11: Requirements

4914 Words
HERA "Aba' y gusto niya ba talaga na hindi ko siya tulungan?" Asik ko. "Baliw na batang 'yon. Sapakin ko kaya siya." "Miss, humihingi naman po kasi siya ng-" "Oh so ako pa may kasalanan?! Kasalanan niya 'yon dahil lumabas siya at nagshopping! Wala akong kasalanan dun!" Hindi na siya sumagot doon. Kinuha ko naman mula sa kanya ang phone at tinawagan ang Monocco Main. "Hello? This is Merrill Izunai, how can I help you?" Sabi no'ng nasa kabilang linya. "This is Hera Micolah." Pagpapakilala ko. "Ngayon na 'di ba i-de-deliver ang package kay Ms. Ralshé Micolah?" Paninigurado ko. "Ah-Yes po. Si Mr. Paul Travis po ang delivery man." Aniya "Ask ko lang, anong oras i-de-deliver ang package?" "Ngayon na po. Actually, kakaalis lang po niya. Bakit po?" "Well, I just want to say that Mr. Haister Micolah is on a meeting today and Ralshé is busy so they will not be able to receive the package. So, can you please tell Mr. Paul to deliver me the package so I will be the one to give it to Ralshé. I will text my location to you." "Okay po miss. I will tell him po muna." She said then I hung up. Pasalamat ka't kapatid kita. Sinend ko na kay Merrill ang location ko. Merrill Izunai: Done po Ms. Micolah. In 15 minutes nanjan na po siya. Pinatay ko na ang cellphone at iniabot na iyon kay Hersh. "Mamayang 5, may darating na delivery man, Paul Travis ang pangalan. So, ang gagawin mo lang is to fill up the form na ibibigay niya at tanggapin ang package. Clear?" Paliwanag ko "Noted, miss!" Isa-isa na kaming tinawag sa center para sa reearsal. As usual, katabi ko si Mr. Heir, short form for Montréal's Heir at nasa kanan ko naman ang gaganap na Gina, ang ex ng leading man. --- Matapos ang first day, nagpunta na kami sa designated rooms namin. Magkasama kami ni Hersh sa iisang room dahil P. A. ko naman siya at wala namang malisya dun. "Dumating na ba ang package?" "Yes, miss. Eto po." Iniabot niya sa akin ang isang malaking box. "Hindi mo pa 'to binubuksan, 'di ba?" "Yes, miss." Pinagmasdan ko ang box bago inilahad ang kamay. "Scissors." Nagmamadali naman siyang nagtungo sa Agent's kit at kumuha ng gunting saka iyon ibinigay sa akin. Ginupit ko ang tapes at saka binuksan ang box. As usual, bag and other supplies ang nandito. Medyo nainis nga ako dahil sa kulay ng bag. Garnet red ang kulay ng bag. Iyon pa naman ang pinakaayaw na color ni Ralshé dahil mapang-angkit. Ang gusto no'n, solid black dahil may pagka-gangster ang babaitang ''yon, e. "Hay, akin na kang 'tong bag." "Sige, miss. Bagay naman sa inyo lahat, e." Matutulog na sana ako nang biglang magring ang phone ko. "Hello?" Pormal kong tugon "Hello po, ito po ba si Ms. Therese Magnayon?" "No. Bakit?" "E nasa'n po siya?" "Hanapan ba ako ng nawawalang kaaway?" "Ah- s-sorry po. Pwede po bang malaman na lang po kung sino po ito?" "Tatawag-tawag ka tapos hindi mo alam kung sino ako? Bad mood ako ngayon, Hersh." Ibinaba ko na ang cellphone ko at tiningnan siya ng sobrang sama. "Ano? Masaya ka na at sinak'yan ko 'yang ka-echosan mo?" Nagthumbs up naman siya sa akin habang nakangiti. Lokong 'to sarap sapakin. --- Nasa cafeteria kami ngayon at nag-b-breakfast. Mamayang 7 na uli ang reearsal kaya relax muna kami ngayon. Binabasa ko ang script nang may makapukaw ng atensyon ko. Hahatakin papalipit ni Dave si Alice at saka hahalikan. WHAT THE HELL! Sobrang sakit naman nito sa mata. As in, hindi ko makaya. Naisipan ko agad na magtungo sa kinaroroonan ni Direk. Kung ang iba ay manager ang inuuna, para sa akin, mas maganda kung didiretso na ako sa direktor dahil dun din naman ang mga manager pupunta kaya naman dali-dali akong tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ni Direk at saka ipinakita sa kanya ang script. "Direk, ano 'to? Wala namang gantong scene no'ng nagtable read tayo. Bakit ngayon, meron na?" Nilunok muna niya ang kinakain niya bago ituro ang scene na ipinakita ko sa kanya. "Ah, yes. Iyan nga ang pag-me-meetingan natin mamaya. Kahapon kasi, nang i-rewatch namin ang table read, napansin ni Mr. Scilun na super plain ng movie kaya naisipan niyang dagdagan ng unting romantic scene ang movie para hindi masyadong boring sa audience." Super confident na paliwanag niya. "Pero, dadayain naman 'yon 'di ba?" Muntik na niyang maibuga ang kinakain niya dahil sa tinanong ko. May problema ba dun? "Hera, hindi na uso ngayon 'yan. 'yong mga maglalapit kayo tapos kapag malapit nang magkiss, ipapakita 'yong buwan? No, Hera, wala nang gano'n sa panahon ngayon tsaka nasa big screen tayo, for sure na makikita ng mga audience na dinaya ang scene at maiinis na naman sila kaya wala tayong dadayain na kahit na anong scene-" "Kahit 'yong pagtalon sa building hindi dadayain?" Pamimilosopo ko. "Siyempre, iba naman 'yon. Makakasuhan tayo pag may isa sa atin ang napahamak-" "Oh so paano na to ngayon? Ayoko ng may ganto. May family issues kami kaya sigurado akong hindi ko kakayanin ang gantong scene." Reklamo ko. "Teka lang, ikaw ba 'yong direktor kaya ganyan ka umasta? Tandaan mo, nagalit ka no'ng tanggalin namin sayo 'yong role bilang Celeste kaya you should be thankful." "Then, I'll quit." Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "And why? Look, two years na kayong magkalove team ni Relzé and yet, wala pa ring nagaganap na kissing scene. At 'yong natatangi niyong romantic scene, dinaya pa ng camera Alam mo ba na maraming naiinis dahil hindi raw makatotohanan 'yong romantic scene niyo. Palagi niyong dinadaya. Kaya this time, dapat wala nang dayaan-" "Oh, so you mean si Caizer Montréal ang makakuha ng first kiss ko?" Galit na aniko "Bakit may mali ba doon? Pareo kayong artista at nasa tamang edad ka na. You're 18 years old and malapit ka nang makapagtapos sa pag-aaral kaya sabihin mo, may mali ba roon? Isa pa, normal lang ang mga ganyang bagay sa mga artista." Paliwanag niya pero wala na akong pakealam doon. Ang gusto ko dapat ang masunod. Wala na akong pake kung sino pa siya. And seriously? Ganyan ba siya ka-shunga kaya hindi niya maintindihan 'yong ibig-sabihin ng family issues? Hindi ba siya updated sa balita kaya hindi niya alam na main competitor ng Micolahs ang Montréals? Oh come one, napaka-engot naman niya. "Basta kahit na ano pang sabihin mo, kung hindi mo naman tatanggalin 'yong scene na 'to, I will quit." Maawtoridad kong tugon sabay alis. Wala na akong pakealam sa sasabihin niya basta ang gusto ko lang tanggalin nila 'yong kissing scene. Hindi ko nga magawang lumapit kay Mr. Heir tapos kiss pa kaya? Nahihibang na ba sila? Naisipan ko munang magpunta sa restroom para maghugas ng kamay. Ayoko rin muna silang makita dahil naiinis pa ako. Basta ang mindset ko ngayon, magreklamo at umalis. Kung hindi nila tatanggalin ang scene na iyon o kaya naman hindi sila papayag na dayain, I swear that I will quit. Matapos kong maghugas at mag retouch, lumabas na ako ngunit isang nakakainis na tinig ang aking narinig. "I heard you complaining to Direk a while ago." Aniya Huminto ako at humarap sa kanya. "And so? Wala ka na dun." Pagtataray ko dahilan para mapangisi siya. "Really? So 'yong makakakissing scene mo e wala lang sa usapan na 'yon?" Kinuyom ko ang aking mga kamao, nagpipigil ng galit. "Pumunta ka lang ba rito para rito para mang-inis?" Iritable kong ani "Ah-hindi. Pumunta ako rito para sabihin sa'yo na pareho tayo ng gusto. Kung akala mo na ikaw lang ang may ayaw sa romantic scene na 'yon, pwes ako gano'n din." Ibinaba niya ang kanyang tingin at saka humalukipkip. "E alam mo naman pala e! Bakit hindi ka nagreklamo!?" Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili at pinagtaasan na siya ng boses. "Para saan pa kung alam ko naman na ikaw lang din ang mauuna?" Nginisihan niya ako for the last time bago naglakad palayo. "Tch. Pumunta ka lang dito para mang-inis. Ipakidnap kita jan, e... Suntukin kita jan, e... Sarap mong patayin." Pagpasok ko sa room, sina Direk lang at si Sir Scilun ang nandoon. "It seems like we.. Have a very important meeting." Aniko at umupo sa sofa na nasa tapa nila. "Mr. Browns told me your complaints earlier." Panimula ni Sir Scilun. Si Mr. Browns, siya si Direk. "Well, we can't blame you for that. Alam naming twenty ka pa lang kaya hindi mo kaya ang mga ganoong scenes. Pero sana maintindihan mo rin 'yong consequences kung dadayain natin 'yong kaisa-isang romantic scene na 'yon. Look, marami ang naiinis nang dayain niyo ang nag-iisang kissing scene sa first teleserye niyo ni Relzé, right? Kaya bakit pa natin dadayain? And kung natatakot ka man sa maaaring gawin ng parents mo, don't worry dahil-" Hindi ko na pinatapos pa 'yong mga kashungahan niya dahil hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi niya. "Akala ko pa naman good news ang maririnig ko, 'yon pala worse news. Hindi niyo ba naiintindihan? Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa inyo na hindi talaga maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa kaya hindi dapat kami nandito! Magiging weird lang pagdating ng taping." Hindi ko na kasalanan kung tumaas boses ko. "But this is showbiz, Hera." Usal ni Direk habang nakataas pa ang dalawang kamay na para bang nagde-declamation. "Pwede bang isantabi niyo muna 'yong away niyo? For the nth time, this is showbiz not BUSINESS Hera. So, please-" "What the-! Are you out of your mind!? Si Relzé, siya 'yong gaganap na Mario and then what!? Nagkasundo kayo ng sister company niyo na pagpalitin niyo kami ng role ni Raizel para sila ang magkapartner!? What the heck? Bakit kasi hindi na lang kayo humanap ng ibang artista para i-partner kay Caizer? And sana gumawa na lang kayo ng panibagong movie or teleserye no'ng nag-audition si Raizel sa inyo or no'ng kinuha niyo siya para at least, hindi sila magkakapartner no'ng kapatid niya or even Relzé. Nag-iisip ba talaga kayo? O puro pera lang ang nasa isip niyo-" "Stop!" Napasigaw na si Direk na para bang si Quiboloy. "Sobra na 'yong sinasabi mo. Well, kung ayaw mo talaga, pagbibigyan ka namin. We will let you quit!" "E mga ewan pala kayo, e! Gagalitin niyo ko tapos bandang huli pag-qu-quitin niyo 'ko? Edi sana no'ng una pa lang sinabi niyo nang 'I will let you quit' hindi 'yong kung anu-ano pa 'yong sinasabi niyo!" Galit na tugon ko "Naturingan kayong officials tapos hindi niyo ginagamit isip niyo." Binitbit ko na ang pouch bag ko at naglakad na palabas ng room. Mga ewan pala sila e. Papayagan naman pala nila akong umalis, e bakit kung anu-ano pang dinada nila? Nakakagalit talaga. Padabog kong binuksan ang pinto ng room namin no Hersh at saka kinuha mula sa kanya 'yong kinakain niya. "Miss bakit?" Naguguluhan niyang tanong. "Uuwi na tayo." Sambit ko at inihagis na sa kanya 'yong mga gamit namin. "Pero miss bakit?" "I quitted." Tipid pero inis kong sagot. Nauna na akong lumabas ng room. Nakastandby lang naman 'yong kotse namin jan kaya anytime pwede akong umalis. "You quitted right?" Tugon ng isang tinig. "Then, I'll quit." Nilingon ko naman siya at saka binigyan ng sobrang plastic na ngiti. "Then, do it. I'll wait." Ngumisi naman siya nang sabihin ko sa kanya iyon. "I thought you will say, you don't care." Natatawa niyang ani. "Mang-iinis ka na naman ba? Well if that so, aalis na 'ko. Ayokong nagpapaliguy-ligoy 'yong kausap ko." "Nagpapaliguy-ligoy ba ako? E diniretso na nga kita tungkol sa balak kong sabihin sa'yo." Natawa naman ako ng bahagya. "At nag-abala ka pang sabihin 'yan? Oh c'mon, talaga bang ganyan kayong mga Montréal? Mga matitigas ang mukha." Kinurot naman niya ang pisngi niya sabay kunot ng noo. "Malambot naman mukha ko, ah." Pamimilosopo niya. Sasagot pa sana ako kung hindi lang dumating si Hersh. Nagtungo siya sa akin at tiningnan ng diretso si Caizer. Pero may naramdaman ako sa mga palitan nila ng tingin. Parang may something. Parang may hindi maganda. Parang may pinag-uusapan sila sa pamamagitan ng isip nila. Tch. Ka-engotan tigilan. "Sasama ka ba sa pag-uwi o makikipagtitigan ka lang jan?" Tumalikod na ako at hindi na siya hinintay. Wala naman ata siyang balak sumama sa'kin. "Miss, gano'n na ba kayo kagalit sa pamilya nila para madamay 'yong career niyo?" Nakaramdam ako ng pag-aalala sa boses niya. "Wala akong magagawa. Pamilya na 'yong usapan, e." Saad ko "Pero miss, hindi ba pwedeng isantabi-" "Pati ba naman ikaw ganyan 'yong sinasabi? E mag-qu-quit na nga rin siya so ano pang magagawa ko? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo?" Hindi na rin naman siya nakasagot at pinagpatuloy na ang pagmamaneo. Pagdating sa bahay, agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko at saka tinitigan ang kisame hanggang sa makatulog. 'Nandito ako ngayon sa balcony ng emperyo habang pinapanood ang napakagandang tanawin. "Pinapatawag po kayo ni Senior Medora." Aniya Tumango naman ako at nagtungo sa office ni Senior Medora pero ibang tao ang nakita ko. "N-ne-' "TIKTILAOK SABI NG MANOK! GISING GISING BATANG TULOG! ANG ARAW AY SUMISIKAT! ANG BULAKLAK AY NAMUMUKADKAD! TIKTILAOK SABI NG MANOK! GISING GISING BATANG TULOG!" Muntik na akong mapamura sa nasaksihan ko. "Ralshé hanggang dito ba naman? Akala ko ba grounded ka? Paano ka nakalabas?" Ngongo na naman ako. Naalimpungatan, e. "Grabe naman 'to. Parang mas gusto mong grounded ako, ah." Nagpout na naman siya na parang bibe. "Oo mas gusto kong grounded ka para walang gagambala sa pagtulog ko. Limse." Tumayo na ako sa kama at inayos ang higaan ko. Hinayaan ko na siya jan at nag-cr na ako. --- "Paano ka naman nakalabas?" Tanong ko. "Sus, malamang edi binuksan 'yong pinto." "Gusto mo sapak?" Natawa na naman siya for the nth time dahil sa sinabi ko. "Oh, eto na nga boxer. Ganto kasi 'yan, kumuha lang ako ng dalawang hair clip tapos binuksan 'yong lock." Paliwanag niya. "Tch." Sinawsaw ko na ang tinapay sa kape ko sabay subo nito. "Takaw mo." "Pwede bang tumigil ka na? Nawalan na tuloy ako ng gana." Tinakpan ko na ang breakfast ko dahil wala na talaga akong gana dahil sa mga pinagsasabi ng bulilit na 'to. Nagtungo na ako sa cr at saka naligo. "Ano kayang ibig-sabihin ng panaginip ko?" Hindi na ako naglagay ng kung anu-ano pa sa mukha ko dahil papasok lang naman ako. "Hersh, pumunta ka na rito." Itos ko at ibinaba na ang phone. Maya-maya lang, nandito na siya habang may dala-dalang gatas. "Tara na." Anyaya ko at pinabitbit na sa kanya 'yong bag. Hindi na ako nagpaalam pa kay Hersh dahil sigurado akong busy iyon. Kung hindi busy sa pagtulog, busy sa pagbabasa. "Miss ano kaya sa tingin niyo 'yong magiging reaksiyon ng mga tao 'pag nakita kayo?" "Same lang din." Tipid kong sagot at humigop ng kape. "Miss, nandito na po tayo." Binitbit na niya ang bago kong bag matapos i-park ang sasakyan. Hindi na si Richard ang driver ko dahil driver na siya ni Ralshé sa tuwing gusto niyang tumakas. Tinakot ko naman na siya na nawawalan siya ng trabaho if ever na ginanahan siyang magsumbong sa parents namin lalo na kay lolo. Tsk. Pasalamat talaga siya't kapatid ko siya. Pagpasok ko sa school, dinagsa agad ako ng mga tao gaya ng nasa isip ko. Malas ko nga lang this time dahil si Hersh lang ang kasama ko kaya free ngayon ang mga tao na gawin ang mga bagay na gusto nila. Wag lang nila akong iinisin dahil masasapak ko talaga sila ng wala sa oras. Nang matakasan na namin ang lahat ng iyon, chineck agad ako ni Hersh. "Miss, grabe 'yong sabunot sa inyo no'ng babae kanina, ah." Sa ngayon, hinihintay na lang namin ang first lecturer namin. Inilibot ko naman ang aking mga mata, hinahanap siya. "Saan na kaya nagpunta 'yon?" bulong ko sa sarili. "Sino 'yon miss?" Tsk. May tengang daga ang isang 'to. "Si Nerd." "Whoa, miss!" Tinakpan ko naman ang bibig niya dahil baka magtuluy-tuloy na naman iyon gaya ng mommy ko at marinig ng mga tao. Baka isipin pa nila na may gusto ako dun kahit wala naman. "Wow miss" Hininaan na niya ang boses niya. "Bakit niyo ba siya hinahanap?" "Wala lang. May mali ba?" "Meron miss." "Oh ano?" "Saan?" "Huh?" "Sino? Bakit? Sa pa'nong paraan?" "Wait. Ano bang sinaaabi mo?" "Minsan, ang swerte mo nasa paligid lang." Medyo natalagan ako bago ko ma-figure out 'yong mga sinasabi niya. "High ka na." "Hi" "Tch. Nang-iinis ka ba?" Naiirita na ako sa kanya. "Joke lang miss." "Good morning class!" Bati ni Prof. at binati namin siya pabalik. Habang nagtuturo, isang napakalakas na pagring ng fire alarm ang narinig namin. Muking nagsitayuan ang nga estudyante at isang stampede na naman ang naganap. What the hedge! Sino na naman ba ang may pakana? Wala na ba talaga silang kadala-dala? Tapos may pagbibintangan na naman na isonteng tao tapos mapapaalis na naman kung sinuman 'yong mapagbintangan-- "All students, please get out of the building now. All students, please get out of the building now." Hindi na sana ako maniniwala kung hindi ko lang narinig ang boses ni Ms. Agacer sa speaker. "Miss, tara na! Hindi 'to false alarm!" Hinatak-hatak ako ni Hersh palabas ng room. Nakipagsabayan naman kami sa agos ng tao. Wala na kaming pakealam kung sino pa ang makabungguan namin basta' t ang nasa mindset lang namin ngayon ay makalabas ng building. Totoo pala. Akala ko kagagawan na naman ng iaang estudyante 'to, e. "Miss, magmask kayo. Baka ma-suffocate kayo." Dali-dali niyang inabot sa akin ang mask ko na nasa bag at agad ko naman iyong isinuot. Natagalan bago kami makalabas gawa na rin ng sobrang daming tao. Pumasok naman kami sa kotse at saka binuksan ang aircon. Isinabit niya rin sa tapat no'n ang air purifier at saka ako binigyan ng tubig. Kasabay naman namin ang halos apat na libong tao sa pagnood sa Ceres University na ngayo'y nilalamon na ng apoy. --- Gabi na ng maisipan kong kumain. Nagugutom na kasi ako. Kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ko na kaya 'to. Kaya naman tumayo na ako sa kama, lumabas ng kwarto at malamang pumunta sa kusina. Pero nagulat ako nang makita sina Ralshé, mommy and daddy na nakaupo sa bandang dulo ng table at nakatingin sa pinanggalingan ko. Para atang hinihintay ako. "You' re here." Ani mommy at sinenyasan ako na umupo malapit sa kanya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Malamang kasi hindi pa ako inaantok. "Hindi pa po kasi ako makatulog." Sagot ko May pastang nakahain sa harapan ko pero kahit anong sarap nito sa paningin ko, hindi ko magawang kainin ito dahil katabi ko ngayon ang mga magulang ko. Hindi kasi ako pwedeng atakihin ng katakawan ko dahil isusumbat na naman nila sa akin na wala man lang akong natatandaan sa mga table etiquettes na pinag-aralan ko. "We're now looking for universities that will still accept transferees." Diretsong sabi ni daddy pero tumango lang ako at hindinna sumagot. Balak ko pa sanang sabihin sa kanila 'yong tungkol doon sa email na natanggap ko pero naisip ko na baka masayang lang ang laway ko. "But unfortunately, wala pa kaming nahahanap. But don't worry, katulong na namin si Ralshé sa paghahanap ng universities na pwede mong pasukan. Wala na kasing tumatanggap ng transferees sa universities ngayong second semester." dagdag niya pa. "E bakit hindi niyo na lang sila bayar-" BLAG! Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa sinapit ng magaling kong kapatid. "Ralshé, are you okay?" Alalang tanong ni mommy at inalalayan naman siyang makatayo ni daddy. "Okay lang po, e kasi naman, masyado na palang marupok 'yong paaanan nitong chair." Palusot naman siya sabay tingin sa akin ng pasikreto Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero dahil sa tingin niyang iyon, palagay ko dapat ko siyang sak'yan. "Ralshé, masakit ba pwet mo?" Todo pigil ako sa pagtawa sa sinabi ko. "H-hindi...." Umarte pa siya na parang sakit na sakit na dahil sa pagbagsak niya. Lumapit naman ako sa kanya at tinulungan din siyang umupo sa ibang upuan habang inililibot ang paningin ko. Nakita ko naman sa bulsa niya ang isang maliit na screwdriver na ginamit niya siguro para tanggalin ang turnilyo na nakakabit sa wooden chair na inupuan niya. Mautak na dwende. Nang maayos na ang lahat, bumalik na sa katahimikan ang atmosphere sa loob. 'yong mga mukha rin nila maliban kay Ralshé ay nakaseryoso na. "I'm done na po. May I excuse?" Sambit ko at lumabas na ng dining room. Agad akong dumiretso sa theatre room pagkalabas na pagkalabas ko roon para magbawas ng stress. Hindi ko kasi kayang pigilan 'yong sarili ko na huwag ma-stress sa tuwing nakikita sila. Nakaka-stress kaya 'yong pagmumukha nila. Palaging naka-letter U 'yong mga bibig. Parang walang balak ngumiti. Basta para sa akin ang bigat sobra ng atmosphere kapag nasa malapit sila. Binuksan ko na lang ang aircon gamit ang remote at umupo sa pinakataas at gitnang bahagi ng room. Pinlay ko na rin ang movie na bago sa pandinig ko, ang 'Pay It Forward'. Actually, narinig ko lang 'yan kay Ralshé na narinig naman niya sa virtual classmate niya. Ngayon ko pa lang iyan mapapanood. Nakakaiyak daw pero titingnan ko kung maiiyak nga ako o maboboringan ako. --- Hindi ko alam kung sinisipon ako dahil sa aircon o dahil puro iyak na lang ang ginawa ko. Grabe! Eto talaga 'yong pinakaayaw kong ugali ko, ang pagiging iyakin. Baka kasi sa ibang tao, boring lang ang movie na 'yan tapos ako lang ang umiiyak jan. Paano nga kung gano'n? Hooo! Kainis! Bakit ba ako naiiyak? Hindi ko naman kasi magawa 'yong pinapayo sa akin ni Hersh na kapag malapit na akong mapaluha dahil sa lungkot ng eksena, isipin ko lang daw na taping lang 'yan o kaya naman hindi dapat kaawaan ang nga bida dahil masasama ang ugali nila sa personal. Pulang-pula ang mata ko nang lumabas sa theatre room at dahil inaantok na rin ako, pumasok na ako sa kwarto ko. Sana naman hindi ko na mapanaginipan 'yong malaking bahay na 'yon. Baka kasi bangungutin na naman ako. Kinabukasan, maaga akong gumising para mag jogging. Una, naligo muna ako at nag-ayos. Ganito naman palagi ginagawa ko sa tuwing nag-e-exercise ako. Maliligo muna tapos mag-aayos tapos kapag natapos nang magpapawis, maliligo ulit at mag-aayos. "Miss, ready na ba ang joints niyo?" Todo kung magstretching 'tong si Hersh kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi pa nagkakandabali-bali 'yong mga buto niya. "Tara na." Anyaya ko at lumabas na. Wala na kaming bodyguard dahil mag-jo-jogging lang naman kami. Pero paglabas namin, iba ang nakita namin. May mga taong naglalakad at may hawak na papel. Hindi ko alam kung photo ba siya basta may binabasa sila roon e. Hindi ko sana papansinin kung hindi ko lang natapakan ang tinapong kopya ng papel na binabasa nila. 'Soner Stapphanire University is now accepting new students from different universities.' Wait a minute just a minute. 'Di ba, eto 'yong university na nasa email ko? Kung hindi ako nagkakamali, si HE Mongi o Mongu o Miongwa whatever ang nagpadala ng email na iyon. Tsk. Pati ba naman mga inosente at walang kaalam-alam na tao pagdidiskitahan pa nila? Ang nakalagay lang ay 'yong website nila para doon mag-fi-fill up ng form. Tapos ano namang mangyayari kapag nakapag-fill up ng form? Wala lang? Basta nakapang-scam lang masaya na? Gano'n ba? Tsk. Mga scammer talaga ngayon to the higher level na. "Ibang klase talaga." "Miss, try niyo kaya mag-fill up ng form?" Suggestion ni Hersh "Tch. Para saan pa? E scam lang naman 'to?" Pagmamatigas ko. "Pero, miss sigurado na ba kayo na scam talaga 'yan? E wala namang mawawala sa inyo kung mag-fi-fill up kayo ng form." Aniya. Ayan na naman si p****r. "E basta ayoko. Kung gusto mo, ikaw na lang. 'Wag mo na akong idamay." Tugon ko at nagpatuloy na sa pagpapapawis. Pero habang nasa daan, may na-realize ako. Tama naman si Hersh. Wala namang mawawala sa aking kung susubukan kong fill-up-an ang form, hindi ba? Naka-secured naman ang accounts ko kaya sigurado akong hindi nila ma-ha-hack iyon maliban kay Ralshé. Pag-uwi namin, gaya ng sabi ko, agad akong nagbuhos at nag-ayos. Binuksan ko rin ang aircon para masaya. Wala naman akong pasok dahil nasunog nga 'yong Ceres. Hindi ko nga alam kung nilamon ba 'yon ng apoy o kaya naman ipinalamon sa apoy. "Imposibleng si Aigel ang may gawa dahil matagal na siyang wala." Kinuha ko ang gloss ko para i-apply sa labi ko. "Kung si Nerd naman, parang ang hirap paniwalaan." Wala pa rin talaga akong hint kung sino ang may gawa ng bagay na iyon. "Baka naman, hindi sinasadya?" Muli kong kinausap ang salamin. Nagbabakasakali sa pagsagot nito. Nang matapos na akong mag-ayos, kinuha ko na ang laptop ko at binuksan ang email ko. Cinlick kong muli ang email na galing kay HE whatever pero bago ko i-click ang link, may naisip akong napakagandang plano. I-fa-fake ko lahat ang mga sagot sa form na sasagutan ko para hindi ako ma-fake kung sakaling fake man 'to. Gets niyo? Cinlick ko na nga ang link pero laking gulat ko nang mabasa ang apat na salita na nandito. 'You've already responded' WHAT?! PAANO!? WHY?! Paanong nangyaring nakasagot na ako e hindi ko pa nga ever ciniclick ang link? Tsk. Sabi na nga ba at scam lang ito, e. Psh. Nagsayang pa ako ng oras. Nakakainis. Ang sarap batuhin ng lipstick no'ng nagsend nito. Ang lakas talagang makabadtrip ng mga scammers. Maya-maya lang, biglang pumasok sa kwarto ko si Ralshé ng walang paalam at binuksan ang aircon sabay higa sa kama. "Kabastos mo namang bulinggit ka!" Bulyaw ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako. "FIY hindi considered as bulinggit ang 152 cm." pagyataray niya "Tumahimik ka nga! Gusto mong mabato ng lipstick?" Pagbabanta ko pero hindi man lang siya natakot. "Nubayan! Kung hindi mananapak mambabato ng lipstick. Wala ka na bang ibang panakot?" At siya pa may ganang magreklamo, ah. "Oh sige ganto na lang, pepektusan kita." Natawa naman siya. "Mother Ailux, is that you?" "Hindi talaga ako nagbibiro." Asik ko "Bakit ka ba kasi pumunta rito?" Umupo siya at pinaikut-ikot ang remote sa kamay niya. "Ihahanda ko na kasi ang gamit mo, e." Muntik naman akong maoatayo sa sinabi niya. "Bakit? Para saan?" Tanong ko "Kasi sa Sunday, darating na 'yong service mo." "Service for what!?" "Chill... Kasi ganito 'yan. Nag-log in ako sa email mo..." Pagkasabi niyang email, kinutuban agad ako. "Tapos, may nakita ako roong nakalagay na email from HE Miongwa, ang nakalagay doon, just fill up the form below and your in. Nakalagay 'yon sa pinakadulo 'yong link. E utos kasi sa akin ni daddy dahil ako ang walking computer dito sa bahay, tulungan ko raw sila na maghanao ng university na pwede mong pasukan. E ako, naisip ko na baka may nag-offer agad sayo ng university dahil matalino ka kaya naman, naisipan kong buksan ang email mo. Tapos hayun, sakto namang may nakita akong email galing kay HE Miongwa nga so hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong iyon. Finill-up-an ko na agad 'yong form. Tapos pagaka-fill up ko-" " STOP! AYOKO NANG MARINIG PA ANG SASABIHIN MO! " Hindi ko na napigilan pang mag hysterical dahil sa kwento niya." Hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo ba naisip na baka scammer lang 'yon? " "E wala akong magagawa. Bibigyan ako ni daddy ng Codex Leicester kapag ako raw ang unang nakapaghanap ng bago mong papasukan." Sagot niya at pumasok na sa walk-in closet ko. "Nasa printing room ang lahat ng requirements mo." Ipinatong ko naman ang ulo ko sa desk ko at ino'ntug-untog ito. Talagang ibang level na ang pagiging bookworm niya. Tsk. Pati 'yong personal email ko dinadamay na rin niya. Tumayo ako at nagtungo sa printing room at hinanap doon ang requirements na sinasabi niya. Fortunately, may isang envelope na naglalaman ng mga papel ang binuksan ko. Kinuha ko ang mga papel na nandito at binasa ang mga ito. Una kong binasa ay siyempre 'yong una kong nakita. 'School supplies for this university is only available at Soner Shop, Greenbelt, building 1, 2nd floor, near Tempur-Greenbelt 5. Just give the gray card to the guard and you're in.' Kinuha ko naman ang gray card na sinasabi nila at binasa ang nakasulat dito. 'cinci mii patru sute treizeci şi şapte' Huh? Ano 'to? Eto na ba 'yong requirements para makapasok ka sa Soner Shop? Sunod ko namang kinuha ay 'yong isang kulay green na paper na lengthwise. 'Supplies to buy: -Soner Notes (5) -Stapphapens (1) -Uniformă universitară (University Uniform) -Strama Anong Strama? New word na naman ba? Saan ba ako papasok? Sa Soner o sa Hogwarts? Sunod ko namang kinuha ay 'yong circular map at pinag-aralan ito. Pero balewala lang naman saken kung gaano kalayo dahil may chopper naman kami. At ang pinakahuli kong kinuha ay ang pinakamaliit na papel na may nakaukit sa itaas na SonerPass. 'I am Hera Micolah from the University of Ceres. I am the 5437th student to enroll here and I promise that I will obey the rules and regulations of this school.' Wow naman! Ang dami namang achuchuchu neto. Pero in fairness, mukhang hindi siya scam. Ipinasok ko nang muli ang requirements sa envelope at lumabas na ng printing room. Tinawagan ko si Hersh at agad naman siyang nagtungo rito. "Miss bakit?" "Let's go to Greenbelt."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD