Chapter 16
“One cappuccino with extra syrup.” Sambit ko sa cashier, magkikita kami ngayon ni Kaila dito sa coffee shop na malapit lang din sa Hermosa. Balak kong bisitahin si Ridge mamayang lunch sa office niya. Tumalikod ako sa counter matapos kong makapagbayad. Kinuha ko ang phone ko para magtipa ng message kay Kaila dahil wala pa siya. Sa gilid ng mata ko ay napansin kong may nilapag na kape ang waiter at agad ko iyon kinuha nang hindi iyon tinitingnan dahil abala ako sa phone ko. Naglakad na ako papunta sa upuan nang may humawak sa balikat ko.
“Miss…” Baritonong sambit ng matangkad na lalaki nang humarap ako. Nakasuot ito ng semi formal na coat at shirt na pinaresan ng maong na pantalon. Nangunot ng bahagya ang noo ko sa estranghero.
“Um, I’m sorry, I think that’s my coffee.” Aniya, binaba ko ang tingin sa hawak na kape at tiningnan ang likod nkasulat doon ang pangalang Luke.
Umawang ang labi ko nang mapagtantong mali ang nakuha kong coffee. Napatingin ako sa hawak niya na bahagya niya pang itinaas para makita ko ang pangalan ko na nakasulat doon. Wirdo akong ngumiti rito.
“I’m sorry.” Sambit ko saka agad na inabot ang hawak na kape. Saglit pa siyang napatitig doon, Sa kape o sa suot ko na singsing. Di rin naman iyon nagtagal at tahimik niyang kinuha at inabot naman sa akin ang kape ko sabay alis. Nakasalubong pa niya si Kaila sa pinto na sinundan pa ng bruha ng tingin.
“Danica! Oh my God! Sa wakas!” Matinis na sambit nito nang makita ako kaya agad na napunta sa kanya ang atensyon ko.
“Bakit ngayon ka lang?”
“May tinapos pa ako sa office, akala ko tuluyan mo na akong kinalimutan e. Simula nang kinasal ka bihira ka nang magpakita sa akin.” Sambit nito. Tumawa ako saka uminom ng kape bago nagsalita.
“Alam mo namang hindi pa kame okay ni mama di’ba? Saka busy din ako sa gallery.” Tugon ko rito. Nagkwentuhan pa kami ni Kaila at tuluyan nang nawala sa isip ko ang lalaki kanina. Dumaan kami sa mall pagkatapos para bumili ng lunch para kay Ridge nang mapadaan kami sa store ng mga luggage at travel bags. We are about to go when I saw a familiar woman inside the store.
“Si Meghan ba iyon?” Sambit ko, nilingon din ni Kaila ang dereksyon kung saan ako nakatingin.
“Oo nga ano, day off niya ngayon e. Aba, mukhang may balak yatang magtravel.” Sambit ni Kaila. Palabas na ng store si Meghan dala ang dalawang itim na luggage bag. Hinila ako ni Kaila para lapitan si Meghan. Gulat na napahinto si Meghan sa paglalakad nang makita kami. Umawang pa ang labi at halos hindi siya makapagsalita habang naiilang na tumingin sa akin.
“Ms. D-Danica.” Pilit ang ngiti na sambit nito. Matagal ko narin siyang hindi nakikita, hindi naman kasi ako madalas na pumupunta sa opisina ni Ridge dahil busy ako sa gallery.
“Okay ka lang? napadaan lang kame nang makita ka namin. Bakit parang gulat na gulat ka?” Sambit ni Kaila. Agad na umiling si Meghan saka iginilid ang mga luggage na para bang kaya niyang itago sa likuran niya ang mga ito. Para namang may masama sa pagbili ng luggage?
“Um, hindi ko lang inaasahan na makita kayo dito.” Tugon nito. Sinilip ni Kaila ang mga luggage na binili nito saka ngumiti.
“Mukhang may balak kang magtravel ah? Couple luggage pa yung binili mo, magtatravel ba kayo ng boyfriend mo?” Nakangiting sambit ni Kaila na may halo pang kilig. Naiilang na tumango si Meghan.
“Tama na iyan Kaila. Naiilang na sayo si Meghan. Sige Meghan mauuna na kami.” Sambit ko bahagya pa siyang yumuko saka ngumiti.
“Sige po, Ms. Danica. Kaila.” Aniya, saka umalis.
~
Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin sa salamin ang sarili saka lumapit sa estante ng mga alahas ko at kinuha ang emerald bracelet na binigay ni Ridge sa akin at sinuot iyon.
“Hon, may business meeting nga pala ako sa weekend. Sa Tagaytay.” Aniya, habang namimili ng polo na nakahanger sa dresser. Humarap ako rito saka ngumiti.
“Okay, gusto mo bang samahan kita? Wala naman akong pasok non’sa gallery.” Tugon ko rito. Humarap siya sa salamin habang nagsusuot ng polo.
“No need, sa weekend lang naman ako mawawala. Isa pa, baka mabored ka lang doon.” Aniya, ngumiti ako rito saka kumuha ng necktie na babagay sa polo niya at lumapit dito.
“Sige, pero iupdate mo ako.”
“Of course.” Nakangiti niyang sambit saka ako nito hinawakan sa magkabilang baywang habang abala ako sa pagkakabit ng necktie niya. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa matapos. Ngumiti ako nang matapos.
“It's done.” Nakangiti kong sambit. Hinalikan ako nito sa labi saka muli akong tinitigan.
“I love you, honey.”
“Sige na, baka malate ka sa opisina.” Tugon ko rito saka lang kumawala sa akin at muling humarap sa salamin saka sinuot ang coat. Tumalikod ako para ibalik sa drawer ang mga necktie na pinagpilian ko nang mapansin ko ang isang bagong itim na luggage.
“You have a new luggage, hon?” Tanong ko. Nilingon ako nito saka kinuha ang bag niya.
“Yeah, masyado kasing malaki yung luggage na nandito kaya bumili ako ng bago.” Aniya, lumapit siya sa akin sa muli akong siniil ng halik sa labi at sa noo bago nagpaalam na aalis na.
Nakaalis na si Ridge ay hindi parin mawala sa isip ko ang bago niyang luggage. Hindi ko alam kung saan ko nga ba iyon nakita, muli akong bumalik sa walk-in closet saka tiningnan ang luggage. Saka ko naalala si Meghan. Nakita namin siya ni Kaila na bumili ng kaparehong luggage. Nagkataon lang siguro na magkapareha sila, isa pa mahilig sa itim na luggage si Ridge. Magandang brand iyon kaya marami talaga ang bumibili sa store na iyon.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa ng araw na iyon dahil abala ako sa gallery.
Dumating ang weekend, maagang umalis si Ridge dahil kailangan niya pang dumaan ng opisina bago bumyahe ng tagaytay. Umalis din ako ng umagang iyon dahil nakaschedule ang depo shots ko sa ob-gyn ko.
Pagpasok ko sa clinic ay nakangiti akong sinalubong ng nurse. Kilala na nila ako dahil tatlong taon na akong nagbi-birth control.
“Ms. Danica, kumusta po kayo? Hindi niyo na po ba nakakaligtaan ang mga pills niyo?” Nakangiting tanong nito. Ngumiti ako saka ito sinagot.
“Um, I’m here for Dr. Mariano. Diba ngayon yung monthly shots ko?” Tugon ko. Nangunot ang noo ng nurse.
“Akala ko po lumipat na kayo sa pills?” Aniya, ako naman ang nangunot ang noo at naguluhan sa sinabi ng nurse sa akin.
“What do you mean? Never akong nagpalipat sa pills dahil nakakalimutan ko lang uminom niyan.”
“Um… pero, galing dito last month si Sir Ridge. Ang dami niya pa nga pong biniling birth contr—.” Hindi na nito natapos ang sinasabi nang makita niya kung paano namilog ang mga mata ko.
“W-what did you say?” Halos wala ko nang boses na sambit dito.
“Ms. Danica…” Kinakabahan nitong sambit. Inangat ko ang tingin sa pinto ng clinic ni Dr. Mariano at mabilis na tinungo iyon. Tinangka akong pigilan ng nurse pero hindi niya rin ako nagawang pigilan. Ang nasa isip ko lang sa ngayon ay ang malaman ko ang totoo. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na nilingon ako ng mga tao sa loob. Si Dr. Mariano at isang pasyente niya. Ilang segundo akong tinitigan ni Dr. Mariano, pakiramdam ko ay alam na niya ang pakay ko, may sinabi lang siya sa pasyente niya at saka ito nagpaalam na.
“I want to know the truth.” Mariin kong sambit nang maiwan na kaming dalawa sa loob ng clinic nito.
“Have a seat, Danica.” Aniya, lumapit ako saka umupo sa patients chair. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago muling magsalita.
“I’m not the one who should tell you this. Magusap kayong mag-asawa.” Aniya, nagtiim ang panga ko saka siya binalingan ng masama.
“Tell me the truth Dr. Mariano. Totoo bang bumili ng pills ang asawa ko dito?” Tanong ko. Napalunok siya bago muling nagsalita.
“Yes.”
As if on cue, my eyes become blurry, tears rolled down to my face. Ibang kaba ang naramdaman ko at parang may kung ano sa puso ko na tumutusok. Lumabas ako ng clinic na tulala, namumula ang mga mata dahil sa mga luhang kanina pa walang tigil sa pagpatak. Nagtinginan sa akin ang mga nurse na nasa front desk, awa ang gumuguhit sa mga mukha nila pero wala akong lakas para pansinin pa iyon.
Napaupo ako sa bench at tuluyan nang napahagulgol sa iyak. Hindi ako makapaniwala. Si Ridge, may babae siya. Niloko niya ako! Ang taong laging nagsasabi sa akin na mahal na mahal ako. Na hinding hindi ako lolokohin ay siyang dumudurog sa puso ko ngayon. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nalaman ko.
Ilang oras akong tulala at nakaupo lang doon. Hindi ko alam ang gagawin ko, tatawagan ko ba siya? Kokomprontahin ko ba siya? Pagkatapos ano? Maghihiwalay na ba kami? Sa ganito nalang ba matatapos ang lahat?
Narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko. Rumehistro ang pangalan ni Ridge sa screen. Tinitigan ko pa ito bago sagutin.
“Hello? Ito po ba si Mrs. Danica Buenacera?” Sambit ng hindi pamilyar na boses ng lalaki sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko at binalot ako ng pagtataka.
“Yes, sino ka? Bakit na sayo ang phone ng asawa ko?”
“Naaksidente po ang asawa niyo. Pumunta nalang po kayo sa Tagaytay Medical Hospital.” Sambit sa kabilang linya. Napatakip ako ng palad sa bibig at nanginginig ang buo kong katawan. Naaksidente si Ridge?! Kahit hinang hina pa ay pinilit kong tumakbo palabas ng clinic at agad na nagmaneho papuntang Tagaytay. Tinawagan ko narin ang byenan ko para pumunta rin sa hospital.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa operating room, kahit nanlalambot ay pinilit kong makarating ng maayos. Palakad-lakad ako habang nasa labas ng operating room. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paulit-ulit kong dinarasal na sana ay ligtas si Ridge. Hanggang sa dumating ang tauhan ni Ridge dala ang dalawang luggage.
“Mrs. Buenacera, ito po ang luggage ni Vice President.” Aniya, bumaba ang tingin ko dito nang iabot niya ito sa akin at ang isang suit case na kaparehong kapareho ng sa asawa ko ay inabot niya naman sa lalaking nakatayo rin sa labas ng operating room. Hindi ko alam kung gaano katagal ang lalaking iyon doon dahil hindi ko naman siya napansin kanina. Naalala kong bukod kay Ridge, isa pang babae ang pinasok sa loob ng operating room. Hindi ko na namukhaan ang babae dahil nakatuon ang atensyon ko sa duguan kong asawa. Bigla kong napagtanto ang lahat, napatingin ako sa pinto ng operating room saka muling binaling ang tingin sa mga luggage. Umalis na noon ang tauhan ni Ridge at kami nalang nung lalaki ang naiwan doon at ang dalawang luggage. Lumapit ako sa lalaki saka kinuha ang luggage na hawak nito at binuksan iyon. Umaasa ako na sana ay mali ang hinala ko, sinubukan akong pigilan ng lalaki pero hindi ko ito pinansin.
Natigilan ako nang makita ko ang isang picture, kinuha ko iyon at napatakip ng bibig nang makilala ang nasa litrato. Ang asawa ko, at ang babaeng pinasok kanina sa operating room. Si Meghan. Magkayakap sila sa litrato habang kapwa nakangiti. Binaba ko ang hawak saka natulala. Alam kong ganun din ang lalaking nakatayo sa gilid ko dahil hindi ko na narinig ang pagpigil nito sa akin.
“My husband, and your wife… they’re having an affair.”
Nanghihina kong sambit dito. Nakita kong napaupo sa bench ang lalaki at hindi na nakapagsalita. Isang matibay na ebidensya ang litrato na nakita ko sa maleta ng babaeng iyon. Pero paano? Bakit? Akala ko ba mahal niya ako? Paano niya ako nagawang lokohin? Sa oras na iyon ay dumating ang byenan ko ang nagsisigaw, tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa sahig.
“What happened to my son?!” Singhal nito. Humarap ito sa akin saka niyugyog ang balikat ko.
“Tell me! What happened to him?!” Kalmado kong inangat ang tingin dito saka nagsalita.
“Hindi pa lumalabas ang doctor, he’s still in the operating room.” Sambit ko dito. Maya maya lang ay lumabas na ang doctor, sabay sabay kaming napatingin dito, lumapit sa amin ang doctor saka hinubad ang suot na mask.
“Mr. Buenacera is stable now, but he is in coma.” Sambit ng doctor. Nanghina ang byenan ko at muntik nang matumba mabuti nalang at naalalayan ko siya.
“Doc, kailan siya magigising?” Tanong ko dito.
“Hindi ko masasagot iyan sa ngayon, Mrs. Buenacera. All we have to do now is to wait him to wake up.” Aniya.
“Doc, how’s Meghan?” Narinig kong tanong nung lalaki, sinamaan ko lang ito ng tingin. A sudden desire builds up on me, na sana ay hindi nakaligtas ang babaeng iyon. My God answer my plea. Sana ay hindi na magising pa ang babaeng iyon.
“She’s also in a coma. But she’s stable now. Pwede niyo nang ilipat sa mga private rooms ang mga pasyente habang hinihintay silang magising.” Huling sambit ng doctor bago ito umalis.
Nilipat na namin si Ridge sa VIP room habang inaayos ang transfer niya sa Manila Hospital. Pinagpahinga ko muna sa malapit na hotel si mama at ako ang naiwan sa hospital para magbantay kay Ridge. Nakatulala ako habang nakaupo sa gilid ng kama nito, pinagmamasdan ang asawa ko na noon ay wala paring malay at may nakakabit na oxygen mask.
“You betray me. You always said that you’ll wait for me. Ang sabi mo sa akin, mahal na mahal mo ako. Pero bakit mo ako nagawang lokohin? Alam mo bang galit na galit ako sayo? At mas lalo akong nagagalit dahil nakaratay ka ngayon dito na para bang wala kang ginawang masama.” Sambit ko habang pumapatak ang luha sa mga pisngi ko. Sobrang sama ng loob ko kaya lumabas ako ng kwarto nito at pinuntahan ang kwarto ng babaeng iyon. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko ang matangkad na lalaki kanina na nakaupo sa gilid ng kama nito habang binabantayan ang babae ng asawa ko, nilingon ako nito nang marinig ang pagbukas ng pinto. Tumayo ito saka bahagyang lumapit sa akin, nakakuyom ang mga kamao ko sa galit.
“Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit sila naaksidente ni Ridge.” Mariin kong sambit habang matatalim ang mga tingin sa babaeng iyon na noon ay katulad ni Ridge, nakaratay at walang malay.
“Please, calm down. Alam kong nabigla ka rin sa nangyari, pero hindi natin sila pwedeng pagbintangan ng walang sapat na basehan.” Baritonong sambit ng lalaki nang humarang ito sa harap ko, tumingala ako rito saka matalim itong tinapunan ng tingin.
“What? Hindi pa ba sapat na basehan yung mga maleta nila? Yung picture na nakita ko sa maleta ng babaeng iyan?!At bakit sila magkasama ng asawa ko?!” Halos pasigaw kong sambit dito, kahit iyon man lang ay masabi ko at baka sakaling mabawasan ang kinikimkim kong sama ng loob.
“I know, pero pwede bang isantabi muna natin iyan? Hindi mo ba nakikita? Pareho silang walang malay ngayon, at posibleng hindi na sila magising pa. Pwede bang pagtuunan muna natin ng atensyon ang kalagayan nila sa ngayon?” Aniya, ngumisi ako at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
“Kaya nga siguro nagloko iyang asawa mo dahil konsintidor ka! Kung sa’yo okay lang ang ginawa nila. Pwes, sa akin hindi. Hinding-hindi ko palalampasin ang pagsira ng babaeng iyan sa buhay ko kahit pa nakaratay siya diyan sa kama niya!” Singhal ko dito saka lumabas na ng kwarto nito. Napahawak ako sa pader nang muling bumugso ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng lakas. Tuluyan akong napaupo sa sahig habang humahagulgol.