13: Arrow

4983 Words
HERA Hindi ako makapaniwala sa nabasa. Talaga bang eto ang Bellona? O lumabo lang ang aking mata? Pero talagang hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga ito o hindi. Kung hindi, safe ako at kung oo naman, kinakabahan na ako. Kung totoong eto ang Bellona Empire, ibig-sabihin sila ang nagpadala ng threat sa amin or worst, baka sila pa ang may kagagawan ng pagkasunog ng Ceres. Dahan-dahan kong ibinalik ang aking paningin sa map at saka itinuloy ang pagtahak sa daan patungo sa dorm room ko. Napakalaking pagkakamali kung totoo nga ang hinala ko pero sana naman hindi. Dinala ako ng mga paa ko sa harapan ng isang iron door. May pin na kailangan para mabuksan ito kaya naman muli akong tumingin sa map na ibinigay sa akin ni Senior Hujik at naghanap ng kung anu-anong pin and fortunately, may 6 digits akong nakita. '072476' Bumukas naman ito pagkalagay ko ng pin at bumungad sa akin ang isang napakaganda at eleganteng unit. Pagpasok ko naman sa loob ay kusang nagsara ang pinto. Inilibot ko ang aking paningin at muling namangha sa ganda ng paligid. Grand sofas, paintings, large vases, at siyempre, hindi mawawala ang chandelier na nakasabit sa pinakatuktok ng room. Two storey unit ito at ang staircase lamang sa bandang kaliwa ang nagdurugtong sa ground floor and second floor. Nilibot ko muna ang ground floor kung saan naroon ang kitchen, studio room at dining area. Sunod ko namang nilibot ay ang second floor kung saan naroon ang kwarto ko. May isa pang kwarto rito pero hindi ko alam kung ano ito. Basta ang kwarto ko na lang ang pinagtuunan ko ng pansin- "Hello." Bati ng isang tinig Natigilan ako sa pagpihit ng seradula ng pinto. Akala ko ako lang ang nandito? "Hi." Lumingon ako sa kaliwa at nakita ang isang babaeng short hair na medyo kulot sa dulo at may purple highlight, maganda, maputi at halos magkasintangkad lang kami. "So, ikaw na pala 'yong bago kong housemate." Aniya "Well, I'm Veilar Angeles. And you are?" "Hera Micolah." Tugon ko at nakipagkamay sa kanya. Professional ang datingan niya. May pagka- mysterious pero okay na rin. Pero feeling ko boring siya kausap because she speaks in monotonous way. Para bang wala kang maririnig na saya o lungkot sa salita niya. As in mahirap siyang basahin. "Pleased to meet you." Sambit niya umayos ng tayo. Akala ko naman matutuwa siya dahil isang artista ang nakipagkamayan sa kanya ngunit nagkamali ako. "Well... Papasok na ako sa room ko." Paalam ko at tumango naman siya. Pinihit ko na ang seradula ng pinto at saka iyon itinulak. Bumungad naman sa akin ang isang master bedroom dahilan para mapanganga ako. Seriously? Nasa dorm pa ba ako? Pumasok na ako sa loob at isinara na ang pinto. Napakalamig ng paligid dahil sa bukas na aircon. Siguro alam na niya na may darating kaya binuksan na niya 'yong aircon o baka naman hindi talaga 'to pinapatay? Isinaayos ko na ang mga damit ko sa cupboard at inilagay na sa tamang lalagyan ang aking nga kagamitan. May pagkamodern ang kwartong ito pero medyo hindi nga lang ako satisfied dahil wala itong bintana. Kulob ito at wala rin akong masasagap na fresh air sa umaga. But, over all,maganda naman. Ang layu-layo talaga ng hitsura nito sa school hall. Para bang eto ang totoong karugtong ng entrance ng... Bellona. Kinagabihan naisipan kong bumaba para kumain. Hindi ko pa rin pala alam ang schedule ko dahil wala pa ako sa mood para malaman iyon. "Kain." Alok niya pagkababa ko. May pinanonood siya sa tv pero balita lang iyon. Tumango na lang ako at kumuha na rin ng pagkain sa ref. Ugh! Paano na ito? Nakalimutan kong magdala ng apple cider? Umupo ako sa kabilang dulo ng lamesa at saka sinimulang kumain. "Wala na bang ibang palabas?" Paninimula ko ng conversation "Oo." Sagot niya at isinawsaw ang tinapay sa kape. Wow! As is lang talaga ang sagot niya, ah. Kung ano 'yong tanong ko sasagutin niya lang 'yon. Basta kung ano lang dapat ang sagot sa tanong ko, iyon lang talaga ang sagot niya. Aba naman! Dapat pala si Hersh na lang 'yong nandito, e. Tingnan natin kung hindi siya magdaldal ng todo-todo. "Alam mo ba 'yong history ng Soner?" Bumwelo muna ako bago nagtanong. Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Bakit mo naman natanong?" Balik nitong tanong sa akin. So, sino dapat ang unang sumagot? Ako o siya? 'Di ba siya? Kasi siya 'yong una kong tinanong. So dapat bago siya nagtanong, e sinagot niya muna sana 'yong tanong ko. "Wala lang." Ani ko at sumubo na ng kanin. "You better not ask." bulong niya pero hindi ko na lang pinansin kahit kating-kati na 'yong dila ko na magtanong na naman kung bakit hindi ako pwedeng magtanong. "Nasa sala na pala 'yong schedule and I.D mo." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at matapos ay nagtungo na ako sa sala. Nilibot ko naman ang paningin ko para hanapin 'yong sinasabi niya at nakita ko nga. Nasa sofa lang 'yong I.D at schedule ko. Kinuha ko ito at binasa. IDENTIFICATION CARD Hera Micolah 4-A 99786314788 We? Eto lang ba ang nakalagay sa I.D namin? Wala na bang additional keme-keme sa likuran? O kaya naman school year? Basta etong tatlo lang ang nakalagay? Wow! Ibang klase! Sunod ko namang binasa ay ang schedule ko. 7:00-10:00: English & History 10:00-1:00: Math & Computer 1:00-3:00: Biology & Chemistry 3:00-5:00: Break 5:00-7:00: Self Defense Lesson 7:00: Dismiss Twelve hours ang pasok namin? Bakit parang sobrang haba naman ata? Kadalasan kasi six to seven hours lang. 'yong iba nga three hours lang, e. Pero eto, twelve hours? Ang lupet naman. Tapos wala pang artist workshop dito. Pero okay lang, ako na lang ang mag-isang aarte sa harap ng salamin. Sabi kasi ni Mother Ailux na hindi ako pwedeng tumigil sa pagsasanay kahit ako lang mag-isa para raw mas lalo kong mahasa at hindi matulog ang acting skills ko. "Bukas na ba talaga ang start ng class?" Naupo na rin ako nang makita siyang nakaupo na sa sofa "Walang orientation o kaya uni tour para 'di maligaw ang mga estudyante?" Nagdekwatro naman siya at kumuha ng diyaryo. "Nope. Hindi uso ang gano'n dito." As is lang talaga ang sagot niya. "Naku, hindi. Walang gano'n dito. Hindi uso 'yong mga ganyan-ganyan sa University na ito. Mga snabera't snabero ang mga tao rito pati na rin 'yong mga teachers kaya wala kang mapapala rito. Nagtataka nga ako kung bakot ka pa pumasok dito. Naku! Sana naman talaga ay hindi mo na lang tinanggap 'yong offer KUNG may offer man, e. Tsk. Tsk. Kasi tingnan mo, magsisisi ka rin bandang huli. Hay naku! Dapat kung wala nang tumatanggap sa mga sikat na University, dapat hinintay mo na lang na magwakas 'yong school year tapos saka ka na kang umuoit o kayasa naman na magtiis ka rito. Hay naku! Sayang talaga, miss." Natawa na lang ako sa naisip ko. Kung si Hersh lang talaga ang nandito, baka ganyan na ang naisagot niya sa akin. HAHA! "Why are you laughing?" Nahimasmasan ako ng magsalita siya. "W-wala lang." Aniko at kinuha na 'yong I. D. at schedule ko. "Akyat na ako sa taas. Bye!" Patakbo akong umakyat at pumasok sa kwarto ko dahil trip ko lang. Basta gusto ko lang. Mabilis kong itinago ang schedule at I.D ko sa aking bag. Although may lace na siya, mas prefer ko pa rin 'yong tinatago sa bag dahil baka mamaya, kapag nakipagsiksikan na ako, e maputol bigla ang lace at mawala pa ang I. D. ko. Oh, 'di ba. Edi magiging poor na ako no'n at hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Kinabukasan, maaga akong gumising dahil maaga ang pasok namin. Agad akong nag-almusal sa baba at muling umakyat para maligo. Happy naman ako dahil nadala ko ang aking makeup kit kaya makakapagretouch ako anytime anywhere. 6:50 na ng matapos akong mag-ayos dahil masyado pa akong nagpaganda lalo na't first day ngayon at mas marami na akong makakasalamuha kaysa kahapon na puro mga maldita lang ang nakasalubong ko sa daan. Nilibot ko ang buong unit para tingnan kung nandito pa siya pero wala na akong nakita. Siguro lumabas na 'yon. Hindi ako hinintay. Magaling kasi siya. Paglabas ko ng room, nilibot ko ang buong hallway kung saan nagkalat ang mga estudyante dala-dala ang kanilang mga bag. 'yong iba balisang-balisa. 'yong iba naman, pachill-chill lang na para bang hindi sila ma-la- late... Teka. 6:56 na. OH to the MY to the G! Four minutes na lang at start na ang class!! Pero nasaan ba ang room ko? Limse naman oh! Bakit ba kasi walang uni tour dito? Diretso klase agad. Tapos 'yong housemate ko pa napakadaldal. Hay naku! Sobrang pangit kung first day pa lang late ka na. First day pa lang sira na agad ang image mo. Naku po! Paano na this!? Sinubukan kong hanapin ang room 4-A na nasa I. D ko pero sobrang laki talaga nito, e. Nakakainis na. Naiinis na talaga ako. Malapit na sa gal- "Arouch!" Napatingin ako sa nakabunggo sa akin at nakitang si Dragon 'yon. "Oops! Sorry." Anito at tiningnan lang ako. Nagawi naman ang paningin ko sa I. D niya at nakitang 4-A din siya. "4-A? Room ba 'yan?" Nag-aalangan kong tanong dahil hindi ko pa naman siya kilala tapos ganoon pa ang ugali niya. "HAHAHA! Hindi mo alam 'to?" Sabi na nga ba, e. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pagtataray ko. "Bago lang ako rito, Mr. Atrhon Garcia kaya 'wag na 'wag mo kong gaganyanin." Tch. Bakit ba ako naduduwag na tawagin siya sa codename niya? Pati kay Sky gano'n din. Ugh! And speaking of Sky, kumusta na kaya siya? "Chill! Ikaw kasi, e galit ka agad, e." "Kung ayaw mo kong sagutin edi 'wag." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa braso ko. "Wait. Eto naman, oh. Oh, eto na nga-" Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa akin dahil nakakadiri siya. "Kung sasagutin mo ako, sagutin mo na lang ako. Ang simple-simple lang ng tanong ko pinapahaba mo pa." Natigilan siya sa sinabi ko at nakipagtitigan lang sa akin. Akala niya siguro na bibigay ako. Heck. No! Never pa ako natalo sa larangang 'to. Maya-maya pa'y napangisi siya at dahan-dahang naglakad nang bigla akong hinila palayo sa spot na iyon at saka nagtatakbo ng sobrang bilis na para bang matatanggal na ang braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "LIMSE! Bitiwan mo 'ko. Nakakadiri!" Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa. "Ano ba 'yong limse?" Tanong niya pa na para bang tuwang-tuwa pa sa ginagawa niya. "Dragon pwede ba!?" "Shh" "Para ka namang timang, oh!" Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Nakakainis na. Huminto kami sa tapat ng isang iron door. May pinindot siyang pin at kusa na naman itong bumukas. Ngunit pagbukas nito'y may isa na namang iron door ang bumulaga sa amin. "Wow, ah! Paka-high-tech naman neto." Bulong ko sa sarili Sa Transford at Monocco lang kasi madalas nakikita ang mga ganitong achuchuchu. "Talaga." Anito Bubuksan na sana niya ang pinto ng mapagtanto kong nakahawak pa rin siya sa kamay ko kaya gaya ng kanina, marahas ko itong tinanggal dahilan para magulat siya. "May masama ba?" Inosente niyang tanong. "Oo!" Bulyaw kong muli at this time, mas nilakasan ko na ang boses ko dahil kami na lang naman ang nandito. "Tch." Pinindot niya ang pin habang umiiling-iling. "Saan ba tayo pupunta? Bakit puro bakal lang ang nakikita ko?" tanong ko ngunit hindi lang siya sumagot bagkus ay nagpatuloy sa pagpindot ng pin. "Welcome to Section A!" Mala-narrator niyang tugon at kasabay noon ang pagbukas ng iron door. Halos hindi ako makapagsalita sa nakita. Hindi ako nagandahan bagkus nagulantang. Ano 'to!? Section A ba talaga ito!? E bakit ang gulu-gulo? Bakit may nagbabatuhan ng mga papel? Bakit ang kalat? Hindi naman sa madumi 'yong room pero ang kalat ng paligid. May cleaners ba sila? Janitors gano'n? Kung meron bakit ganito? Kung wala naman, anong klaseng university 'to? Natigilan ang lahat sa pagpasok naming dalawa at sa isang iglap lang ay umayos na ang classroom A. Para kaming stars of the night na pinagtitinginan ng lahat. Hindi naman na ako naiilang dahil sanay naman na ako titigan. Sanay naman na akong tingnan. Sanay naman na akong tingalain. "The king." bulong no'ng isa sa kasama niya pero nanatili naman sa akin ang tingin no'ng kausap niya. What? Did I hear it right? King? Mala-gangster siyang naglakad patungo sa gitna at saka inilahad ang kamay sa akin. Hindi ko naman iyon iniabot kasi naman nagsalita na agad siya. "This is the new student. Hera Micolah. Don't hurt her. Respect her. And treat her like a queen." Maawtoridad nitong tugon dahilan para mapanganga silang lahat. Maya-maya lang, may pumasok na isang babaeng hanggang balikat ko lang at nakasalamin. Iba ang uniform niya kaya napagtanto kong siguro siya na ang first lecturer namin. Pero gano'n na lamang ang gulat ko nang nakayuko niyang inilagay ang kanyang mga gamit sa lamesa niya at walang imik na binuksan ang tv. "Ms. San Fernando." Pagtawag niya rito. So, San Fernando pala ang surname niya. Dumako ang tingin ko sa I. D at saka binasa ng buo ang pangalan niya. 'Mariella San Fernando' "Ms. San Fernando." Pagtawag nitong muli sa mas malakas na boses. "Yes?" Gulat nitong ani. Bakit ba parang takot na takot siya. Ni hindi man lang siya nakasagot sa kaniya noong unang tawag pa lang sa kaniya ni Dragon. "I'll get out of this gruesome room." Paalam nito sabay alis. Napataray naman ako sa inasta niya. Siya kamo gruesome. "You may now take your seat." Maawtoridad na utos ni Ms. San Fernando na biglang nagshift ang emosyon mula sa kaninang takot hanggang sa ngayong taas noo na. Umupo naman ako sa bandang likuran dahil doon lang naman ang may bakante. Nasa pang-32nd seat ako at wala pa akong ka-row. Mayroon itong 6 rows at nasa pang-sixth ako samantalang okupado naman ng thirty students ang five rows. Bigla ko na naman tuloy naalala si Nerd noong unang pasok niya pa lang sa Ceres na siyang kinainis ko. Bakit ko ba siya palaging naaalala? Huh! Sana mabilaukan siya. Nagsimula nang magdada ang lecturer and after no'n, nagpa-quiz na siya agad. As in surprise talaga. Nakakainis kaya 'yon. 'Di man lang kami pinaghanda. Pinapasa na niya sa amin ang aming mga worksheets at ipinatong sa mesa niya. Inilabas naman niya ang cellphone niya at itinutok ang camera sa baeat papers namin. "Hala pi-picturan?" bulong ko sa sarili "I-s-scan lang 'yong sagot." nakangiting tugon no'ng isang babaeng naka-braid ang buhok at may hawak na lollipop. Hindi ko na siya tinanong dahil nakita ko naman ang pangalan niya sa I. D. na 'Maya Lina Wan' at alam kong ganoon din siya. Pero kahit na alam niyang tiningnan ko na ang I. D niya'y inilahad niya pa rin sa akin ang kamay niya. "I'm Lili." Pagpapakilala nito. Wala naman na akong ibang nagawa kundi makipagkamay na rin sa kanya. "He-" "Hera Micolah." Nakangiti niyang ani na para bang kinikilig na ewan. "My gosh, ang lambot naman ng kamay ng idol ko." Hindi ko namang maiwasang mapangiti dahil sa may nakakilala sa akin. Akala ko kasi wala nang nakakakilala sa akin dahil super duper mega omega tago ng lugar na ito. "Lipat ako jan, ah." Sambit nito at lumipat sa upuan na katabi ko dala ang kaniyang mga kagamitan. Ang swerte naman ng babaeng 'to. "Okay, class. I'm glad to say that all of you passed but only one of got a perfect score." Muling nagsalita si Ms. San Fernando habang nasa kanang kamay pa rin niya ang cellphone niya. "And she is Hera Micolah." Nakangiti niyang ano'nsyo ngunit wala ni isa sa mga kaklase ko ang nag-abalang pumalakpak maliban kay Lili. "Ang galing mo talaga!" Puri pa nito sa aiin at may kinuha sa bag niya. "Oh!" Ibinigay niya sa akin ang lollipop dahilan para mapangiwi ako. "Lollipop?" Paninigurado ko at tumango naman siya. "Prize mo kasi nakaperfect ka." Bigla namang nagtawanan ang lahat ng nga kaklase namin. 'yong iba, napapahawak pa sa tiyan. 'yong iba naman pulang-pula na at siyempre, hindi maiiwasan ang makapanakit ng kapwa. Kinuha ko na lamang ito itinaas pa. "Kamsahamnida." Mas lumawak naman ang ngiti niya habang pumapalakpak pa. "That's enough class." Pagsaway sa amin ng lecturer. Hindi naman sila mahirap patigilan dahil section A nga kaso hindi pa rin mawala sa kanila ang silent laugh. "Hayaan mo na sila. Mabababaw lang talaga ang mga iyan." Bulong sa akin ni Lili habang pairap-irap pa. "Pero.. Mahilig ka ba talaga sa lollipops?" Miski ako natawa na rin. "Oo naman." Nagpout siya. AAAAAAAAKKKKK!! CUTE! "Since no'ng bata ako, laging lollipop ang kinakain ko. Buti nga hindi ako nabungal at naka-diabetes." Paliwanag niya sabay sipsip ng lollipop niya. Hindi ko pa kinain 'yong sa akin dahil hindi pa naman breaktime. Mamaya pa iyong three. Matapos niyang magturo, lumabas na siya kaya naman muling gumulo ang section na kinabibilangan ko. "Do you know the history of this university?" Kinuha ko na ang chance para makapagtanong sa kaniya. Wala naman sigurong makakarinig sa amin hindi ba? Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa tinanong ko bagay na nakita ko sa mukha ni Veilar noong tano'ngin ko rin siya ng ganyan. Mas lumapit naman siya sa akin para mas marinig ko ang sasabihin niya. "Sorry pero wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo ang tungkol dito." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Posisyon? Bakit? May hierarchy ba dito?" Paninigurado ko. Baka kasi mamaya nang-e-echoes lang siya. UGH! Mother Ailux, stop bothering me and my language. "Oo nga. Posisyon. As in, hierarchy. Sa mga empires may hierarchy, 'di ba?" Natigilan na naman ako dor the nth time nang marinig ko ang word na 'empires'. So totoo nga? "Bellona Empire." Ang mga mata naman niya ngayon ang nanlaki nang bigla kong sabihin iyon. "Eto 'yong Bellona Empire, tama?" "Y-yes." Utal nitong sagot na para bang nabisto ng isang inosenteng tao. "Kung ganoon, bakit Soner Stapphanire ang inilagay nila sa application form?" Gusto kong malaman kung bakit sila nagsinungaling sa akin. Sa mga applicant. Sa lahat. Kay mommy, kay daddy, kay Ralshé, at siyempre kay lolo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa mga kokote ng may pakana nito kung bakit nila ginawa ito. Pwede namang hindi sila manloko, 'di ba? Pero bakit nila ginawa ang bagay na iyon? Ayoko sa lahat 'yong niloloko ako, mababaw o malalim man ang dahilan. Ayoko sa lahat 'yong pinagmumukha akong engot. Ayoko 'yong ako lang 'yong outdated sa paligid. Ayoko 'yong lahat na ng bagay, tao sa mundo nag-upgrade na tapos ako downgraded pa rin. Ayoko sa lahat 'yong nasa ibaba ako. Ayoko sa lahat 'yong nasasapawan ako. Oo, inaamin ko selfish ako, pero anong magagawa ko? Pinanganak akong ganto edi pangatawanan ko 'to. "Sorry pero... Wala talaga ako sa posisyon para sabihin sa'yo 'yong mga bagay na dapat na malaman mo at 'yong mga bagay na gusto mong malaman." "GOOD MORNING LADIES AND GENTLEMEN!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa tinig na iyon. "GOOD MORNING MS. ENERGEN!" Pabalik na bati nilang lahat maliban sa akin. "So today-Ooh! May transferee! HI! I am Teacher Ass aka Ms. Energen and you are?" Tutok na tutok siya sa mata ko habang pinapakilala ang sarili niya at hawak pa ang ID niya. "I'm Hera Micolah." Nakangiti kong sagot. Talaga namang hindi nila ako kilala, ah. Tinaas niya 'yong index finger niya habang nakatingin pa sa itaas na para bang may iniisip. "Oh! The SUPERSTAR!" Nakangiti nitong ani. I sighed in relief. Akala ko talaga palubog na ako e dahil walang nakakakilala sa akin. "Yes, Ms. Energen." Naging malapit agad ang loob ko sa kanya dahil gaya ni Lili, kilala niya rin ako. Nagsimula na siyang magturo at magpaquiz. At gaya ng kanina nakaperfect din ako. MICOLAH KAYA AKO! Aish! Ang yabang. Oh my gosh, conscience, ngayon ka lang ba nagising kaya ngayon ka lang ulit umangal? HAHA! Sige puyat pa. Pikon ka nga, e. Hindi kaya. Pero mapipikon na ako kapag umangal ka pa. Pikon ka. Talaga namang- "Hera?" Natigilan ako sa pagkausap sa sarili ko nang tawagin ako ni Lili. "Yes?" I said while wearing my very very plastic smile. "Okay ka lang?" Alalang tanong niya "Uhm-oo. Why?" "Kanina ko pa kasi ikaw tinatawag pero mukhang malalim 'yong iniisip mo." Aniya "Ah-sorry. Lutang lang pero ano ba kasi 'yon?" "Nagtext kasi si Ma'am Ruiol sa akin at sinabi na hindi siya makakapasok kasi.." Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Tinatamad siyang gumawa ng slide para sa Chemistry at Biology." Natawa naman ako sinabi niya. MY GOODNESS! May teacher palang tinatamad gumawa ng slide? HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Kung ikaw nga minsan tinatamad mag review ng script kaya napapagalitan ng director. "Shut up!" "Huh?" "Ah.. I said, Shutupbye baby, shutupbye~~" Okay so, kumanta na lang ako kasi wala na rin naman akong ibang ipapalusot. –- Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang 4:45 na. Fifteen minutes na lang at magsisimula na ang self-defense lesson namin. Napaisip nga ako, e. Bakit kaya kailangan pang may self-defense lesson? E kung pinayagan na lang nila sana kami na magdala ng bodyguards edi sana hindi na namin kailangan pang gawin 'to. "Kinakabahan ka?" Tanong ni Veilar nang mapansin niya atang namumutla ako. "Hindi, noh." Bahagya naman siyang natawa sa sagot ko. "Talaga lang, ha?" Iniwan na niya ako sa salas at umakyat na sa kwarto niya. Bigla ko namang naalala 'yong tawag kanina ng mga estudyante kay Atrhon the Dragon at pati na rin ang pag-asta ni Ms. San Fernando sa kanya. King? E mukha nga siyang high sa drugs, e. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Nakakainis. Pareo sila ni Sky. Boring na boring ako sa pinapanood kong balita nang may biglang magpop-up na idea sa utak ko. Dali-dali akong lumabas ng dorm at nagtungo sa hallway. Nagtatatakbo lang ako para hanapin ang Admins' Office nang may bigla akong maalala. "Limse. 'yong map." Bulong ko sa sarili nang mapagtantong naiwan ko ang map sa kwarto. Tsk. Ano na naman kaya ang gagawin ko? Paano kaya ako makakapunta sa Admins' Office at tingnan ang may mga katungkulan? O kaya naman diretso ko nang alamin kung ano ang history nito. Malamang sasaya na ang buhay ko at magiging kampante na ako dahil masasagot na ang mga tanong ko. Diretso lakad lang ako habang binabasa ang mga rooms hanggang sa mabunggo ako ng isang mama. "Tsk. Hindi tumitingin sa dinadaanan." bulong ko na naman sa sarili. Tumayo naman ang isang lalaking mas matangkad sa akin habang may hawak na ballpen sa kaliwang kamay. Gulu-gulo 'yong buhok niya na para bang si Edward ng Twilight at may piercing sa labi niya. Eww. Huminga aiya ng malalim at pinaputok 'yong isa niyang daliri. "Excuse me po, kuya. Hee. Ano kasi nabangga mo ako tapos parang wala lang gano'n?" Sanay na akong manplastik ng ngiti kaya hindi na ako nahirapan pang plastikin ang ngiti ko sa kanya. "Wala lang." Pamimilosopo niya sabay ngisi. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin habang ako nama'y todo kung makaatras. "Hoy! Anong ginagawa m–" Hindi na ako natapos pa sa aking sasabihin dahil mabilis na niya akong naisandal sa pader at kasabay noon ay ang pagbulusok ng isang arrow. "Tsk. Kulang ka sa alertness." Iiling-iling niyang ani. "Nalingat lang ako, may babae ka na agad?" Tugon ng isang tinig. "Oh, sorry babe. Nagligtas lang ako ng nangangailangan." Sagot nito at saka tumingin sa akin. Nagawi naman ang paningin ko sa isang babaeng may hawak na pana habang papalapit sa amin. Tiningnan lang ako nito na para bang nangmamata. Tch. Gusto mo bang tusukin ko 'yong mata mo? "Let's go, babe." Anyaya nito sa 'babe' niya at sabay na silang umalis. UGH! NAKAKAINIS KAYONG MGA TAO KAYONG NANDITO! MGA WALA KAYONG PAKINABANG SA MUNDO! Bago pa naman sila tuluyang makalayo'y hindi ko na napigilan pa ang inis na nararamdaman ko at hinabol na sila sabay suntok sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas kong iyon pero sobra na talaga ang inis ko, e. Nakakainis na talaga. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na minamata-mata ako dahil artista ako. Sikat ako. Tinitingala ako ng marami. Iniidolo ako ng lahat. Hindi 'to pwede. Napamura naman 'yong babae ng sobrang lutong. As in pwede nang iserve sa KFC sa sobrang crunchy. "Hindi mo ba kami kilala?" Aniya "Malamang hindi. Kung kilala ko kayo, sa tingin mo gagawin ko 'yan sa inyo?" Nilabas ko na ang Maldita powers ko tutal kaming tatlo lang naman ang nandito. Natawa naman siya ng bahagya sa sinagot ko. Aba. Baliw na. "Poor." Tugon nito at pinaikut-ikot sa kamay niya ang arrow. "Kung poor ako, anong tawag sa inyo?" Ngumisi ako para mas lalo silang asarin kahit ang totoo'y asar na asar na rin ako sa kanila. Maldita to the highest level! Hera v. 797.89 "Tss. Alam mo-" "Alam ko." Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil alam kong walang kwenta lang naman ang sasabihin niya. "Alam ko na walang kwenta 'yang sasabihin mo." Nag-igting naman ang panga at mabilis na itinurok sa kanan kong braso ang arrow niya. "Ahhhh.." Halos maiyak na ako sa sakit habang siya nama'y todo ngisi "'yan ang napapala ng mga katulad mong walang alam---!" Sa isang iglap lang ay siya naman ngayon ang may tama sa braso niya. "Bullets are better than arrows." Napalingon namam ako sa aking likuran at nakitang papalapit ngayon sa amin si Veilar. "V-Veilar.." Hindi maitago sa mukha ni Arrow Girl ang takot nang makita niya si Veilar. Well, nakakatakot naman talaga siya. "Why do you look so scared?" Anito sa mapang-insultong tinig Pero mapapangiti na sana ako ngunit naunahan na ako ni Arrow Girl. "Nadala ka ba sa acting skills ko? HAHA!" Nakita ko namang hinawakan na siya no'ng 'babe' niyang walang kwenta at hinila na ito palayo. "That's enough." dinig kong bulong niya bago sila mawala sa paningin naming dalawa. "Tara na." Hinatak-hatak naman niya ako pabalik sa dorm room namin at mabilis na ginamot ang sugat ko. "Nahihibang ka na ba? Bakit ka lumabas? Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong lumabas ng gantong oras tapos wala ka pang kasama?" "Hindi ko naman alam, e. Kung inexplain mo sana sa akin 'yong tungkol sa bagay na iyon no'ng nagtanong ako, edi sana hindi mangyayari 'to." Sagot ko sabay tingin sa bandage na tinapal niya sa braso ko. "Tsk. Hindi na ako flawless." Mangiyak-ngiyak kong sambit. "Tsk. Kung jan pa lang e nanghihina ka na, paano na kaya sa mga susunod pang mga araw kapag nakatagal-tagal ka na rito?" Napatingin ako sa gawi niya "Ano ba kasing meron dito? Bakit parang kakaiba lahat ng tao? Unti lang nakakakilala sa'kin. Bakit hindi ako famous dito? Outdated ba kayong lahat? Hindi niyo ba kilala kung sino ako? Tsk. Dapat nga magkandarapa kayong lahat na makita ako dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng opportunity na makita ako sa personal. Ugh!" Naiirita kong sagot. Totoo naman, e. Bakit parang wala sa kanila ang kilala ako? O kung iilala man ako bakit hindi nila ako pinapansin? May balita naman kaya dapat lang na makilala nila ako dahil ako kaya lagi ang laman ng balita. Lagi akong nasa headlines kasi sobrang sikat ko. "Tsk." "Tsk Girl na lang ang itatawag ko sa'yo kasi lagi kang nag-t-tsk." Medyo nahirapan pa ako sa pagpronounce no'n. "Don't call me that way." Maawtoridad niyang tugon. Inirapan ko na lang siya saka ibinalik ang paningin sa bandage ko. "Ooohhh... Huhuhu... Hindi na ako flawless..." "Dadagdagan ko 'yan." Pagbabanta niya. "Oh sorry na. Hindi nga mauulit, e." Tsk. Pisti naman, oh. Kung nasa bahay lang talaga ako, talaga namang magkakaroon ako ng ultra treatment nito. "Aray!" Angil ko ng muli itong humapdi. Nakita ko namam siyang umiling. Hindi niya ata nagustuhan 'yong pag-aray ko. Pero masakit naman talaga, e. Siya kaya tusukin ng palaso, tingnan ko lang kung hindi siya mag-a-aray sa harap ko. "Mag-f-five na. Malapit na matapos ang break." Paalala ko sa kanya. Baka kasi mamaya makalimutan niya. "I know. Pero hindi tayo a-attend ng class." Aniya na siyang ikinagulat ko "What?! Bakit? You mean mag-c-cut tayo ng class?" Paninigurado ko kasi baka mamaya nahilo lang siya kaya niya nasabi iyon. "Yes." Maikli nitong sagot. "Pero bakit?" Huminga naman siya ng malalim bago umupo sa sofa. "Hindi ka ata titigil sa pagtatanong." "Talaga hanggat hindi nasasagot 'yong mga tanong ko." Pinagkrus niya ang mga braso niya saka nag-dekwatro. Naghintay naman ako ng sasabihin niya pero walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig niya. UGH! Maya-maya pa, naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. NO! HINDI AKO PWEDENG KUMAIN! NAKALIMUTAN KO ANG APPLE CIDER KO! NO! HINDI AKO PWEDENG MA-TEMP KUMAIN! NEV- Natigilan ako sa pag-e-emo ko nang may ma'amoy akong swak na swak sa panlasa ko. Ngayon ko lang din napagtanto na wala na siya sa tabi ko. Mabilis naman akong tumayo at sinundan ang amoy nito at laking tuwa ko sa nakita ko. "Chicken." Sambit ko Ngumiti naman siya at tinuro ang seat na nasa tabi niya. "Gutom ka na pero mas pinili mong 'wag kumain." Anito "Paano mo nalaman? Telepathic ka ba?" "Tch. Masyado kang mabilis basahin." Umupo na siya at uminom ng tubig. "Libro ba ako para basahin?" Pagtataray ko na naman. Hindi namam na siya sumagot at nagsimula nang kumain. Habang ngumunguya naman ako, bigla ko na namang naalala si Sky. 'yong nerd na ''yon, nakakainis siya. Palagi na lang siyang pamapasok sa utak ko. Buhay pa kaya siya? May nangyari kayang masama sa kanya? Sana wala. Nasaan na kaya siya? Kumusta na kaya siya? Ba't ko ba siya inaalala? "Bukas walang pasok." Napatingin naman ako sa gawi niya. "Bakit naman? Wednesday pa lang bukas, ah." "Sa lugar na 'to, basta Miyerkules, pahinga ang mga tao." Tugon nito. "At bakit naman?" "Tsk. Bukas, gumising ka ng maaga ililibot kita sa imperyong'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD