Chapter 17

2189 Words
Chapter 17 Author’s Narrate. Hindi makapaniwala si Luke sa sinapit na aksidente ng kapatid niyang si Meghan. At mas lalong gumulantang sa kanya ang nalaman nitong sekreto. Ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Ridge Buenacera. Nagtatrabaho bilang sekretarya si Meghan sa kumpanya ni Ridge. Hindi akalain ni Luke na magagawa ito ng kapatid niya dahil kilala niya ito bilang isang mabait at masunuring kapatid. Naaawa man siya sa asawa ni Ridge ay wala siyang magawa, parehong nasa coma ang dalawa at ang tangi lang nilang magagawa sa ngayon ay ipagdasal na sana ay magising na silang pareho. Sinundan niya ang asawa ni Ridge nang lumabas ito ng kwarto ni Meghan. Naiintindihan niya ang galit nito. Kaya hindi niya rin ito masisi. Niloko siya ng asawa niya, wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam na lokohin ka ng taong mahal mo. Nang makita nito na halos matumba na ito at napahawak sa pader ay gusto niya itong tulungan. Pero hindi niya magawang makalapit dito. Kaya pinagmasdan niya nalang ito hanggang sa ito ay makaalis. Kinabukasan ay muling bumalik si Mrs. Leonore para tingnan ang anak at palitan si Danica sa pagbabantay. Nilapag nito ang hawak na basket ng prutas sa lamesa saka lumapit sa anak. “Hindi parin ba siya nagigising?” Tanong ng byenan nito sa kanya. “Hindi parin po ma.” Tugon nito saka yumuko. Humarap ang byenan nito sa kanya saka ito tinapunan ng sarkastikong tingin. “May kasama daw si Ridge sa kotse nang mangyari ang aksidente. Alam mo ba kung sino?” Tanong nito, napalunok si Danica. Alam niyang sa oras na malaman ni Mrs. Leonore na may ibang babae si Ridge ay siguradong ipagpipilitan nanaman nito na hiwalayan niya ang asawa. Wala siyang ibang masandalan sa ngayon dahil hindi parin nagigising si Ridge. At kung sakaling may gawin ang byenan niya ay siguradong wala siyang laban. “I-It’s his secretary. Papunta sila sa business meeting kaya magkasama sila.” Tugon nito na halos magaralgal pa ang boses, hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa nerbyos. Lihim niyang pinipisil ang palad para matuon doon ang atensyon niya. Ngumisi si Mrs. Leonore, saka bahagyang lumapit kay Danica. “His secretary?” Aniya, saka tinaas ang isa nitong kilay. “Sigurado kang sekretarya nya lang talaga ang babaeng iyon?” Dugtong nito. Muling nanuyuan ng laway si Danica at hindi kaagad nakasagot. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya dahilan ng hirap niya sa pagsasalita. “Yes, ma. Um, uuwi muna po ako. Kukuha lang ako ng mga gamit ni Ridge. Babalik din po ako kaagad.” Tugon nito saka mabilis na kinuha ang handbag niya at lumabas ng kwarto ni Ridge. Pagdating nito sa lobby ay napaupo siya sa waiting area. Nag-aalala siya dahil anumang oras ay pwedeng malaman ni Mrs. Leonore ang totoong relasyon ni Ridge sa sekretarya niyang iyon. At pwede itong gamitin ng byenan niya laban sa kanya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi nito nalaman ang totoo. Sa gitna ng pagiisip ay napatingin siya sa kape na biglang sumulpot sa harap niya, inangat niya ang tingin sa may hawak no’n at nakita ang pamilyar na lalaki. Nirolyo nito ang mga mata saka binaling ang tingin sa ibang direksyon. Umupo ang lalaki sa tabi nito. Hawak ang dalawang kape. “I’m sorry. Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit. Maling-mali ang ginawa ng kapatid ko. Kaya ako na ang humihingi ng tawad sa iyo.” Sambit nito. Napatingin si Danica rito saka bahagyang umawang ang labi. “She’s your sister?” Tanong nito. Ngumiti ng bahagya ang lalaki saka tumango rito. She sighs in disbelief. “Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ng kapatid ko. Pero sana maging patas ka sa nararamdaman mo. Hindi lang naman ang kapatid ko ang may kasalanan dito kundi pati ang asawa mo. Ginusto nilang pareho ang mga nangyari, kaya sana huwag mong ibaling lang sa kapatid ko ang galit mo.” Aniya, tumayo si Danica saka tinitigan ng masama ang lalaki. “It’s so easy for you to say those things, dahil hindi pa nangyayari sa’yo ang sakit na nararamdaman ko, I felt betrayed by someone who promise me to love me more than his life. Saka mo na sabihin sa akin iyan kapag naranasan mo ng lokohin at pagtaksilan.” Mariing sambit nito saka umalis at naiwang magisa si Luke. Sinundan niya lang ito ng tingin saka napabuntong hininga. Paglabas ni Danica ng hospital ay saktong dumating si Kaila, agad siyang lumapit dito nang makita niya ito na umiiyak. “Danica…” Mahina nitong sambit. “Kaila, s-si Ridge…” Sambit ni Danica habang umiiyak. Naaawa man ay wala siyang magawa para sa kaibigan niyakap niya nalang ito at hinayaang umiyak ng umiyak. “You should rest. Ako nalang ang pupunta sa hospital para magbantay kay Sir Ridge.” Sambit ni Kaila nang makarating sila sa mansion. Walang buhay na hinarap ni Danica ang kaibigan saka matipid na ngumiti. “Thank you, Kaila. Pero kaya ko na, alam kong busy ka sa company lalo na ngayon na wala si Ridge.” Tugon nito. “Okay sige, pero hayaan mo akong ipagdrive ka pabalik ng hospital.” Tumango lang si Danica sa kaibigan saka ito tinalikuran at tinungo ang kwarto nila. Ilang minuto siyang nakaupo sa kama nila ni Ridge habang nakatulala sa kung saan. Nilingon niya ang kama nila at unti-unting namuo ang galit sa kanya. Tumayo siya at marahas na pinagtatapon ang quilt, mga unan, at bedsheet ng kama. Galit na galit siya at wala siyang ibang magawa kundi ang magwala kahit pa alam naman niyang wala rin iyong silbi. Hindi nito mababago ang katotohanang pinagtaksilan siya ni Ridge. Nagawa siya nitong lokohin na akala niya ay imposible. Napaupo siya sa sahig at sinubsob ang mukha sa kama saka muling umiyak. Nang mahimasmasan ay nagtungo na siya sa walk-in closet para kumuha ng ilang gamit para kay Ridge. Pagpasok ay napatitig siya sa malaking wedding portrait nila ng asawa. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. She felt betrayed. Nagkuyom ang mga kamao niya at mabilis na lumapit doon at hinagis iyon sa kung saan.           Danica. I felt betrayed. I am hurt. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kapag nagising na si Ridge. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong pagtaksilan ni Ridge at sa babaeng iyon pa? Kay Meghan pa? Sa sekretarya niya pa? Hindi ko matanggap. At kahit kailab hindi ko sila mapapatawad. Lumipas pa ng ilang araw pero hindi parin nagigising si Ridge. Mas minbuti rin namin siyang ilipat sa Manila. Nilipat din doon ang babaeng iyon sa kagustuhan ni Mrs. Leonore. She’s Ridge secretary normal lang na sagutin ng kumpanya ng hospitalization niya. Hindi na ako tumutol pa dahil ayokong magkaroon ng ideya si Mrs. Leonore sa totoong relasyon nito kay Ridge. Lagi akong nasa hospital at nagbabantay kay Ridge dahil si Mrs. Leonore na muna ang namahala sa kumpanya. Pinipilit ko nalang na lakasan ang loob mo at kontrolin ang galit ko sa kabila ng nangyari. May pagkakataong hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin ko at bigla nalang akong maiiyak. Lumalabas nalang ako ng kwarto ni Ridge kapag ganun. “How are you?” Tanong ni Marco ng isang beses na bumisita ito sa hospital. Tipid akong ngumiti. This is the first time someone asked me if I’m okay. Nakaramdam ako ng awa sa sarili. “I’m okay. Thank you Marco.” Sambit ko dito. “I’m sorry. Kung hindi kita pinaubaya kay Ridge, hindi ka sana nasasaktan ngayon.” Aniya, saka saglit na nilingon ang pinsan na nakahiga sa bed at walang malay. “No, it’s my choice. Ginusto kong magpakasal kay Ridge. It’s just that… he gave up on me. He gave up on our marriage. That’s why he cheated.” Tugon ko, inangat ko ang tingin dito. “I a favor to ask. Please Marco, huwag mong sasabihin kay Mrs. Leonore ang tungkol kay Meghan at Ridge. Sigurado akong paghihiwalayin niya kami kapag nalaman niyang… may ibang babae si Ridge.” Sambit ko, umawang ng bahagya ang labi ni Marco. “Danica, isn’t the right time to divorce him? Niloko ka niya tama lang sa kanya na iwan mo siya. He doesn’t deserve you.” Mariing sambit nito. Umiling ako, desperada. Natatakot na kapag nalaman ni Mrs. Leonore ang lahat ay mauwi lang sa wala ng lahat ng pinaghirapan ko. “Please, Marco. I can’t let him go just like that. Marami akong sinakripisyo para lang makarating kung nasaan man ako ngayon at dahil iyon kay Ridge.” Aniko. Ilang segundo ako nitong tinitigan bago humugot ng isang malalim na hininga at tumango. “Okay, if that’s what you want. But please, Danica. Take care of yourself, lagi mong tatandaang nandito ako para sayo. Kakampi mo ako.” Sambit nito. Maluha luha akong ngumiti rito saka tumango. Nagpapasalamat ako sa suporta ni Marco kahit na alam kong nagawa ko siyang saktan noon. Nandito parin siya bilang kaibigan ko. Hapon na nang umalis si Marco, may flight pa kasi siya papuntang Indonesia para sa conference ng bago nilang product. Sinabihan niya naman ako na tawagan siya anytime kapag may kailangan ako. Nagpapasalamat ako sa presensya at suporta nilang dalawa ni Kaila para sa akin. Kahit paano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may mga tao paring nagmamalasakit sa akin. Kinagabihan ay dumating si Mrs. Leonore, nakangisi itong nakatingin sa akin. Sa di malamang dahilan. Bigla akong kinabahan at dumako ang tingin sa hawak nitong brown envelop. “M-Ma, kumain na po ba kayo?” Sambit ko pero hindi ito sumagot. Bagkusa ay inabot nito sa akin ang hawak na brown envelop. Bumaba ang tingin ko doon, kinakabahan sa kung ano nanamang rebelasyon ang malalaman ko. “I think you should see this.” Nakangisi nitong sambit. Napalunok ako, nanginginig ang mga kamay at tuhod ko. Lumapit ako para kunin iyon. “Ma, ano po ito?” Mahina kong sambit. Lumapit ito kay Ridge saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “It turns out that my son is having an affair to his secretary.” Narinig kong sambit nito habang tinitingnan ang mga litrato ni Ridge at Meghan na magkasama. May ilan pang litrato na nasa ibang bansa sila, kapwa sila mga nakangiti at close na close sa isa’t isa. Parang nablangko ang isip ko nang makita ang huling larawan, they’re kissing in that picture. Tuluyan akong nanghina at nabitawan ang mga hawak na litrato. “It’s a proof na hindi kana mahal ng anak ko. Sa wakas, natauhan din siya.” Dugtong nito, mariin akong napailing at bahagyang lumapit dito. “No, it’s not true, mahal ako ni Ridge. Nagawa niya lang iyon dahil nilandi siya ng babaeng iyon. Ma, please. Tulungan mo akong mapaalis ang babaeng iyon!” Desperado kong sambit, ngumisi lang ito at sarkastiko akong tiningnan. “You really have the nerve to say that? Pinapalabas mo bang madaling nauto ng babaeng iyon ang anak ko? hindi mo pa ba nakikita? Hindi kana mahal ng anak ko! dahil kung talagang mahal ka niya, hindi siya titingin sa iba. Tapos kana Danica, ngayon may rason na ako para lalo kang ihiwalay sa anak ko.” Aniya, naestatwa ako sa narinig, nanigas ang buong katawan ko at hindi makapaniwala. My tears started to form, ang puso ko na durog na durog na ay mas lalo pang napino dahil sa mga sinabi niya. “M-Ma…” Umiiyak kong sambit. “Prepare yourself, iha. Dahil bilang nalang sa daliri ko ang mga araw mo bilang isang Buenacera.” Sambit nito, saka siya umalis. Napaupo ako sa sahig habang nakatitig kay Ridge. Hindi ito pwedeng mangyari, pinagpalit ko ang pamilya ko para lang makarating dito. Marami pa akong gustong gawin. Hindi ako papayag na matatapos nalang ito sa paghihiwalay namin. Kinabukasan ay umuwi ako sa mansion, naabutan ko doon si Mrs. Leonore na may kausap sa living room. Bahagyang nangunot ang noo ko at kinilala ang kausap nitong lalaki. Agad na umawang ang labi ko nang makilala ko ito. Si Mr. Lorenzo, ang lawyer ng pamilya. Takot ang agad na nangibabaw sa akin, saka ko binaling ang tingin sa aking byenan na noon ay kaswal ang paginom ng tsaa na para bang hindi ako nito nakikita. “M-ma…” Mahina kong sambit, binaba nito ang hawak na tasa saka ngumiti sa kaharap na attorney na noon ay hindi alam kung babatiin ba ako o hindi. “Don’t mind her attorney, alam narin naman niya ang tungkol sa devorce papers.” Sambit nito. Namilog ang mga mata ko at humigpit ang pagkakahawak sa bag ko. “Ma, hindi ako papayag. Hindi ko ide-divorce si Ridge kahit na anong gawin niyo!” Singhal ko, sunod-sunod ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa galit, at awa sa sarili. Ano bang ginawa kong masama para tratuhin niya ako ng ganito? Agad akong tumalikod at umakyat sa hagdan para magtungo sa kwarto namin ni Ridge. I have no one to depend on, kailangang magising ni Ridge bago pa man makapag-file ng divorce si Mrs. Leonore.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD