12: Bellona Empire

4997 Words
Bellona Empire Nandito na kami ngayon sa 2nd floor ng Greenbelt. At gaya nga ng nasa instructions, nagtungo kami sa Tempur ngunit wala akong nakitang Soner Shop doon. "Sabi na nga ba't scam lang 'to, e." Sambit ko habang nakakuyom ang aking mga kamao. "Sana pala hindi na lang ako nagtiwala sa kanila." "Hala! Celeste is that you?" Pang-aasar pa niya "I'm not in a good mood." Aniko "Pero miss sure ba kayo na wala talaga 'yon dito? Baka naman kasi nandito lang 'yon tapos hindi lang natin nakikita-" "Tumigil ka na. Wala talagang Soner na nag-e-exist. Na-scam lang tayo." Paalis na sana ako nang bigla akong hatakin pabalik ni Hersh. "Ano ba 'yon?!" "Miss tingnan niyo" tinuro niya ang bandang ibaba ng pintuan ng isang saradong shop. 'Soner Shop' ang nakalagay dito kaya naman binuhayan ako ng dugo. "So this is legit." Tugon ko at hinatak-hatak si Hersh patungo sa isang guard na sakto lang ang height. Hindi rin malaki ang katawan niya at hindi rin siya gano'n katangkad. Mas matangkad pa nga ako pero mas matangkad kay Hersh. "Card." At wow! Ang laki ng boses niya. Ibinigay ko naman ang gray card ko at pinagbuksan na niya ako ng pinto. "Ano kayang itsura.. Whoa.." Muntik na akong mapanganga dahil sa nakita. Muntik kang naman. Nilingon ko naman si Hersh na ngayo'y ngangang-nganga na. "You're inviting flies." Bulong ko at isinara ang bibig niya. Masyado itong malaki kumpara sa na-imagine kong itsura nito. Parang balewala lang sa kanila kung gaano kamahal ang mga chandeliers dahil sa dami ng mga aran'yang nakasabit sa ceiling ng buong shop. At hindi lang iyon, mataas din ang shop. Siguro mga dalawang kwarto ko ang capacity nito. "Miss bibili po ba kayo o mag-wo-wonder-wonder lang?" Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Masasayang lang ang punta ko kung hindi ako bibili." Nanguna na ako sa bilihan ng Soner Notes. Isa itong malaking shelf na may nakalagay na sandamakmak na notebooks na may gradient colors. 'yong cover ng notebook at color black and then ang lining ng letters ay color gold at ang bookmarks ay color garnet red. Tsk. Kaakit naman nito. "In fairness. Ang ganda, ah." Kukuha na sana ako nang may mapagtanto ako. "Hersh, wala pa pala tayong trolley. Kuha ka muna." Utos ko at nagmamadali naman siyang nagtungo sa lalagyang trollies. Maya-maya lang , nandito na agad siya at inilagay ko na ang limang Soner Notes na kinuha ko. Sunod naman naming pinuntahan ay ang lalagyan ng Stapphapens. Gaya ng kulay ng Soner Notes, pinaghalu-halo rin itong black, gold at red. Balak ko sanang kumuha ng sampu para naman may pa-give away ko sa mga magiging schoolmates ko, e. Charr.. Sunod naming ginala ay ang walk-in closet nito kung saan nakasabit ang uniform ng Soner. Muntik pa nga ulit akong mapanganga dahil sa ganda nito. Umakyat kami sa second floor at kumuha ng isa. Color black ang blouse at skirt nito. Mayroon din itong color red na linings at ang pinakanakaagaw ng aking atensyon ay ang logo nito na pinagkrus na... Sword and cresset. "Miss, anong meron?" Pambubulabog ni Hersh sa meditation ko. "Wala lang." Pagsisinungaling ko at sinukat na iyon. "Nge, miss! Masyadong maiksi!" Aniya paglabas ko ng cubicle. "Hayaan mo na. Ang mahalaga 'di masikip." Tugon ko at nagpalit na ulit ng damit. "Saan na po tayo, miss?" Panay sunod lang naman siya sa akin. "Dun sa may Strama." Tiningnan naman niya ang map at sinamahan ako sa lalagyan no'ng Strama pero 'yong guard lang na nasa labas kanina ang nakita namin. "Excuse me po. Saan po rito makikita ang Strama?" Tanong ni Hersh. Tinitigan lang naman siya no'ng mama at maya-maya lang ay naglabas na ito ng isang stick at ibinigay ito sa akin. "This is it?" Hindi ako masyadong makapaniwala na ito na ang tinatawag nilang Strama. Sobrang liit kasi tapos pwede naman nilang ilagay sa ibang lakag'yan gaya ng ibang supplies hindi 'yong itatago nila sa isang tao. Kahina-hinala tuloy. And stick? Talaga atang sa Hogwarts ako papasok. Pasalamat sila't medyo maiksi itong stick na ito kumpara sa wand ni lodi dahil baka mapasabi ako ng "Alohomora" ng wala sa oras. Nagtungo na kami sa counter matapos naming hintayin ang sagot ni tuod. "7,334.00" Tugon ng cashier. "Luhh... Ang mahal naman." Reklamo ni Hersh sabay bigay no'ng pera. Nilagay niya ito sa isang red leather knapsack saka ibinigay sa amin. Ao 'yong knapsack ang nagpamahal? Paglabas namin ng shop, agad naming sinugod ang Kimpura at lumamon ng Kobe Beef. Ugh! Nahahawa na naman ako ng language ni Hersh. "Miss, mas marami pa ata akong nakain kaysa sa inyo." "E ang sabi kasi ni Ralshé bulinggit, tumataba na raw ako, e." Tama nga naman. Dapat magdiet na ako dahil baka pagdating ng pasukan, e hindi na magkasya sa akin ang uniform ko. Pagdating namin sa bahay, nakaabang na sina mommy and daddy sa akin. Nakaupo sila sa grand sofa samantalang si Ralshé, nasa wooden chair niya. "Welcome back!" Bati ni Ralshé Naglakad naman ako papunta sa spfa at umupo sa tapat nila. Inilibot ko naman ang aking paningin at nakita ang luggage bag ko na nakalabas. Oh my! Papalayasin na ba nila ako? No!!! Gusto ko pang maka connect sa internet! "Bakit po nakalabas ang mga gamit ko?" Kinakabahan na ako, pilit kong iniisip kung ano ang nagawa kong mali. Ngumiti naman si mommy sa akin at may ibinigay na envelope sa akin. "I think it's time for you to be independent." Naku! Sabi na nga ba't papalayasin na nila ako sa pamamahay na ito. No! Sorry na po sa lahat! Sorry! Babawi po ako sa inyo 'wag niyo lang ako palayasin. Hindi pa po ako handa. I promise, ililibre ko kayo ng bubble tea araw-araw tapos magpapadeliver tayo ng Kobe Beef oras-oras 'wag niyo lang akong palayasin! Please... Hindi pa po ako handa... "Alam ko kung anong iniisip mo." Ani daddy. Telepathic ba siya? "But don't worry dahil hindi naman iyon mangyayari." Pagpapatuloy niya "Why don't you open the envelope?" Kinuha ko naman ang envelope na kanina pa nasa lamesa at dahan-dahan iyong binuksan. 'Dear Mr. and Mrs. Micolah, This letter is from HE Miongwa of Soner Stapphanire University. We wrote this to tell you that our lumea will fetch your daughter Ms. Hera Micolah on Saturday, 8 o'clock in the morning. She will now be a part of our familie. All her necessities are here. You can communicate with her through email. We promise to take care of her all the time and make her a better and mature person. HE LEE MIONGWA' Ibinalik ko sa dating pagkakatiklop ang papel matapos ko itong basahin. "See, you'll be apart from us but you'll still be a part of our family." Tugon ni mommy. "No one leaves Micolah." Napatingin naman ako sa gawi ni Ralshé So, bukas na ako susunduin no'ng lumea nila? Friday na ngayon at maggagabi na so unting oras na lang at mawawalay na ako sa pamilya ko. Kahit ba naman ang sasarap sapakin ng nga magulang ko, hindi ko pa rin kayang mawalay sa kanila. Hindi ko iyon kakayanin. Saka paano na si Relzé? Tumayo na ako nang makaalis na sila. Si Ralshé, as usual nasa lungga niya kaya ako na lang mag-isa ang umakyat patungo sa kwarto ko. Pero bago ko mabuksan ang pinto, naisipan kong magtungo muna sa balcony para doon magpalamig. Maggagabi na kaya hindi na mainit saka may roof naman doon kaya wala akong dapat ipag-alala. Pagdating ko roon, umupo ako sa wooden chair ko at pinagmasdan ang nagtataasang mga puno sa paligid. "Ngayon ko lang na-realize, sana pala scam na lang talaga iyon." Bulong ko sa sarili. ~TINININININININININTITITINININININININININININTINTINTININ~~ Kinuha ko ang cellphone at sinagot iyon. Akala ko si Relzé iyon pero nagkamali ako dahil nang tingan kong muli ang number, naoagtanto kong, eto ang dati kong number sa dati kong phone. 'yong nanakaw. "Hello?" Napangiwi naman ako nang puro scratches ng paper ang naririnig ko. Tila ata walang balak magsalita ang nasa kabilang linya kaya naman pinatay ko na lang. Agad akong nagtungo kay Ralshé at pina-track sa kanya ang number na iyon ngunit hindi niya iyon ma-track. Seriously? Walking computer ba siya o feeling computer? Gabi na nang maisipan kong tawagan si Relzé but unfortunately, he's on a taping... With Raizel kaya hindi ko na sinubukan pang tawagan siya ulit. Pero dahil sa hindi ako makatiis, tinext ko na lang siya. Bebe: Bebe, may na-apply-an na akong university and fortunately, natanggap ako. Bukas ng umaga na ako susunduin no'ng lumea nila. Bukas din naman 'yong rest day niyo so, hope to see you before I go. Love you! Sana mabasa niya ang message ko. Kasi mahirap na kapag sa email na lang kami mag-uusap. Para at least makausap ko man lang siya sa huling sandali. ~TINININININININININTITITINININININININININININTINTINTININ~~ Wala ba silang kasawa-sawa sa pagtawag sa akin? Ugh! Ma-i-block nga- Limse! Tumatawag na naman siya? "Hello?" Bungad ko "What did you do, Hera!? Sinayang mo ang opportunity mo! Bakit ka pa nagquit? Eto na oh! Nasa harap mo na nilayuan mo pa!? Sna isinantabi mo man lang ang galit mo sa Montréals. Hera, this is showbiz. Hindi kahat ng personal problems mo, e dadalhin mo rito!? No! Magkaiba ang showbiz sa reality, Hera-" Pinutol ko na ang sinasabi niya dahil hindi ko na kaya ang mga pinagsasasabi niya. "So, tumawag ka lang para bungangaan ako? Edi sana nagset ka na lang ng meeting para doon mo na lang ako bungangaan. At least makakasigurado kang hindi kita bababaan." Iritable kong sabi bago babaan ang phone. Komportable ako sa mga ginagawa ko dahil alam ko namang hindi niya ako kayang bitiwan. First of all, sikat na sikat ako at malaking halaga ng pera ang nakukuha niya ng dahil sa akin. Second, hindi siya ang kumuha sa akin kundi ang pamilya ko ang kumuha sa kanya. And third, alam ko naman dati pa na patay na patay siya sa akin kaya kahit na inis na inis na siya tinitiis pa rin niya. RALSHÉ'S POINT OF VIEW 'It's cold. It' s too cold.... Bumangon ako at tumayo mula sa isang grand sofa na nasa gitna ng isang kwarto at nasa ilalim ito ng isang dambuhalang chandelier. Hinayaan ko na lamang ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan. Panay tingin lamang ako sa mga antique paintings na nasa paligid not knowing na nakarating na pala ako sa dapat kong puntahan. I saw ate from afar. She's wearing a uniform. I don't know if that's the uniform of their university or what. Basta nakatayo lang siya roon. Nakikita ko siya pero hindi niya ako nakikita. Tapos may isang lalaking halos kasintangkad niya lang ang lumapit sa kanya and the next thing I saw, he's now stabbing her with a sword. Gustuhin ko mang tumakbo'y hindi ko magawa. Gustuhin ko mang sumigaw pero wala namang lumalabas na boses sa aking bibig. At doon na lamang ako nanghina ng tuluyan nang makita siyang dahan-dahang bumabagsak sa kanyang kinatatayuan habang nakatusok sa kanya ang espadang ngayo'y mas naging malinaw na sa aking paningin. Espadang may tatak na cresset sa hawakan nito.' Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog dahil sa sama ng panaginip ko. Agad kong kinagat ang unan ko bago tumayo sa kama. Tiningnan ko ang orasan at laking inis ko nang makitang 8:30 na. Dahek! Thirty minutes late na ako. Dali-dali akong nagtungo sa computer room at agad binuksan ang desktop ko. Nagmamadali kong binuksan ang email ni ate at muking binasa ang message sa kanya ni HE Miongwa. Pumukaw sa atensyon ko ang pangalan ng university na papasukan niya. 'Soner Stapphanire University' Parang may hidden meaning ang pangalan nito. Hindi ko nga lang alam sa ngayon kung ano. Sa panaginip ko, naka-black na blouse si ate and it is not her uniform while she's still studying at Ceres. Sunod ko namang tiningnan ay ang soft copy ng letter na pinadala ni HE Miongwa kina mommy and daddy pero wala akong nakita roon. Wala man lang suspicious word na nandoon kaya naman binuksan ko na lamang ang dictionary sa computer ko. I'm not an idiot pero nagbabakasakali lang naman akong makatulong ito. Tapos kapag wala na naman akong napala rito edi gagawin ko na 'yong plan C ko. Pero sana naman may mapala ako rito dahil hindi madali ang sunod na planong naiisip ko. Sa right box, naka-automatic English na siya. Sa left box naman, nakalagay ang Chinese (Simplified). Pinindot ko ito at pinalitan ng detect language at sinimulan nang magtype. 'S-T-A-P-P-H-A-N-I-R-E' ang una kong tinype pero nacopy lang ito sa right box. Pero laking tuwa ko pa rin nang kusa siyang malipat sa Latin language ngunit nadismaya na naman ako nang macopy na naman ito sa kabilang box. Parang dapat ko itong bawasan ng letters. Trial and error ba. It took me a few minutes to get the right word. 'S-T-A-P-A-N-I-R-E' ang tanging word na tumugma para lumabas ang highlighted word na 'Romanian' sa lower right nito. Pinindot ko ito at doon ko nakita ang English translation nito na 'Dominion'. Nagscroll down pa ako hanggang sa isang salita ang umagaw ng aking pansin. 'Empire'. Isang pangyayari ang bigla kong naalala nang mabasa ko ang salitang ito. "Ralshé, hanapin mo nga 'yong Bellona Empire..." Agad king isinulat sa isang papel ang word na stapanire at saka pinagswap ang dalawang languages. Sa pagkakataong ito, ang word na 'Bellona' naman ang tinype ko pero wala na namang nangyari. I guess wala naman talagang mailalabas na translation ang Bellona dahil isa lamang itong pangalan ng Roman goddess of war. Gaya ng ginawa ko kanina, binawasan ko ang letters nito at tanging ang first four letters kang ang tinira ko at doon lumabas ang word na 'clopot'. Dahil sa hindi pa ako satisfied sa nakita, iniscroll down kong muli ito para maghanap ng synonyms ng word na ito hanggang sa mahagip ng aking mata ang salitang 'Sonerie' na hindi nalalayo sa first name ng university na papasukan ni ate. Nagmamadali ko ulit itong isinulat pagkatapos ng Stapanire at saka binasa ng mabuti. 'Stapanire Sonerie' Napailing ako nang mabasa ito kaya naman pinagpalit ko ang dalawa. Ngayon, 'Sonerie Stapanire' na ang basa ko rito na mas lalong lumalapit sa pangalan ng Soner Stapphanire. Sinubukan kong lagyan ng 'University' sa dulo nito at saka muling binasa. "Sonerie Stapanire University... Or.." Sinulat ko ang Soner Stapphanire sa ibaba nito. "Soner Stapphanire." Tsk. Inilagay ko naman ang point ng pen ko sa ibaba ng dalawang salitang iyon saka sinulat ang English translation no'n. 'Bell Empire' "Tsk. Bell Empire.. O kung pahahabain, ang kalalabasan.. Bellona Empire. Tsk." Muling pumasok sa isip ko ang boses ni ate. "The end is near... 'yon 'yong sulat na natanggap ni ate mula sa Bellona Empire." So, ibig-sabihin ang papasukang university ni ate na 'Soner Stapphanire University' ay tinago pala mula sa pangalang 'Bellona Empire' na siyang nagpadala ng sulat sa kanya bago mangyari ang false alarm na ikinapahamak ng marami at ang pagkasunog ng Ceres. Edi.. Ibig-sabihin ba noon, konektado ang lahat ng 'to sa panaginip ko? At kung tama nga ang lahat ng hinala ko, ibig-sabihin nanganganib ngayon ang buhay ni ate at lahat ng iyon ay dahil sa kagagawan ko na gawa ng pag-aasam ko na makuha ang Codex Leicester na siyang pinangako ni daddy sa akin. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si ate pero hindi siya sumasagot. Sinubukan ko naman siyang itext gamit ang country codes na tinuro ko sa kanya para hindi malaman no'ng mga kasama niya 'yong sinabi ko sa kanya. Iyon ang napili kong ituro sa kanya dahil sobrang dali kang no'n. Matalino siya sa academics pero slow siya pagdating sa codes. At kung mabasa man niya ito, sana naman matandaan niya kahit ngayon lang ang mga ito. '?? . ?? . ?? . ??. ??. ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? . ?? .' Cinopy-paste ko iyon at muling isinend sa email niya matapos maisend sa Messages niya. At dahil sa kailangan niya nang mabasa iyon, nagtungo ako sa elevator at pinindot ang B2, short for basement 2. Naglakad ako ng naglakad sa cave hanggang sa marating ko ang harapan ng sliding iron doors ng IT Studio. Inilagay ko ang fingerprint ko at bumukas ang PIN key. Kinuha ko naman ang papel na palagi lang nasa bulsa kobat kinopya ang password nito. 'Hx68t_65tGyuipo' Bumukas naman ang dalawang naglalakihang pinto at muling bumungad sa akin ang hi-tech atmosphere. Lahat naman sila'y nagbow nang makita ako. Sinalubong ako ng isang babaeng may nameplate na CHIXY. "Good day, Lady Ralshé, what can we do for you?" Aniyang nakangiti Ngumiti rin ako dahil nakangiti siya. Nagtungo ako sa round table at umupo sa upuan. "Upo ka po." Pinaupo ko si Ate Chixy na mukhang hindi uupo hanggat hindi pinapaupo. "May problema po ba?" "Please, 'wag mo na akong i-po dahil hindi talaga ako sanay." Diniretso ko na siya dahil iyon naman talaga ang totoo. Napangiti na naman siya sa sinabi. "Ganto kasi 'yon" Paninula ko at lahat ng atensyon nila' y nasa akin na. "Narinig ko po sa usapan nina daddy at no'ng secretary ng Monocco Main na magpapalagay siya ng chip doon sa bag ko na kasama ng school supplies ko para mamonitor niya po kung ano ang mga pinaggagagawa ko. Ngayon, dahil sa nauna na kaming bumili ni Yaya F ng supplies, binigay ko na lang 'yong bag kay ate. Swak naman po 'yon sa taste niya kaya tinanggap niya po iyon." Huminto ako ng panandalian para huminga. "E kanina, paggising ko, 8:30 na, so ibig-sabihin, nakaalis na si ate at paounta na siya ngayon sa Soner Stapphanire University kung saan siya mag-aaral. Sigurado po akong dala niya ngayon 'yong bag na may chip dahil wala na iyon sa kwarto niya nang halughugin ko iyon. E malakas ang kutob ko na hindi siya safe sa university na iyon dahil unang-una, hindi naman iyon kilala at pangalawa, wala akong nahagilap na kahit na anong information about doon." Isa-isa kong sinulyapan ang mga mata nilang titig na titig sa akin. "Kaya po ako pumunta rito dahil gusto kong magpatulong sa inyo na i-monitor si ate. Please." Tumayo naman si Ms. Azhel at saka nagsalita. "Narinig niyo ang sinabi niya. Go." Sabay-sabay naman sikang nagsitayuan at bumalik sa kani-kaniyang pwesto. "Lady Ralshé." Pagtawag niya "Tara po." Tumayo naman ako at sinundan siya sa table niya. Pinaupo niya ako sa little sofa na nasa tabi ng table niya. "Relax lang kayo. We'll try our best para matulungan kayo." HERA Binuksan ko ang aking bag para tingnan kung may nagtext ba sa akin o wala. Kanina kasi narinig kong tumunog ito pero hindi ko nga nasagot dahil may kausap pa ako. Pero nang buksan ko ito'y wala akong nakitang kahit na anong notifications. Walang miscalls, unread messages and chats kaya naman ibinalik ko na lang itong muli. Quarter to nine na pero hindi pa kami nakakarating sa SSU. Kung saan-saan na kami lumiko pero hindi pa rin namin iyon natutunton. Maya-maya pa'y huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na pader. Napangiwi ako sa nakita. Ang sukal naman ng daanan. Bumaba na ako. Inaasahan kong tutulungan nila akong ibaba ang mga bagahe ko pero nanatili lamang silang nakatayo sa likuran ko. Aish. Mga bulag. Ako na lang din mismo ang bumitbit ng bag ko dahil nakakahiya naman kasi sa kanila, e. Baka umiyak pa sila. Nang maibaba ko na ito, nagsimula nang maglakad 'yong isa sa F4. Sinundan ko naman siya habang hila-hila ang aking luggage bag. Kung saan-saan kami nagpaliku-liko hanggang sa marating na namin ang gitna ng pinakagitna ng kagubatan. "Eto na ba 'yon?" Tanong ko ngunit paglingon ko'y wala na akong kasama. Bigla akong kinilabutan. Saan sila nagpunta? Bakit sila biglang nawala? Paano nangyari iyon? Mga ninja ba sila? O mga aswang sila? Agad kong dinukot ang Rosary ko sa bag at isinukbit ito sa aking leeg. Tuwing ginagawa ko ito, nababawasan ang takot ko. Naglakad ako dala ang aking mga bagahe patungo sa isang napakalaki at malapalasyong lugar. Napakaganda ng labas nito. Sana sa loob ganoon din. Binilisan ko na ang paglalakad dahil hindi na ako makapaghintay pang makita ang loob. "Ang elegant ng place." Aniko sa isip. Pagpasok ko sa gate, mas lalong luminaw sa akin ang buong lugar. Am I in the Royal World? Binuhat kong mag-isa ang mga bagahe ko dahil wala namang tao rito sa labas kaya walang tutulong sa akin. Nakangiti kong pinasok ang palasyo dahil sa sobrang ganda nito. Ngayon lang ako sa buong buhay ko nakarating sa ganito kagandang lugar. Pero habang napapalapit ako sa doorknob, unti-unting nag sink-in sa utak ko ang lugar na palagi kong napapanaginipan. Natigilan ako at inilayo ng bahagya ang kamay. "Hindi ba't eto 'yong nasa panaginip ko?" Muli na naman akong kinilabutan. Paano ba ito? Paanong nangyaring ganitong-ganito ang lugar na nasa panaginip ko? Imposible namang nag lucid dream ako dahil wala naman akong ganoong skills. Kaya paano nangyari ang bagay na ito? Isinantabi ko muna ang mga naiisip ko at tuluyan nang pinasok ang lugar. Pagtapak ko sa loob ay nagukat na naman ako nang makita ang entrance nito. Pagpasok ko'y bumungad agad sa akin ang isang napakalaking bilog na red carpet na may tatak na pinagkrus na espada at cresset sa gitna. Nasa paligid naman nito ang dalawang naglalakihang mga hagdan at nasa pinakataas nito ang isang dambuhalang Spectra Crystal Chandelier. Ganitong-ganito nga ang nasa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali. "Psst." Kinilabutan na naman ako for the nth time nang marinig ang sitsit na iyon. Dapat na ba akong mag helmet dahil baka mangyari nga ang nasa panaginip ko. Baka mamaya mahampas na naman ako sa ulo at magising ako sa katotohanang wala talagang nag-e-exist na ganito. "Psst." Muli niyang pagsitsit. Ako lang ang nandito. Teka. University ba talaga ito? Bakit parang walang katau-tao? Hindi ako sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad nang biglang dumilim ang aking paningin. Naramdaman kong bumabagsak na ako sa sahig at isang imahe ng tao ang aking nakita bago ako tuluyang mawalan ng malay. –- Nagising ako ng nasa isang hospital bed na ako. Mayroong isang nurse ang nakatayo sa 'di kalayuan habang may hawak-hawak na tray at papalapit ito ngayon sa akin. "Gising ka na pala, miss." Aniya Hindi ko alam pero parang iba ang naging pakiramdam ko sa kanya. Nakangiti siya sa akin pero walang emosyon ang kanyang mata. Halatang plastic. Kasimplastic ni Raizel. "Asan ako?" Bungad ko hababg nakagawak sa ulo kong may bandage. "Nasa clinic." Pamimilosopo niya at inilapag ang tray sa table na nasa gilid ng kama ko. "Aalis na ako." tugon ko hinintay ko ang pagpigil niya sa akin ngunit gano'n na lamang ang aking pagkagulat nang magtungo siya sa kabilang dulo ng clinic at sabihing "Go." Sabi ko na nga ba't hindi ako nagkamali. May attitude din 'tong nurse nila. Tsk. Ano ba namang klaseng university 'to? Dapat hindi lang sila nag-b-background check. Dapat nag-a-attitude check din. Dinukot ko sa bag ang map at hinanap ang SonerPass. Buti talaga at wala akong nakalimutang kahit na anong requirements. Nakita ko ang SonerPass sa map na nasa dulo ng nilalakaran ko ngayon at tinungo iyon. Binasa ko naman ang nakaukit sa itaas ng pinto. 'Senior Hujik' Kumatok muna ako ng tatlong beses gaya ng ginagawa ko sa tuwing papasok ako sa office ni lolo. "Come in." Anito at pumasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang isang napakalaking black carpet na may lining na gold sa palibot nito. "Is this the-" "SonerPass." Pamumutol niya sa tanong ko. Aba! Pati ba naman siya ma-attitude? Kinuha ko mula sa bag ko ang SonerPass ko at iniabot ito sa kanya. Walang imik naman niyang kinuha ang isang papel mula sa drawer niya at ibinigay ito sa akin. Binuksan ko naman ito at laking gulat ko nang makitang isa itong map. "Map again?" Paninigurado ko dahil baka nalito lang siya pero wala akong natanggap na kahit na anong sagot kundi matatalim na titig mula sa kanya. "MA-attitude ang mokong." bulong ko sa sarili bago lumabas sa office niya. Muli kong binuksan ang map at tinungo ang school hall. Entrance pa lang pala 'yong kanina. Limse! Ang laki naman neto? Elegant na 'yong entrance nito e paano pa kaya kung school hall? Kung saan-saan ako nagpaliku-liko hanggang sa tumambad sa akin ang dalawang naglalakihang dark oak doors. 'Di ba ganito 'yong nasa Minecraft? Bubuksan ko na sana ng pintuan nang biglang magring ang phone ko. Kino'na ko ito at laking pagkadismaya ko nang makita ang pangalan ni Mr. Dale sa screen ko. Akala ko ba they can communicate with me through email, edi dapat nagpa-signal ban sila rito. Ugh! Nakatawag na naman tuloy siya. Maya-maya pa'y nag-end na rin ito. Hindi ko ito sinagot dahil hindi ko nagustuhan 'yong pagsigaw-sigaw niya sa akin kanina. Akala ba niya– Muling nagring ang phone ko pero this time hindi siya ang tumatawag. "Oh bakit?" "Ate. Salamat naman at sumagot ka." "Don't waste my time. Ayokong pinaghihintay ako." Kahit ba kapatid ko siya hindi naman masamang gantuhin ko siya. HAHA! "Ate, I'm not joking. I'm serious." Anito sa nanginginig na boses. "May humahabol ba sayong monster? HAHA!" "Ate!" Halos mailayo ko ang phone na nakagukit sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "Psh. Bagay kayo ni Hersh magsama. Masyado kayong maingay. High-pitched. Weird. Madaldal. Ma-" "Ate, don't you dare to trust anyone." Nahinto ako sa sinabi niya. Really? "At bakit naman?" Alam kong alam niya na ugali kong lumayo sa mga tao at iwasang magkaroon ng mga kaibigan pero eto ang unang pagkakataon na sinabi niya ang ganoong bagay sa akin. Na huwag akong magtiwala sa kung sino. "I'm not friendly." Tugon ko. "But you trust people easily." Pagsalungat nito. "Ay alam ko na, gusto mong sabihin kong I miss you? Oh sige kahit dalawang oras pa lang tayo nagkakahiwalay, sige I miss you" Natagalan bago siya magsalita. "Alam mo ate, mas marami ka pang sinasabi kaysa sa akin, e." Usal nito. Oo nga, noh? "Ate, please," Dagdag niya "Kahit ngayon lang magtiwala ka sa akin. Ate, please..." Hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin. Ano ba ang gusto niyang sabihin? "Ate... Sorry kasi hindi ko sinabi sa'yo 'yong totoo" "Anong totoo? May revelation bang mangyayari?" Pang-aasar ko pero sa totoo lang naiinis na rin ako. "Ate, no'ng time na pinatrack mo sa akin 'yong number ng prank caller mo, 'yong totoo niyan, nakuha ko na ang location niya pero dahil nga kasi pinagalitan mo ako no'ng nakaraan, mas pinili kong hindi na kang sabihin sa iyo. Akala ko kasi tulad lang siya ng mga prank callers mo kaso mali pala ako. Ate, alam ko kung nasaan siya. Ate, nanjan siya ngayon. Malapit ka na sa kanya. Ate, 'yong number mo ang nakita kong number na gamit niya. Natatandaan ko pa iyon. Please, ate. Maniwala ka." Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko at hindi na siya sinagot. Limse, Ralshé! Bakit ngayon mo lang 'to sinabi? Pinagalitan kita kasi sumagot ka ng pabalang sa akin na hindi mo dapat ginagawa. Bakit ka nagtanim ng sama ng loob? Unti-unti kong inangat ang aking mga paa upang humakbang papalapit sa pintuan. Pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa aking luggage bag habang tinutulak ko pababa ang golden lever knob ng isa sa mga pinto. 'BLAG!' Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa akin kanina pagpasok ko pa lang ng University. May isang taong pumalo sa ulo ko dahilan ng pagdilim ng paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Tutuloy pa ba ako o aatras na lang? Pero nandito na rin naman ako, e. "Ang tagal mo namang pumasok. Kanina ka pa, e." Natigilan ako dahil sa tinig na aking narinig. Lumingon ako sa aking kanan at tumambad sa akin ang isang lalaking mas matangkad sa akin, naka-quiff at may highlight na red at nakasuot ng silver necklace na may dragon as pendant. "Na-love at first ka, noh?" Napangiwi ako sa tanong niya. Seriously? Nahihibang na ba siya? "Who are you?" Kunot-noo kong tanong. "Whoa! Hindi mo ako kilala? Huh! Bago ka pa lang pala." Dumapo ang tingin niya sa bagahe ko. Nanatili lang ang mga mata ko sa kanya hanggang sa ilahad na niya sa akin ang kamay niya. "Atrhon Garcia." Atrhon? As in Eytron? Tiningnan ko lamang siya at ibinalik na ang kamay sa lever knob na ngayo'y nakapatong na sa kamay niya. "Tsk. Hindi pa nga kita kilala nanghahawak ka na ng kamay." Nakangisi niyang ani. "Nahuhibang ka na ba!?" "Chill! HAHA!" "Alisin mo 'yong kamay mo!" "Hindi ba dapat ikaw ang mag-alis ng kamay mo?" Marahas kong tinanggal ang kamay ko at inilipat sa kabila. No choice ako kundi buksan na lamang ito dahil ayokong masira ang araw ko ng isang mokong. Nagulat naman ako sa tumambad sa akin. Isang napakalawak at madilim na lugar at tanging mga cresset lamang ang nagbibigay liwanag dito. Kapansin-pansin din ang red carpet na tinatapakan namin ngayon ni Atrhon. Hindi ko naman maiwasang mapangisi dahil sa mga titig ng nga estudyanteng pagala-gala rito. Pati pala sa lugar na ito, sikat ako? "Who is she?" tanong no'ng isang babae sa kasama niya. Napalitan naman ang mukha kong nakangisi ng mukhang nakabusangot. Seriously? Hindi nila ako kilala? Kawawa naman sila. Lumingon ako sa aking likuran at nakitang wala na si Atrhon. Buti naman. "Newbie." bulong naman no'ng isa. Hindi talaga nila ako kilala? Wow naman! First time mangyari 'to, ah! Mga hindi sila updated! Kinuha kong muli ang map at hinanap ang magiging dorm ko. Bakit kaya kadalasan sa mga nakakainis mga babae? Hindi ko na sila pinansin at naglakad na patungo sa dorm ko. Pero habang binabaybay ko ang daan ay mayroon akong nakitang nakaukit sa isa sa mga corners ng hallway na siyang ikinamutla ko. 'Welcome to Bellona Empire' ang nakalagay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD