.” Iritado nitong sambit, bahagyang napaawang ang labi ko, anong sinasabi niya? Naroon ba siya kanina? Niya siguro kung paano ako hamakin ni Mrs. Leonore.
“Wala kang pakealam, at pwede ba. Hindi ko kailangan ng awa mo.” Naiirita kong sambit dito saka ito tinalikuran at naglakad palabas ng parking area para maghanap ng taxi. Hindi ko na siya muling nilingon pa.
Nagpahatid ako sa mansion para kunin ang mga importante kong gamit bago ako umalis. Tinawagan ko si Kaila para sunduin ako, agad naman itong nagtungo sa mansion at naghintay sa labas. Wala akong kinuhang ibang gamit bukod sa mga importante kong papeles at gamit na ako mismo ang bumili. Muli kong pinasadahan ang kabuuan ng kwarto, pagpasok ko sa walk-in closet ay nasa lapag parin ang wedding portrait namin ni Ridge. Galit at hinanakit ang naramdaman ko nang muli ko iyong nakita. Saka ko inangat ang kaliwang kamay at tinitigan ang wedding ring naming dalawa. Hinubad ko iyon at pinasok sa lagayan ng mga alahas. Wala na akong luhang mapakawalan kahit na gustuhin ko pa. Manhid na manhid na ako.
Sa sakit at galit.