HERA'S POINT OF VIEW
"Sit." Blangkong tugon ni Sir Scilun, ang producer.
Naglakad siya papalapit sa amin at umupo mismo sa tabi ko.
"Alam kong kilala niyo na ang isa't isa but I think it's better kung formal niyong I-I-introduce ang——" Hindi na natapos pa ni Fiuzah ang sasabihin niya dahil pinangunahan ko na siya.
"I'm Hera Micolah, the Asia's number one Superstar, the daughter of Hyzelle and Haister Micolah and the granddaughter of the one and only chairman of Monocco, Mr. Eliseo Micolah" Ibinaling ko ang ang aking tingin kay Caizer. "And you are... Caizer Montréal, the elder brother of Raizel Montréal, the Asia's Icon. You are the heir of Montréals, the son of Sheila and Zerlon Montréal and the grandson of Transford's Chairman, Mr. Harshmon Montréal."
~Blink~
Mr. Dale:
C'mon, Hera. Wag mo munang ipakita ang other side mo. Kaharap natin ang BigGap officials.
I secretly returned my phone in my wallet after reading his text. Wala na akong pakealam kung pagsabihan pa nila akong maldita. E sa ganito ako, e. Anong magagawa nila? Edi tumunganga.
Muli ko silang tiningnan at saka inayos ang buhok.
"See? I know him and I'm sure that he knows me also."
Napayuko na lamang si Direk at pati na rin si Sir Scilun pero nanatiling nakatuon sa amin ang pansin ni Fiuzah.
"Okay. So, let me introduce to you the BigGap's newest movie." Ani Direk sabay pakita sa amin ng papel na kinuha niya mula sa envelope na hawak ni Fiuzah. "The title of the movie is Only You, a drama s***h tragedy film by BigGap Production."
Nagkasabay kami ni Caizer sa pagkuha ng papel pero siya na rin naman ang nagparaya.
"Aba buti naman.'' Nakangising aniko.
~Blink~
Mother Ailux:
Hera, pepektusan na kita. Mga kaechosan mo ayusin mo.
"It's a prank! Haha!"
Bumakas naman sa mga mukha nila ang pagkabigla sa aking inasta.
"Kayo naman kasi, e. Kanina pa kayo hindi nagsisitawanan. Ang boring tuloy ng meeting." Kumuha ako ng isang fries na nasa plato at saka iyon sinubo.
Unti-unti ko namang nasilayan ang mga ngiti sa kanilang labi matapos kong bawiin lahat ng sinabi ko kanina. Hay! Umepekto na naman ang acting skills ko.
RAIZEL
'Ang ganda niyo po'
'Pa-notice po idol!'
'Malapit niyo nang mapantayan si Hera Micolah'
Medyo napabusangot ako dahil sa huli kong nabasa. Talaga bang lagi na lang nakasingit sa usapan si Hera? 'yong pangit na 'yon? Hindi naman marunong umarte pa' no kaya sumikat?
"Miss, aalis na po." Tugon ni Aizai.
"Oh" inabot ko na sa kanya ang bag at nauna nang pumasok sa sasakyan.
Wala si kuya Cai ngayon dahil may important meeting daw siya sa Pavilion Grills. May new project kasi siya, e. Ang galing nga dahil kakapasok pa lang niya sa showbiz world tapos agad niyang nakuha ang lead role.
Ako naman, start na ng shooting ko para sa Celeste. Pero hindi ko pa nga alam kung sino 'yong makakapartner ko dahil hindi naman pinakita sa amin ang audition ng magiging Mario.
Pagkarating namin sa Morong kung saan i-sho-shoot ang first scene, agad akong sinalubong ng staffs ng KCE.
"Good morning!" bati nila sa akin
"Good morning!" Bati ko pabalik
Nagtungo ako sa sofa ta saka ipinahinga ang aking mata.
"Akin na pala 'yong script" Utos ko kay Aizai na agad namang binuksan ang bag.
Ni-review ko na ang nga lines ko pagkabigay na pagkabigay niya sa akin no'n. Maya-maya pa'y isa-isa na kaming tinawag at pinapasok na sa isang room.
"So, andito na ba ang lahat?" Tanong no'ng babae at nagsitanguan naman kaming. "Okay, so introduction muna tayo, ah. So, ang gagawin natin is sasabihin natin 'yong name natin and then 'yong role natin. Okay?" Muli kaming nagsitanguan.
"Okay, I'm Ziyi Fuente at ako ang gaganap bilang si Divya Marcel." Nilibot niya ang mata niya at huminto ito kay Relzé.
Tumayo naman siya bago nagsalita. "I'm Relzé and I'm gonna play the role of Mario King."
Ako naman ang sumunod. "I'm Raizel and I'll be playing the role of Celeste Mariano."
"Ako si Iyanna at ako ang gaganap na Susan Jones."
"I'm Olin and I will play the role of Juiroi Montequizon."
Marami pang nagpakilala ng mga pangalan nila at siyempre, kung ano ang ganap nila.
———
"Wazzup bro!" Heto na naman si panget.
"What?" Iritable kong tanong.
"Is it bad to annoy someone? HAHAHAHA!" Pamimilosopo niya.
"Can you please stop annoying me or else I will kill you!" Pagbabanta ko.
"Kill your own brother? HAHA! Nice one!"
Pabagsak kong ibinaba ang baso ko dahilan para matapon ang unting amount ng juice na nandito.
"You'll stop or I'll kick your butt."
Mas lalo pang lumakas ang tawa niya. Kailan kaya siya titino.
"I'd rather let you kick my butt than to stop."
"Ahhhh!!" Sa sobrang inis ko'y pinagbig'yan ko na ang gusto niya.
"Aray! Ano bang problema mo!?"
Nagtagalog na ang mokong.
"Answer your own question." I said then went out of the kitchen.
Wala namang patutunguhan 'yong pakikipag-usap ko sa kanya dahil ang totoo, wala talaga siyang kwentang kausap. Sana kasi babae na lang 'yong naging kapatid ko e. Baka magkasundo pa kami.
HERA
Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, siya pa 'yong nakapartner ko? Saka bakit hindi kami pinagtambal ni Relzé tutal love team naman kami?
Agad kong kinuha ang phone ko at saka tinawagan si Relzé.
"Hello, bebe."
"Ang sabi mo 'di ba may new project ka?"
"Yes. And ikaw din naman 'di ba?"
"Oo." Sandali akong nanahimik para ihanda ang sandamakmak na tanong na itatapon ko sa kanya. "Sinong ka-love team mo?"
"O-oh.. Bebe.. Bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Just answer my question."
"Oh, sorry.. Well.. Wala pa naman.."
"No'ng nagmeeting kayo kanina hindi ba kayo nag-introduce yourself? Hindi ba? O baka naman tinatago mo lang? Ano? Kilala kita. Hindi ka nauutal maliban na lang kung nagsisinungaling ka. So, now. Answer my question. Sino 'yong makakapartner mo sa series?"
Narinig ko naman siyang tumawa.
"Tsk. Haha. Sige na.. Eto na.. Wag kang magagalit, ah."
"I'm waiting. Ayokong pinaghihintay ako."
"Haha.. Ikaw naman...Masy——"
"Will you tell me or I'll end you"
"Joke nga lang bebe... Eto na nga——"
"RELZÉ SASABIHIN MO BA!?"
Sandali kaming binalot ng katahimikan. E ayaw niya kasing sagutin ako agad, e. 'yan tuloy, nasigawan siya.
"Tsk. Hay... Eto na.. Ang makakapartner ko sa series ay 'yong... Asia's Icon——"
"WHAT!? You mean... Raizel Montréal?!"
"You must have heard me correctly."
"WHAT THE HECK! Magback-out ka na!"
"What? Why? What's the reason? May mali ba?"
Huminto ako ng sandali bago muling magsalita pero magsasalita na sana ako nang bigka naman siyang sumingit.
"Why don't you just leave your room and go down stairs."
"Wag mo kong ginaganyan, ah!"
"Hindi kita niloloko."
Hindi na ako sumagot pa at lumabas na ng room dala-dala ang aking phone na nakadikit pa rin ngayon sa tainga ko.
"Ako talaga kapag pinrank mo na naman, hindi na talaga kita mapapatawad. Alam mo naman na pangit 'yong mood ko ngayon tapos gaganyanin mo pa ako?! Ako talag——"
Natigil ako nang mapatingin sa ibaba. Limse. Anong ginagawa niya rito? At nakuha pa niyang kumaway sa'kin, ah.
Dali-dali akong bumaba at nagtungo sa kanya saka siya sinuntok.
"Aray! 'yong maganda kong mukha." Angal niya.
"Hindi maganda 'yang mukha mo! Tumigil ka! Ba't ka nandito!?"
"Eto naman si bebe, oh. Wag ka ngang high blood masyado. Papangit ka."
"Ikaw panget." bulong ko.
"Pa'no mo ko nagustuhan kung panget ako?" Sa ngayon, yakap-yakap na niya ako mula sa likuran.
Wala namang tao rito dahil lahat sila, nasa-designated rooms nila. Maids-on-call sila. Lahat sila, may kanya-kanyang phone at kung sino man sa amin ang nangangailangan ng tulong, e tatawagan lang 'yong isa sa mga contacts ng maid at darating na agad iyon within few seconds.
"Wag mo kong uutuin dahil may babae ka."
"Ako? May babae? Kailan?"
"Kanina."
"Anong kanina?"
"Hindi mo na ako mahal kasi may Raizel ka na. Tama?"
"Pfft. Nagtatampo na ang bebe ko, oh."
Tsk. Wag kang bibigay, Hera. Wag.
Agad kong kinalas ang mga kamay niya at saka humarap sa kanya.
"Alam mo ba na 'yong mga mag-asawang artista ngayon, nagka-inlovan sa trabaho! Ngayon, ikaw makakatrabaho mo 'yong walang kwenta, hindi marunong umarte at ang panget na Raizel na 'yon tapos magkakadevelopan kayo, tapos magiging kayo hanggang sa magpopropose ka sa kanya at sasabihin niya OO tapos magpapakasal kayo at magkakapamilya kayo. Samantalang ako, nandito, nakaupo nakatunganga, walang magawa dahil 'yong taong mahal ko na si Relzé Madrigal ay asawa na si Raizel Montréal at may anak na sila na nagngangalang Raizé Madrigal, di ba? Gano'n 'yong mangyayari di ba? Sabihin mo."
Hindi naman siya nakaimik sa mga sinabi ko dahil halata namang totoo iyon at tinamaan siya——
" AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! IBANG KLASE KA TALAGA, BEBE!! HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!!! "
Feeling ko namumula na ako sa galit at anytime anywhere pwede na ako sumabog.
"TIGIL!" Bulyaw ko dahilan para mapatigil siya sa pagtawa. "Anong nakakatawa?"
"E.. Haha.. Ikaw naman kasi.. E.. Haha.. Masyado kang advance mag-isip. Alam mo 'yon? Haha.. Wala pa nga kaming nasisimulan tapos pamilya agad iniisip mo?" Lumapit siya sa akin at muli akong niyakap. "Kahit kailan hindi mangyayari 'yang iniisip mo. Okay?"
Muli kong kinalas ang nga kamay niya sa bewang ko.
"Tss.. Kala mo ba bibigay ako sa mga pa-sweet effects mo? Huh! Bumawi ka muna sa'kin."
"Oh.. Hindi pa nga tayo kasal kaya paano ako babawi sa'yo?" Aniya sabay kindat at evil smile.
"Limse! Umalis ka na nga rito? Nang-iinis ka lang e."
Ginalaw naman niya ang isa niyang kamay para hatakin ako papalapit sa kanya at kung akala ko nama'y gagawin niya sa'kin ang mga ginagawa ng role niya sa role ko'y nagkamali ako dahil pinisil niya lang ang kaliwa kong pisngi.
"Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kailan. Tandaan mo 'yan."
———
Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko hanggang ngayon dahil sa inasta ni Relzé kagabi. Hindi talaga ko nagkamali sa kanya. Pero nakakainis din ako, e. Ang sabi ko kasi hindi dapat ako bumigay pero anong ginawa ko? Bumigay ako! At hindi sana 'yon nangyari kung hindi siya masyadong nagpacute sa'kin.
"Miss, are you with me?"
Napatingin ako kay Hersh na ngayo'y may laklak laklak na powdered milk.
"Wala ka namang sinasabi, e."
Natawa naman siya ng very very slight sa sinabi ko. Pfft. Wala namang nakakatawa pero tumatawa. Dalhin ko na kaya toh sa mental.
"Miss, may table read kayo ngayon diba?" Paninigurado niya.
"Ah—oo."
"Miss, maganda kaya 'yong Read-Through-Room nila? Gano kaya kalaki 'yon? Ilan kayang upuan meron dun? Malakas kaya speaker nila dun? Soundproof kaya 'yong room na 'yon? Paano—"
"Can you please stop talking? You're so annoying." Iritable kong ani.
"Miss naman. Wag niyo kong e-englishin."
Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam kong wala namang patutunguhan ang usapang to.
Maya-maya pa'y nagring na ang ohine ko at nakita kong tumatawag si Mr. Dale.
"Hello, Hera. Pumunta na kayo rito. Within an hour magsisimula na ang table read." Paalala niya
"Okay." I said then hung up.
Nilingon kong muli si Hersh at sinenyasan na kuhaan na ako ng damit. Tumango naman siya at dali-daling pumasok sa walk-in closet ko at makalipas lamang ang dalawang minuto'y lumabas na siya dala-dala ang mga damit na nakuha niya.
In fairness, may alam siya sa fashion.
Agad kong kinuha ang nga damit na iyon at saka nagbihis. Naayusan naman na niya ako kaya ready to go na kami. Nauna na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa library kung nasaan si Ralshé para makapagpaalam ako sa kanya.
"Bye, ate. I will miss you."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ang oa naman nito. Hindi naman ako mawawala ng isang linggo. Mamayang gabi nandito na ulit ako, e."
Maging siya'y natawa rin sa sinabi niya. Tsk. Ibang klase talaga 'tong kapatid ko.
Naglakad na ako palabas ng library at sumabay na kay Hersh sa paglabas ng bahay.
"Miss, ano kayang itsura ng RTR nila?"
"Ano ba 'yan? Hindi ka ba tapos sa issue mong 'yan?"
Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneo habang pinapakinggan ko ang recorded voice ko mula sa aking phone. Ganito ako mag memorize ng script. I-re-record ko ang boses ko at siyempre kasama na doon ang tone and feelings bago ko iyon paulit-ulit na pakinggan. That way, nasasanay ang utak ko sa tono ng boses ko at iyon ang magagawa ko kapag actual na.
Pagdating namin sa main building ng BigGap, agad kaming sinalubong ng mga staffs. Binati nila ako pero nginitian ko lang sila dahil tinatamad akong magsalita. Inihatid nila kami sa 5th floor kung nasaan nakalagay ang RTR. Sila na rin mismo ang nagbukas ng pinto para sa amin.
Tinanguan ko na lang sila na oara bang tauhan ko sila at umalis na sila. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Hersh ang nandito at talagang sa amin nakatuon ang pansin ng lahat. Bakit? Kasalanan ba namin kung late kami?
Naiwan si Hersh sa waiting area habang umupo naman ako sa tabi ni Caizer. Nakakailang man pero mas pinili kong hindi na lang magpahalata. Mas pinili kong maging plastic kaysa maging maldita. Sabi nga ni Mr. Dale, Multi-Film Company ang kaharap namin ngayon so I should pay respect to them.
Kahit hindi ko talaga kaya...
———
"Miss , ang galing ng boses niyo kanina. Nakakabighani." Ani Hersh habang umiinom ng gatas.
"Magiging Asia's Superstar ba ako kung hindi ako magaling?" Pagmamayabang ko.
Humigop ako ng kaunting milk tea bago sumubo ng fries. Nasa cafeteria kami ngayon dahil break pa namin. Meron lang kaming fifteen minutes break at pagkatapos no'n, back to work na kami. May briefing si Direk and tatapusin na nila ngayon ang lahat ng setups. Then, bukas reearsal, sa Wednesday, final reearsal and sa Thursday, first day of shooting na namin. Gano'n lang kasimple. Wala na kaming workshop dahil lahat naman kami'y may good acting skills. Hindi nga lang ako sigurado kay Caizer dahil bago pa nga lang siya sa showbiz, e. Nagtataka nga ako kung paano niya nakuha ng gano'n kabilis ang lead role, e ang bagu-bago niya pa lang. Kadalasan kasi sa mga bagong pasok, pa-extra-extra lang pero siya SWAK agad. Pero hindi ko naman sinasabing bumibilib ako sa kanya. Malay ko baka binayaran niya lang si Direk para makuha niya ang lead role. Alam ko naman na marurumi maglaro ang mga Montréal.
Kung saan-saang pwesto na kami umupo pagkabalik namin sa RTR. Mas mabuti na rin iyon at least hindi ko na makakatabi si Caizer bakla na kapatid ni Raizel pangit.
"I'm very happy to see that all of you did a great job." Panimula ni Direk. "Nakuha niyo 'yong feelings ko and nakuha niyo ang tamang timpla ng mga boses niyo. Hindi ako nagkamali na kunin kayo sa movie na ito."
"So, mamaya, tatapusin na ng mga staff ang lahat ng setups para bukas, sisimulan na nating I-reearse ang mga scenes. I'm sure that you'll get all the scenes right and perfect. May tiwala ako sa inyo. Then, the next days, Wednesday to Sunday, tuloy pa rin ang paghahanda. Then next week, iyon na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang shooting. And last, photoshoot ng main characters. So, bukas, ganitong oras ulit kailangan nandito na kayo. Two days pa tayong magre-reearse kaya please, ayusin niyo." Nagawi ang paningin niya sa akin. "Then, Hera. You have a very good acting skills. You really caught my attention and you are a fast learner. But, I must say this to you hindi para ipahiya ka kundi para baguhin ka. Lahat naman ay maganda sayo, talented ka but... YOU. ARE. ALWAYS. LATE. Iyon lang ang tanging bagay na hindi ko gusto sa'yo. Five years ka pa lang naman sa showbiz kaya I'm sure na mababago mo pa 'yan. AND starting tomorrow hanggang sa matapos ang shooting, all of you will stay here. Mayroong 100 rooms ang BigGap and nandito na rin ang lahat, so you don't have to worry about your necessities."
Wala naman kaming ibang magawa kundi tumango na lamang dahil wala naman siyang sinabi na tutol kami at wala na rin naman akong maitatanong dahil lahat ng tanong na nasa isip ko, nasabi na niya.
Paglabas namin ng RTR, dumiretso ako sa cr. Ihing-ihi na kasi ako nang matapos ang meeting. Masyado pa namang maarte magsalita si Direk na nagiging dahilan para tumagal ang bawat talumpati niya.
Tahimik ang buong paligid dahil walang tao. Lahat umuwi na siguro. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kagabi. Todo ako kung magalit kay Relzé kahit patas lang naman kami. Sobrang bait niya kasi, e kaya hindi niya magawang magalit sa akin. We are complete opposite. Ang ugali ko, kabaliktaran ng sa ugali niya at ang madalas niyang gawin, kabaliktaran naman ng sa akin.
"Miss, naibigay niyo na po ba ang excuse letter ninyo kay Ms. Agacer?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Ano ba sa tingin mo?" Pagtataray ko
"Sorry na miss." Anito at humigop ng milk tea.
"Teka, hindi ka ba nagsasawa sa milk tea?"
"Hindi miss. Ang sarap po kaya. Hindi nakakasawa." Sagot nito at hindi na ako nagsalita pa.
CAIZER
Natawa na lamang ako sa mga nangyari. Akalain niyo 'yon, kay bagu-bago ko pa lang na artista tapos makakatambal ko na agad ang Superstar? Ang Micolah heiress na si Hera? Haha! Wirdong tadhana gumagalaw-galaw na...
~~TINTINININTININ8NTINININTINININTINININTININ~~
Dapat pala in-Airplane mode ko na lang 'to para walang gagambala sa'kin habang naglalasing ako.
"Bakit?" Bungad ko
"Sama ka inuman?" Aniya
"Kailan ba ko tumanggi?"
Narinig ko namang tumawa ang bungol.
"Saan 'yan?" tanong ko
"Dati pa rin."
"Ge."
Pinatay ko na ang phone ko at saka isinuksok sa bulsa ko. Wala nang ba-bye ba-bye, pambabae lang 'yon.
Pumasok na ako sa kotse ko at saka iyon pinaandar ng todo-todo. Kaso maganda na sana 'yong road trip ko kung hindi lang humarang 'yong letseng sasakyan na bigla-bigla na lang sumusulpot. Napamura tuloy ako. Sabi ko nga kasi magbabagong buhay na ako, e. Kaso wala tayong magagawa. Ayaw ni tadhana na bumait ako kaya sige, pagbibigyan ko siya.
Bumaba ako ng sasakyan at saka inintay na bumaba ang driver. Buti na lang at nasa kanto kami ngayon kundi baka pinagkaguluhan na ako ng fans ko.
Hindi rin naman ako binigo ng driver dahil bumaba siya sa sasakyan.
"Wazzup bro! Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" Nakangiti pero mapang-asar kong ani.
Siyempre nainis ako kaya dapat inisin ko rin sila para quits na.
"Sorry po sir—"
"Kilala mo ba 'ko?"
"Opo... "
"Buti naman, oh ano nang sasabihin mo?"
Hindi naman siya makapagsalita. Namilipit na ata ang dila.
"Alam mo manong may awa pa naman ako kahit papaano kaya hindi mo na kailangan bayaran 'yong nasira mo lalo na't mukha ka namang walang pambayad at kaawa-awa. Pero ang gusto ko lang naman e magkaroon ka ng kaunting nalalaman sa traffic rules——"
"Who do you think does not follow the traffic rules?"
Napatingin ako sa likuran ng driver at doon ko nakita ang isang bulilit na may suot na salamin.
"Hi bulinggit!" Pang-aasar ko pero nanatili lamang siya sa seryoso niyang aura.
"Do you want me to share the traffic lights rules with you?"
"Aba! Ingglishera ka?"
"First, you may turn right on a red light if it's a solid red. When it comes to turning right on a red light, the first and most important step is to completely stop beind the limit line, a pedestrian lane, or the intersection line. Just because you can, it doesn't mean pedestrians and oncoming traffic on green light should give way for you. Sa kaso natin kuya, nakagreen ang light then may red arrow sa itaas na kahilera ng red light, so you must not turn right. Then when it comes in turn signals, nakabukas ang right TSI mo which means na liliko ka sa kanan kahit na alam mong hindi pwede. Second, when you're turning right, make sure you're in the correct lane. One more important thing, you must make sure you're in the proper lane. Veicles on the inner lane are not allowed to turn right. If you wish to turn right and you're in the inner lane, you must slowly and carefully make your way to the outer lane before approaching the intersection. Pagdating naman sa rule na ito, lumabag ka rin."
Huminto siya sa pagsasalita bago naglakad patungo sa harap ko at sinipat nang mabuti ang gulong ng sasakyan ko.
"Kung titingnan mong mabuti, nasa inner lane ka at nagbabalak kang lumiko sa kanan which is hindi pwede. Nakasaad sa second rule na if you want to turn right and you're in the inner lane, you must slowly, surely, carefully, and perfectly make your way to the outer lane." Muli niyang sinipat ang gulong nito. "Pero wala akong nakitang kahit na anong bakas na pupunta ka sa outer lane dahil diretsong-diretso ang gulong ng kotse mo. Halatang righteous." Umiling-iling pa siya bago tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Ngayon, sabihin mo, sino sa atin ngayon ang hindi sumusunod sa traffic rules?"
Naiwan akong nakatunganga dahil sa mga pinagdadada ng batang ito. Halatang minemorise niya 'yong rules.
"Wala akong sinabing mag-explain ka. Bala ka jan." Umatras na ako at dali-daling pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaandar ito.
Sino ba 'yong bulinggit na bida-bida na 'yon? Hindi naman siya 'yong kinakausap ko sabat ng sabat. Pasalamat siya maganda mood ko ngayon at kung hindi baka tumalsik na siya sa Mars ngayon. Pumapatol pa naman ako sa mga bata lalo na 'yong mga bastos, walang modo at madaldal na tulad niya.
RALSHÉ
Buti na lang at minemorise ko 'yong traffic rules nang mabangga 'yong kotse ni ate no'ng super duper nakaraang araw. Sabi kasi niya na imemorise ko raw 'yon dahil ayaw niya na magaya ako sa kanya na napatunganga nang ilahad no'ng kabilang driver ang car length rules sa kanya. Kaya buti na lang at masunurin ako. Grabe! Hindi ko akalain na masusupalpal ko ang Montréal's heir na 'yon.
"Lady Ralshé, eto na po ang schedule niyo for this week." Ani Yaya Fel.
Inabot ko naman ang folder at saka iyon binasa.
"Papasok na ako sa Monday?" Paninigurado ko.
"Yes po, Lady Ralshé. Sabi po ni Mr. Haister na hindi na po kayo mag-ho-home school para maging aware po kayo sa lahat ng bagay. Magkakaroon din po kayo ng two bodyguards kapag lumabas na po kayo." Paliwanag niya.
"Ah, okay sige. Thank you."
Nagbow na siya bago lumabas ng kwarto.
Muli kong tiningnan ang schedule ko.
Sa Friday na ang katapusan ng second quarter at sa Monday na ang simula ng third quarter. Seriously? Papasok pa ba ako kung malapit na rin naman ang graduation? Grabeng- grabe!
Dahil sa walang magawa, naisipan kong magtungo sa library upang magbasa-basa. Naalala ko tuloy si ate. Grabe! Natawa ako sa kanya no'ng basahin niya 'yong librong binili ko para sa aming dalawa. Todo iyak talaga siya doon e. Mukha siyang baliw. HAHA!!! Sorry ate, I love you!!!
Pumili na ako ng libro at sinimulan ng magbasa. Tahimik naman rito dahil ni-lock ko ang pinto para siguradong walang makakapasok kaya sigurado ako na makakapagbasa ako ng maayos nito.
Makalipas ang walong oras ng pagbabasa, natapos na rin ako sa dalawang librong tinarget ko. Worth it naman ang Gone Girl at Rebecca dahil pareo iyong pasok sa taste ko. Malamang, pipiliin ko ba 'yong hindi ko gusto?
Nag-inat na ako at kumuha ng juice sa ref ko. At oo. May ref ako rito. Ako na mismo kasi ang nagsabi kina Mommy and Daddy na palagyan ng ref itong place ko sa library para kapag boring ang buhay sa labas, tatambay lang ako dito para magpakasarap sa buhay.
Kinuha ko na rin ang remote at binuksan ang tv. Cinonnect ko na ang cellphone ko sa tv at nanood ng The Game. Wala naman akong gagawin dahil wala naman silang iniwang gawain sa akin at sa Monday pa naman ang start ng schedule at classes ko kaya kailan ko nang sulitin ang mga masasayang araw ko.
Nang matapos ang pelikulang pinapanood ko, lumabas na ako sa tambayan ko. Pero akala ko nasa labas na si ate para pingutin ang tainga ko pero mali pala ako. Dali-dali kong pinuntahan ang kwarto niya at nakitang wala siya kaya naman tinawagan ko siya.
(Ringing)
"Hello?"
"Te"
Narinig ko siyang huminga ng malalim bago ako sagutin.
"What's your problem?"
Grabe! Ang sweet talaga neto sa akin kahit kailan.
"Te ba't hindi ka pa umuuwi? 10:30 na."
"Tiningnan mo na ba 'yong kusina?"
Dali-dali akong nagounta sa kisina at nakita siyang kumakain ng cake.
"Ang taba mo na, te." Tatawa-tawa kobg sambit
"GUSTO MO BANG IPA-DEMOLISH KO 'YONG LIBRARY MO!?"
Mas lalo akong natawa sa naging reaksiyon niya. Grabe! Talagang 'yong mukha niya ang panget na tapos mas lalong lumaki 'yong gigantic niyang mga mata. Hindi ko nga alam pero feeling ko namumula na ako sa katatawa.
"You will stop or I will knock you down?" Pagbabanta niya dahilan para tumigil ako.
Minsan na niya akong sinuntok dahilan para mamaga ng todo itong mukha ko at ayoko na kahit kailan maulit pa iyon. Nakidnap lang siya naging boxer na.
"Pero naman ate hindi naman porket mas matangkad ka ng 10 inches sa'kin e bubugbugin mo na 'ko." Paalala ko at napatayo siya.... Habang nanlalaki ang mga malalaki niyang mata.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Pang-aasar ko pa sabay takbo palabas ng kusina.
Grabe talaga 'yon! Nakakatakot siya. Kamukha niya si Evil no'n 'pag nagagalit o kaya naman naaasar. Im short, nakakatakot na nakakatawa.
———
This day is Wednesday. Nagpaalam na si ate sa akin dahil mag-s-stay na sila roon sa BigGap Building dahil iyon ang sabi no'ng Direk niya. Kasama naman si Ate Hersh at may dalawang bodyguard siya roon kaya sure ako na safe na safe siya roon. Kinausap niya rin ako na huwag akong tatawag sa phone niya para hindi magambala ang reearsal nila. Kung gusto ko raw tumawag sa tuwing wala akong magawa at boring na boring na ako sa buhay, si Ate Hersh na lang daw ang tawagan ko. Madaldal naman siya kaya sigurado akong hindi ako mauubusan ng topic.
Kinuha ko ang telepono at dinial ang number ni Yaya F. Mabiois naman siyang nakarating sa kwarto ko ng may dalang juice.
"Yaya F, ang boring sa bahay." Panimula ko. "Labas tayo."
Bumakas naman sa mukha niya ang pagkabigla nang ayain ko siyang lumabas.
"Pero po kakalabas niyo lang po kahapon. Tumakas nga lang po kayo e." Nag-aalalang aniya.
"Wag ka pong mag-alala. Ako bahala. Tsaka bibili na ako ng nga gamit ko sa school." Palusot ko pa.
"Pero Lady Ralshé, sina Mr. Haister na raw po ang bahala sa mga school needs niyo." Sambit niya.
"Basta, ililibre kita ng burger."
"Pero lady... Baka malagot ako."
"E ako nga po magpapaliwanag if ever na pagalitan ka niya."
Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita at hinatak na siya palabas ng bahay. Marunong naman siyang magdrive kaya siya na ang nagmaneo. Ang sabi ko ayoko sa Monocco dahil nakakasawa kaya sa SM North na lang kami. Wala namamg nakakakilala sa akin dahil tinatago pa nila ako. Tumakas nga lang ako kahapon dahil boring na boring na boring na talaga ako sa ba-house.
"Lady, kakalabas niyo lang po kahapon..." Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin siya.
"Sobrang boring na po kasi talaga sa ba-house."
"Po? Ba-house?"
"Oo. Short form for bahay and house."
Natawa siya sa sinabi ko kaya mission accomplished na naman ako. Kanina pa kasi siya balisa at ayoko namang ma-stress siya dahil baka pumangit siya.
Pagkarating namin doon, dumiretso na kami sa National Bookstore.
" Nadala niyo po ba 'yong mga things to buy?"
"Yes, Lady." Ibinigay niya sa akin ang lukot na papel mula sa bulsa niya.
Binuklat ko naman ito at binasa.
"Ballpen muna..."
"Highlighter naman.."
"Notepad naman."
"Pero, lady——"
"Shh.. Don't call me lady in public. I know, may notepad na sa school pero gusto ko pa ring bumili ng notepad. Reviewer notebook ko."
"Okay po."
"Sticky notes naman."
"Text books naman."
And after 10 millenia, natapos na rin kami sa pag-sh-shopping. Ibinigay na namin sa cashier ang three fountain pens, two highlighters, four notepads, two sticky notes, and two text books.
Natigil sa pagcompute ang cashier at saka ako pinasadahan ng tingin, pagkatapos ko kay Yaya F naman. Hindi ko alam pero parang nag-he-hesitate siyang ituloy ang pag-pu-punch ng items. Bakit? May mali ba?
"5,475.00 po ang total." Mahina niyang sambit habang nakatingin kay Yaya F.
Kinuha ko naman ang wallet ko at binigay sa kanya ang debit card ko dahil para mas lalo siyang magulat. Muli niya akong pinasadahan ng tingin bago i-swipe ang card sa debit card reader. Binigay noya iyon sa akin upang i-type ang pin ng card at ginawa ko naman habang hindi naaalis ang tingin niya sa akin.
After almost one minute, ibinigay na niya sa amin ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga items na binili namin.
———
Dumiretso na ako sa kwarto ko dahil baka maabutan pa ako ni daddy. Ayoko pa naman siyang magalit dahil nag-iiba ang atmosphere ng bahay. Pagpasok ko'y agad kong inayos ang mga gamit ko at matapos noon, itinabi ko muna iyon sa walk-in closet ko.
Haaaaysst... Second time ko nang nakalabas ng bahay habang sina mommy't daddy wala pang kamalay-malay...
(Tok-Tok-Tok)
Tumayo ako at nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.
"Mommy." Aniko habang nakangiti.
Ngumiti siya at may inilabas na ballpen.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Well, I just want to say that.. YOU'RE GROUNDED." WHAT!?